Chapter 12: Powers Clashed

251K 7.8K 606
                                    


XYRA

Humina ang puwersa na nagmumula sa dalawa nang maghiwalay ang mga kapangyarihang nagbabanggaan. Napansin ko na natutulog pa rin si Baby Clauss, walang pakialam sa mga nangyayari. Nagawa kong makapasok sa loob pero napasandal ako sa pader nang muling magsagupa ang kapangyarihan nina Akira at Clauss.

Kung hindi makapal ang concrete wall ng training room malamang ay gumuho na ito. The walls inside were cracking.

Gumawa ako ng airshield para protektahan ang sarili. Naupo ako sa isang tabi habang nanonood sa dalawa. Hindi ako naaapektuhan ng malakas na puwersa nila dahil sa airshield. Pinaputok ko ang airball na pinagkulungan kay Baby Clauss kaya nagulat siya. Masama ang tinging ipinukol niya sa 'kin habang lumilipad.

Napangiti ako sa itsura niya. Ibinaling ko ang pansin sa dalawang lalaking naglalaban na walang pakialam sa nangyayari sa paligid. Gusto kong maging malakas katulad nila. Astig tingnan ang fire phoenix at ang earth fox. Naramdaman kong dumapo sa ulo ko si Baby Clauss na nanood din sa nangyayaring laban.

The earth fox emitted earth spears by waving its tail and directed those attacks to Clauss. Mabilis ang galaw ni Clauss kaya nakaiwas agad siya at nakagawa ng counterattack. Clauss deflected the earth spears using a big spear of fire, headed towards the door. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Selene. Nakulong sa loob ng tubig ang mga earth spears na patungo sana sa pinto at bumagsak sa sahig. Patuloy pa rin sina Clauss at Akira sa paglalaban.

Pumasok si Selene na nababalutan ng tubig at napapailing. The water surrounding her could withstand the pressure coming from the two clashing forces. Walang anumang naglakad si Selene at umupo sa isang tabi. Nanood siya na walang balak pigilan ang naglalaban.

The fire phoenix started to shoot fire in Akira's direction. Akira made a big earth shield to protect himself. Sanay na sanay ang dalawa sa pakikipaglaban kaya namangha ako sa nasasaksihan. I suddenly felt the urge to surpass them... but it's impossible. Walang-wala ako kung ikukumpara sa kanila.

The earth fox released a strong shockwave directed at Clauss. Even the floor was shaking because of its magnitude. Clauss made a huge wall of fire that separated and divided the room in two. Nasa parte ako kung saan si Akira lang ang nakikita ko. Akira's shockwave was having a hard time penetrating the big wall of fire.

Naramdaman ko ang pag-init sa loob dahil sa malaking apoy sa loob ng training room. Is there no limit to their powers? Lalong pinalakas ni Akira ang shockwave. Pakiramdam ko ay lumilindol na sa loob. Gusto talagang tibagin ni Akira ang matibay na depensa ni Clauss.

CLAUSS

I could feel the power from Akira's shockwave. The ground was shaking even more. Akira really wanted to damage me with that force. Dahil sa ginawa niya lalo kong pinakapal ang fire wall defense ko. I managed to release the double fire dragon across the fire wall to attack Akira. Mahina lang iyon dahil wala akong balak sunugin si Akira.

Inalis ko ang fire wall defense dahil humina na ang shockwave niya. Nakikipaglaban si Akira sa double fire dragon ko. Akira's shielding himself using an earth dragon. Hindi ko inakalang marunong na siyang maglabas ng ganun.

Naramdaman namin ang pagbukas ng pinto ng training room pero hindi namin pinansin iyon. I released more power to support my double fire dragon. I tried to defeat Akira's earth dragon but the defenses of earth were really strong.

"Kung ganoon, kayo pala ang may kagagawan ng paglindol sa Academy."

Napatigil kami ni Akira sa paglalaban. It's Bryan's voice. Napalingon kami sa direksiyon niya. Napailing siya sa 'min.

"We're practicing. Why are you here?" kaswal kong tanong kay Bryan. Mahina siyang natawa. Hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

"I don't think you can still call this 'practice'. Huwag kayong mainip dahil magkakaharap din kayo sa last week ng training niyo," natatawang wika niya.

Napakunot-noo kami. Itinigil namin ang paglalaban.

"I'll give you the chance to fight one-on-one to test your abilities. The fight will be held outside this academy. You'll just destroy Wonderland with your destructive powers," wika ni Bryan.

"What? Makakalaban ko sila?" sindak na tanong ni Xyra. Takot na takot siya sa ideya ni Bryan.

"Yes, you heard it right. Makakalaban mo ang bawat isa sa kanila," sagot ni Bryan.

Nanlumo siya sa narinig na animo'y binagsakan ng langit at lupa. Pinigilan kong matawa. Nagsalita muli si Bryan. "I'll be taking you out of here, Xyra. I'll give each one of you a separate training room. I noticed that you can't train yourselves properly together. Second day pa lang nagkakagulo na kayo."

Para sa 'kin, mas magandang ideyang kung may kanya-kanya kaming training room. Mas malaya kong magagawa ang gusto ko kung mag-isa lang ako.

"Xyra, pumunta ka sa office ko. The other three can use the training rooms of this academy. Here are the keys," wika ni Bryan. Inihagis ni Bryan ang mga susi sa 'kin. Lumabas na siya. Inihagis ko kina Akira at Selene ang dalawa pang susi.

Napatingin ako kay Xyra. Napansin ko si Baby Clauss na pirming nakahilata sa ulo ni Xyra. I noticed the terrified look upon Xyra's face. Lumapit ako sa kanya.

"Hey, ugly weakling. I'll be taking my dragon," wika ko. Tiningnan niya ako na parang walang pakialam. She's still occupied with what Bryan said. Lumipad si Baby Clauss sa harap ng mukha ni Xyra na parang inaasar siya. Hindi siya pinansin ni Xyra kaya nakasimangot na lumipad si Baby Clauss patungo sa balikat ko.

Mukhang tatakasan na ng katinuan si Xyra kaya bigla ko siyang binatukan. Napahawak siya sa ulo at nagtatakang napatingin sa 'kin. Bumalik na siya sa katinuan.

"Bakit ka ba nambabatok? Kainis ka naman! Ikaw kaya ang batukan ko?" asar na sigaw niya.

"Mukha ka kasing tanga. Ang sarap mo tuloy batukan," nang-iinis kong wika. Inirapan niya ako. Napansin kong maganda siya kapag naaasar. Pinigilan kong mapangiti sa itsura niya. Nag-iwan ako ng ilang salita kay Xyra.

"Be ready for our fight, Xyra. Hindi ako magiging mabait sa weak na kagaya mo," wika ko.

"Ikaw yata ang kailangang maghanda Clauss. Your fire will never be able to touch me. I'll be stronger to beat you," matapang na wika ni Xyra.

Napangiti ako sa sinabi niya bago lumabas. My fire will never touch her? That's good to hear but it's impossible. My fire could touch everything, especially the weak like her. I won't show any mercy so she would realize that.

XYRA

Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob para sabihin iyon kay Clauss. Gusto ko lang mawala ang takot na nararamdaman. Tumayo si Selene sa kinauupuan. She looked at me, mocking me.

"His fire will never touch you? You're making me laugh. Let's see what you got on the one-on-one fight. I'll drown you to death," nakataas ang kilay na wika niya.

She's threatening me. I felt goosebumps all over my body. Tumayo ako at hindi siya pinansin. Si Akira naman, palabas na rin. Ngumiti si Akira sa 'kin bago lumabas. Pinagmasdan ko ang loob ng training room nang maiwan akong mag-isa. Malaki ang natamong pinsala nito mula sa laban nina Clauss at Akira. Paano ko ngayon sila lalabanan?

Pakiramdam ko lumalapit ako kay kamatayan sa tuwing naiisip ko na makakaharap sila. Kailangan kong magpakahirap sa pagsasanay para mapantayan sila. Lumabas ako sa training room at nagtungo sa office ni Bryan.

"You'll be training outside the academy. Marami kang dapat matutunan. Ihanda mo na ang gamit mo dahil ngayon na tayo pupunta sa training ground mo," wika ni Bryan.

Matapos niyang sabihin iyon, hindi na ako nagtanong. Pumunta na ako sa dorm para ihanda ang mga gamit. Umalis kami agad at nagtungo sa training ground na sinasabi niya. Malayo ang lugar na pinuntahan namin. Nakarating kami sa isang malaking isla. It's a wide field but it's different. Hindi ko akalaing makakakita ako ng ganoon.


Wonderland Magical Academy: Touch of Fire (Cloak PopFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon