Chapter 33 - Patiently Waiting For You To Tell Me

4.4K 67 25
                                    

Dear Readers,

Super overwhelming yung dami ng comments sa last chapter...super thank you guys! Pasensiya na po if I can't reply to all of them.Pero THANK YOU NG MARAMI. Yes I know, its been a while since I updated. Thewhole month of June I was so busy studying for my exams tapos nung first few days of July may writer's block naman ako. Kaya sorry po...

And I dedicate this chapter kay Andrea... O ayan beh...sa wakas nagkaaccount ka na din sa wattpad..

Anyways enjoy reading guys....

-Dianne

One sunny afternoon ay tahimik na nagpapahinga ang mahal na Reyna sa may veranda ng kanilang silid. Pagkatapos niya kausapin si Kim noong naglunch sila ay nakaramdam siya ng pagkalungkot. Hindi niya makalimutan ang sinabi sa kanya ni Kim na if magiging intimate ba sila ni Xian ay maaring bang magbago ang relasyon nila for the better, "Dahil they could be so intimate physically, pero ang mga puso at isip nila never naman nagtatagpo."

A part of her was feeling guilty dahil alam niya na binigyan nila ng hari ng isang napakalaking responsibilidad si Kim, the moment they asked her about marrying Xian for the sake of Maldonia's tradition. Every woman dreams of their own wedding, at alam ng reyna na isa yun sa mga hindi na magagawa ni Kim dahil definitely hindi isang dream wedding ang kasal na isang kasunduan lang at walang namamagitan na pagmamahalan mula sa dalawa.

Hindi napansin ng Reyna na nakapasok na pala ng kanilang kwarto ang hari. Naputol lamang ang kanyang pagiisip ng may naramdaman siyang humawak sa may balikat niya.

"Mukhang malalim ata ang iniisip ng aking reyna ah," sabi ng hari.

Hinawakan ng reyna ang kamay na nakapatong sa may balikat niya at saka tinignan ang hari sa mga mata bago nagsalita, "Anjan ka na pala mahal," sabi nito, "wala lang inaalala ko lang ang ating anak. Nakausap mo na ba siya?"

The king gave her a questioning look, at saka sinabi, "bakit mo naman inaalala ang ating anak, meron ba nangyari?"

"Wala naman mahal, nagkausap kasi kami ni Kim, at napansin ko lang na tila parang malungkot siya. May nabanggit ba sa iyo si Xian kung nagkatampuhan ba sila? O may insidente na naman bang nangyari sa pagitan nila?" Nagaalalang tanong ng Reyna.

Hindi naman kasi taliwas sa kanilang magasawa ang nangyari insidente kina Kim at Xian nuon ang di sinasadyang pagbuntong ng galit ni Xian sa ama kay Kim. Yun ang unang pumasok sa isipan ng reyna na maaring dahilan ng kalungkutan ni Kim.

"Sa pagkakaalam ko nga mahal eh maayos naman sila ni Kim. Sa pagkukwento pa nga sa akin ni Murdock ay sobrang excited nga daw umuwi etong si Xian mula sa Hongkong dahil namimiss niya na ang asawa niya. And yan din ang sinabi ni Xian sa akin ng makausap ko siya. Sabi pa nga sa akin ni Xian , he can't really say na he loves Kim yet pero he cares a lot about her." Sabi ng hari. "May nabanggit ba sa iyo si Kim noong naglunch kayo?"

"May nasabi siya sa akin mahal na hindi maalis sa isipan ko, noong tinanong ko siya about intimacy sabi niya sa akin na maaring maging inimate ang dalawang tao physically pero ang mga puso at isip nila never naman magtatagpo. Meaning its all physical, walang feelings na involve, walang pagmamahalan na namamagitan sa dalawang panig," sabi ng Reyna. "Mahal, naguguilty ako dahil sa tradition na yan we didn't even consider na masasaktan ng sobra si Kim sa setup na to. Isang loveless marriage ang binigay natin sa kanya."

"Totoo isang loveless marriage ang meron sa kanila noong una. Pero naniniwala ako ngayon na hindi na ito isang loveless marriage. I see the way Xian looks at Kim. Ganoon din si Kim kay Xian, and I can tell that both of them have feelings for each other pero at the moment maaring nacoconfuse pa ang dalawa sa nararamdaman nila. Masasabi ko na ang may mga bagay bagay that setting them back from seeing that love," sabi ng hari. Napangiti siya bago niya pinagpatuloy ang sinasabi niya. "At naisip ko mahal baka hindi matapos ang taong ito eh maging lolo at lola na tayo, at ang batang yung ang magiging susi para makita nila ang pagmamahal nila sa isa't isa."

The Princess (KimXi Fan-Fiction) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon