Chapter 25: Protective Kuya

3.6M 73.2K 37.8K
                                    


Isang oras na yata kaming paikut-ikot ni Marky. Saan kaya kami pupunta? Nangamba tuloy ako. Paano na pala si Kuya Charles? Hala, lagot ako ro'n.

Huminto kami sa kung saan. Hindi ko alam kung saan 'yon, e. Kita mula roon 'yong city, ang gaganda ng mga ilaw. Ang ganda roon. Alam mo 'yong sa mga palabas sa TV, 'yong lugar kung saan sila naghihintay ng shooting star. Ano ba 'yan? Para akong tangang kinikilig nang walang dahilan. May parking para sa dalawang kotse, may upuan tsaka may mga ilaw. May nakita rin akong mga bulaklak. Ang ganda talaga.

Bumaba si Marky ng sasakyan. Bumaba na rin ako. Noong nag-meet 'yong mga mata namin, ngumiti siya sa 'kin. Sumandal siya sa harap ng kotse niya. Siyempre, gano'n na lang din 'yong ginawa ko. Ang tagal naming tahimik.

"Nagulat ka ba?"

Tinatanong pa ba 'yon? Malamang. "Ha? Saan?" Sige, magpatay-malisya kang babae ka. Hindi naman ako nagulat, e, nawindang lang naman ako ro'n.

"'Yong sinabi ko... na gusto kita, na ako 'yong humalik sa'yo, na ako 'yong tumulong sa 'yo."

"Oo. Pero 'yong panyong 'yon, 'di ba, kay Jeydon 'yon? Paanong ikaw?"

"Hindi, sa 'kin talaga 'yon."

Hindi na naman ako nakapagsalita. Kinabahan ako na ewan, e. Masaya na kinikilig na ewan. Pero may disappointment din akong naramdaman. Dahil kaya hindi si Jeydon 'yong tumulong sa 'kin? Yuck! Bakit ko ba siya naiisip? Na-disappoint lang ako kasi mali pala ako ng inisip. Ang abnormal ng nararamdaman ko noon. Tumingin ulit ako kay Marky pero nakatingin lang siya sa langit. Ang daming stars. Ang ganda talaga.

"Gusto mo rin ba ako?"

Sheteng kalabaw na tanong naman 'yan. On the spot talaga? Huhu. Oo! Oo, gusto kita! Kung alam mo lang!

"Uhm..." Hindi ko masabi, e! Huhu.

"Okay lang, basta ako, gusto kita."

Tumingin siya sa 'kin. Nagulat ako kasi nakatingin pa rin ako sa kanya. Tumawa siya tapos kumindat sa 'kin. Waaah! Matutunaw yata ako sa kagwapuhan niya. Grabe lang. Natakpan ng buhok ko 'yong mukha ko. Bigla naman niyang inangat 'yong kamay niya. Akala ko kung anong gagawin niya, 'yon pala nilagay niya sa likod ng tenga ko 'yong buhok na tumakip sa harap ng mukha ko. Alam mo 'yong sa mga teleserye? Sobrang nag-init 'yong mukha ko. Alam kong nag-blush ako. Nahalata rin siguro ni Marky kasi tumawa siya, e. Nakakahiya.

"Alam mo ba kung bakit dinala kita rito?"

"Hindi."

"Sabi ko kasi kapag nakita ko na 'yong taong gusto ko, dadalhin ko siya rito."

Hindi na naman ako nakapagsalita. Kinilig kasi ako, e. So totoo talagang gusto niya ako? Akala ko naman, trip-trip lang niya 'yon, e.

"Nagulat ka nga sa lahat ng nangyari ngayon." Ginulo na naman niya 'yong buhok ko. "Sorry, ah, kung nagulat kita."

Kasi naman, bakit hindi ako makapagsalita kanina pa? Nahalata tuloy niya. Huhu. "Hindi, okay lang. Hindi ko lang naisip na magkakagusto ka sa 'kin, kasi hindi naman ako maganda, e."

"Maganda ka, Candice. Kailangan mo lang makita 'yon. Kagaya namin."

"Namin?"

"Oo... dahil hindi lang naman ako 'yong nagagandahan sa 'yo, e. Meron pang iba."

Sino kaya 'yon? Niloloko naman ako ni Marky, e!

"Alam kong may shooting star na dadaan dito, e. Teka..." Saktong pagkatapos niyang sabihin 'yon, may dumaan ngang shooting star, nakita ko siyang pumikit. Nag-wish kaya siya?

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon