Chapter 26: Enemy tayo!

4M 73.8K 44.3K
                                    



"Hoy, Jeydon!" Tumakbo agad ako papalapit kay Jeydon.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.

"Bakit mo sinusuntok 'yang pader, ha? Tingnan mo nga, dumudugo na 'yang kamay mo!" Biglang nagbago 'yong hitsura niya. Ngumisi siya sa 'kin tapos lumapit siya. OMO! Anong gagawin niya? Baka mamaya, ako naman ang suntukin niya! Huhu! Joke lang 'yon!

"Concerned ka ba sa 'kin?" Nag-iba yata ang ihip ng hangin. 'Yong ngiti niya, abot-langit.

"Asa! Doon ako sa pader concerned. Kawawa naman, e."

"'Sus! Sabihin mo na kasing concerned ka sa 'kin."

Lumayo ako sa kanya. Sige, concerned na ako. E, kasi naman, dumudugo na kaya 'yong kamay niya! Ang sama ko naman para hindi mag-alala, 'di ba? Ano ako, pusong-bato? Kahit enemy ko siya, tao lang din ako. Mabait na nilalang na nag-aalala kahit sa kaaway niya.

"Whatever! Halika na nga, dadalhin kita sa clinic."

Umupo siya sa sahig. Naka-Indian sit pa siya tapos nag-cross arms. Anong ginagawa niya? Natuluyan na ba 'yong pagkaabnormal niya? Tinaasan ko siya ng kilay pero nakangiti lang siya sa 'kin. Nairita na ako sa pinaggagawa niya, nag-aalala na ako ro'n sa kamay niya, e. Hindi pa rin kasi tumitigil 'yong pag-agos ng dugo ro'n.

"Sige, dalhin mo ako sa clinic pero..."

"Pero?"

"Pilitin mo muna ako!"

Abno talaga. Lumapit ako sa kanya, hinawakan ko 'yong braso niya tapos hinila ko siya patayo. Pfft! Ang bigat pala ng lalaking 'to. Huhu! Ako na nga ang concerned sa kanya, ako pa ang pinahirapan. Lakas ng topak no'n, e! Pasalamat siya, mabait ako, kasi kung hindi, iniwan ko na siya roon. Amp!

"Tumayo ka na riyan! Baka ma-late pa ako sa class ko, e."

"Ayoko nga! E di, iwan mo na ako rito."

Nakangiti pa rin siya. Hindi ba sumasakit 'yong kamay niya? Parang ako ang nasasaktan kapag nakikita ko, e. Humanda ka talaga sa 'king Jeydon ka kapag nagamot na 'yang kamay mo, susuntukin kita! Ahh! Pahirap ka.

"Halika na nga kasi, e!"

Hinila ko pa rin 'yong braso niya kahit bigat na bigat na ako. Buwiset kang lalaki ka! Ang aga-aga, pinapahirapan mo ako. Sa sobrang bigat niya, pagkahila ko sa kanya, natumba ako diretso sa harap niya. Nakahiga tuloy kaming pareho, tapos ako 'yong nasa taas, nakaharap sa kanya.

Nagkatinginan tuloy kaming dalawa. Nakita ko na naman 'yong brown eyes niya. Nag-iimagine ba ako? Pero bakit parang kumikislap ang mga mata niya? Pumikit ulit ako tapos pagkadilat ko, nakita ko siyang nakangiti sa 'kin.

"Sabi ko kasi sa 'yo picture-an mo na lang ako, para mas matagal mo akong matitigan. Naiilang kasi ako kapag tinititigan mo ako nang ganyan, e."

Inalis ko agad 'yong tingin ko sa kanya. Bakit ba kasi kada titingin ako sa mga mata niya, hindi ko mapigilang titigan 'yon. Amp! Parang tinatawag ako, e. Baka kung ano na naman ang isipin ng abnormal na 'yon kaya tumayo agad ako.

"Nagulat lang ako. Hindi kita tinititigan, 'no? Yuck, kadiri ka!"

"Yuck ka rin! Ang gwapo-gwapo ko kaya. Maraming nagkakadandarapa para lang makalapit sa 'kin, tapos ikaw, choosy ka pa?"

"Anong choosy? E, sa hindi ako 'yong nagkakandarapa para lang makalapit sa 'yo! Ayoko ngang lumapit sa 'yo, e."

"Ows? Kaya pala nilapitan mo ako rito?"

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon