Chapter 1 : Clean Freak

23 2 1
                                    

Ako nga pala si Jinbei Hibiya, 1st year ako ngayon.

Weird , Selfish, Mysterious at marami pa at yan ang kalimitang expectations and impressions ng mga taong nakapaligid sakin.

Lahat na ata ng Negative n pede masabi idinikit na nila sa pangalan at background ko .

Di na ako nagtataka kung bakit nagawa ang kasabihan ito .

" The mans greatest enemy is Satan ? " parang ang layo.

"The mans greatest enemy is fear ? " di parin.  -.-

"The mans greatest enemy. . .. is no other than people around him, the people who made their self as god, as a human whose worthy of becoming powerful than other ."

Sabihin na nating ung mga taong di matigil sa paninirang puri ng iba. Yung mga taong sobra kung makapanghusga

Pero sarili lang naman natin ang makakapagsabi kung totoo lahat ng sinabi nila .

Umaga palang eto na ako naglalakad papuntang school, maaga ako umalis para wala masyadong makasabay at makitang ibang tao.

Tahimik ang buong daan na aking nilalakaran, ung feeling na sa anumang saglit bigla nalang may lalabas sa damuhan, sa likod ng puno.

Pero sanay na ako sa mga ganitong pangyayare, Sinanay ko na sarili ko na mapag - isa nung mamatay si Mama at Papa 13 years old palang ako noon. Ngayon masasabing working student agad ako sa edad kong ito . Tutor / Bantay Computer Shop, yan ang naging trabaho ko .

Pero alam nyo may mga bagay talaga na mas magandang di nalang mabanggit, kaso may mga taong patuloy na sisiraan ang ibang tao, paulit - ulit kang ipapahiya.

Siguro dahil may pinagdadaanan sila kaya sa iba nila binubunton galit nila ?

Dahil sa dami ng iniisip ko di ko na napansin na nasa harap na pala ako ng room namin.

Iniisip ko kung papasok pa ba ako o uuwi nalang , tutal maaga pa naman at walang ibang tao ang makakakita sakin kung uuwi ako.

Pero habang naglalakad ako pababa sa first floor ng school.

May nakita ako na isang babae , halatang mayaman siya. Di ko nalang pinansin at patuloy na naglakad palabas ng School.

Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sakin at nagsalita .

" Bago lang ako dito sa lugar niyo and it seems na kabisado mo itong school , magtatanong lang sana ako kung saan ung room ng Class - B. "

Matagal na nangibabaw ang katahimikan , gulat parin ako dahil sa ginawa niya . Siya pa lang kasi ang unang kumausap sakin sa loob ng 3 taon .

Pinilit kong magsalita at ituro ang daan papunta sa sinasabi niyang lugar.

" Pag - akyat mo ng . . . building sa taas . . . ikatlong room sa kanan "

Kabado ako kaya medyo utal utal ang pagkakasabi ko. Mukha namang naintindihan niya ang sinabi ko.

" Salamat po sa tulong ! "

Yan ang huling salitang binigkas niya sa harap ko nung umagang yon .

Natuloy ang balak kong di pagpasok ng eskwelahan ngayon, at eto ako nagtutor ng Grade 3 student na lalaki sa kanilang bahay. Di ko alam pangalan niya , kalimitan ang tawag ko sa kanya ay Ryo. Haha nakakatawa man isipin pero nakuha ko lang ang pangalang yun sa isang manga na nabasa ko.

Malimit ko siyang kausapin , hindi dahil sa galit ako sa kanya o ano pa mang dahilan.

Hindi ko siya kinakausap dahil . . .

Hindi ko alam kung pano mag Bring Up ng isang conversation. As in wala , blangko utak pagdating sa mga ganyang bagay .

Pero nag iba ang ihip ng hangin ngayon , nagpakilala siya sakin, nagsalita ng mga bagay na nasa isip niya.

"Ako nga po pala si Jerald, Jerald Solero."

"Kuya bakit po lahat ng tao galit at takot sayo ? "

"May nagawa ka po bang masama sa kanila ?"

Hindi ko inaasahan na ganito ang kalalabasan ng matagal niyang katahimikan, ilang taon ko na siyang tinuturuan. Pero ni minsan di siya nagsalita , kahit nung una palang siyang ipakilala sakin ng Mama niya .

Napag isip isip ko na curiosity niya lang ang dahilan ng pagsasalita niya ngayon . Kaso nagkamali ako , Nagtanong ulit siya at ang sabi niya.

"Bakit ayaw mo magsalita ?"

"Natatakot ka ba na lalo kang kamuhian ng ibang tao pag nagsalita ka ? "

Ewan ko pero parang ibang tao na ang kausap ko ng mga oras na iyon. Hindi na simpleng grade 3 ang nagsasalita sa harap ko.

Isa lang nasabi ko sa kanya.

"Oo tama ka, tama lahat ng sinabi mo. Dahil ang kasalanan ko sa kanila ay ang mismong pagkasilang ko sa mundong ito "

Sa mga oras na iyon, di ko na napigilang mag stay sa bahay nila . Agad akong umalis at umuwi sa bahay.

Saglit akong nahiga, napag isip isip ko na siguro mali nga talaga ang pananahimik ko. Kaso nangingibabaw parin ung takot ko. Takot na minsan ko ng nadama dati  . . .

[ Flashback ]

" Ano ba yan Hibiya ang bagal mo naman ! "  - Blurred Face Kid

" Teka lang ! "  

" Wag mo iwan , natatakot ako ."

" Asan kana ? "

Sa bandang huli nauna siya at naiwan ako sa dulo .

[ End of Flashback ]

Di ko namalayan 5:30 na pala , 30 mins. nalang at start na ng shift ko sa Computer Shop .

" Tsk tsk, bat ang tagal mo ? "

Bumungad sakin ang mukha ng Tito ko.

"Anu bang ginawa mo at natagalan ka ha"

Pumasok na ako sa loob at nagsalita.

" Tito sorry po, nakatulog ako sa bahay ng matagal eh "

Tumingin sakin si Tito at pabirong sabi niya.

"Next time na ma late ka ulit tatanggalin kita "

Wika niya sakin kasabay ng malakas na halakhak .

Naupo na ako sa counter, at nagsimulang mag trabaho.

Sa buhay minsan pala dapat matuto tayong magsalita , huwag manahimik . Lumaban para sa sarili , pero hindi ito ung naging resolve ko . Siguro hindi talaga para sakin ang salitang laban .

Marami paring mga tanong na nabubuo sa utak ko , mga bagay na gumugulo sa isipan ko . Ung iba sakit lang sa ulo, pero mas masakit ung mga bagay na hanggang ngayon tumutusok parin sa puso ko .

10: 30 na pala, natapos na ang mahabang araw ng trabaho.

May pasok nanaman bukas , itutulog ko na lang ito. Nagbabakasakali ako na sa pag gising ko mawawala at makakalimutan ko na ang nakaraan.

Kasama ng mapapait na karanasan .

- End of Chapter

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DecieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon