[43] I'm Getting There

545K 10K 4.1K
                                    

[43] I'm Getting There

CHELSEA'S POV

"Mukhang maganda ang gising mo, Chelsea ahh?"

Nginitian ko lang si Ate Cherry bilang pagsagot ko. Wala lang, mukhang nasa light mood ako ngayon eh.

"Nagkabalikan na ba kayo ni Mike, anak?"

My brows almost met after I heard my Mom's question. Humigop muna ako sa brewed coffee ko bago siya tinignan. "Mama, hindi na po kami magkakabalikan nun."

She smiled a little. "Good. Akala ko binalikan mo na naman yun." Inabutan muna niya ng bread ang 5 year old kong kapatid na si Cheska. Yes, we're three sisters. "Hindi bagay sayo ang mga ganung klaseng lalaki, anak. Marami pa naman dyang iba."

Bigla namang humarap sa akin si Cheska sa tabi ko. "I don't like Mike for you, Ate Chelsea. He's not nice."

Napatawa naman kami ng mahina sa sinabi ni Cheska. Naalala ko noon, nakita ni Cheska mula sa terrace ng bahay namin na nagtatalo kami ni Mike. Mukhang natanim yata niya sa isip niya na pinapaiyak ako noon ni Mike. Since then, ayaw na ayaw na niya sa kanya.

"Don't worry Cheska, Ate Chelsea got a new boyfriend already. You want to know who he is, don't you?" Singit naman ni Ate Cherry kaya napailing nalang ako habang pinagpapatuloy ang pagkain ko.

"Really, Chelsea? May bago ka na?" I heard Mom asks. Napangiti lang ako sa kanya kasi hindi ko alam ang isasagot ko. Is Nathan my boyfriend officially? Oo nga't we're in a relationship pero open relationship lang naman yun eh. Hayyy. Kaya ayaw ko pang ipakilala si Nathan sa family ko kasi pa'no kung hindi nagwork ang relationship namin when weeks pass by? Edi wala lang essence.

"Yes, Mama. Naaalala mo pa si Nathan?" Tanong ni Ate kay Mama habang nakangiti siya sa akin ng nakakaloko.

"Oo naman. Oh, anong meron sa kanya?"

She grinned, "Yun ang bagong boyfriend ni Chelsea. How nice diba?"

Mukhang nagulat ang expression ni Mama habang nakatingin sa akin. Mukhang amazed siya eh. "Wow, siya yung valedictorian niyo nung highschool diba? Si Salvador?"

"Opo, Mama."

*Door bells*

Napahinto kami sa pagkain nang marinig namin na may nagdoorbell. Si Nathan na siguro yun. Araw-araw naman kasi niya akong sinusundo eh.

"Ma, alis na po ako. Si Nathan na po yan." Sabi ko habang nagpupunas ng labi ko at tumayo na.

"Bat 'di mo siya papasukin, anak?"

"Ma, not now. Pwedeng next time nalang po?" I said and smiled to her.

"Osya, sige next time nalang... Mukhang nagmamadali ka na eh."

I smiled widely in relief. Good thing... "Sige, Mama..." Nagkiss muna ako kina Mama, Ate Cherry at syempre kay Cheska bago ako lumabas ng bahay. Dahil iisa lang ang housemaid namin at kasalukuyan pa siyang namamalengke ay walang nagbukas ng gate para kay Nathan.

Pagbukas ko, naabutan ko siyang nakasandal sa kotse niya habang nagpipindot sa phone niya. Tumingin agad siya sa akin at lumapit sa akin.

"Nat-Nat, pasensya na kung matagal kitang pinagbuksan ha? Nagbebreakfast pa kasi kami." Segunda ko.

Nginitian niya lang ako sabay iling nito. "Okay lang. Hindi naman masyadong matagal eh."

I smiled in return, "Let's go?"

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon