[9] Palengke date with the guy of my dreams. <3

489K 3.6K 766
                                    

4th Meet Up was a BLAST! Thank you sa lahat ng pumunta. Lahat kayo feeling ko nakaclose ko <3 Sa susunod ulit. I love you HARD people. <3 :"> 

P.S Wala munang FIRST Comment = Dedication sa chapter na 'to. Dedicate ko lang sa girl crush ko. :"> Hi, Anne! <3

CHAPTER 9

Hope's POV

"HOY HOPEEEE."

Ugh! Ano na naman?! Ang aga aga naririnig ko na naman ang ate ko!

"ANECH?!"

Mayamaya may pumasok sa kwarto ko.

"Hoy 10AM na! Gumising ka na!"

"Sabado naman kasi ngayon eh! Hayaan mo na." sabay taklob ng kumot. Tapos inalis ni Ate.

"Baka nakakalimutan mong ikaw yung mamamalengke ngayon!"

Napadilat ako. O___O

"Ano?! Eh ateeee. Pagod ako. Pass muna."

"Hoy! Tatlong linggo ka na nagpapass ah! Hindi na maganda yan!"

Lumapit ako kay Ate at hinug siya..

"Ateeeee--"

"Hep. Di na uubra yang pagpapacute mo. Hindi. Ito ang listahan ng bibilhin mo. At ito ang pera. Hala sige maligo ka na at bumalik ka bago magdinner okay?!"

"Ano namang feel mo? Ganoon ako katagal sa palengke?"

"Malay mo maglakwats ka pa! Ikaw pa!"

Napakunot na lang ako ng noo. No choice na ako! Naligo at nagayos na ako. Shorts at tshirt lang tapos nakapony tail. Palengke lang naman eh.

"Ate, Lola aalis na ako."

"Ingat!" sabi nila parehas.

E di ayun nga. Nagpedicab na ako papuntang palengke. Tinatamad kasi akong maglakad. Isa pa... Mainit. ^___^ Nagpapaputi nga ako. Gusto ko maging kakutis ni Venice.

Noong malapit na kami sa may palengke biglang tumigil si Kuya Pedicab.

"Oi, Kuya anyare? Wala ng gas?" Napatawa naman si Kuya.

"Naku Iha, may banggaan ata. Di tayo makakalusot."

"Oh siya sige kuya, gapangin natin, ay hindi joke lang. Oh kuya oh. Maglalakad na lang ako! Teknyu!" sabay baba sa pedicab.

E di siyempre usisera ako tiningnan ko. Pagtingin ko may kotse. Ang ganda! Anong ginagawa nito sa palengke?! Naligaw?

Lumapit pa ako at nakiusisa. Nakisiksik ako sa mga tao! Chika agad to kina Miks at Chels! Tsaka baka gwapo yung may ari ng koste!! Tiba tiba! :">

Maya maya may biglang kumulbit sa akin..

"Sssh, may tinitingnan pa ako."

Tapos nangulbit pa!

"Sumiksik ka kung gusto mo makita! Okay na ang view ko dito eh!"

Tapos nangulbit pa!! ABA!!

Pagharap ko.....

Harujusko.

O_____O

":)"

As usual, nginitian na naman ako.

"Enzo??"

":)"

"Anong ginagawa mo dito?"

"(ngumuso sa kotse)"

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon