15 DAYS

1.3K 35 9
                                    

A/N: Hello po, ate Ulan! Silent reader mo po ako. I'm such a fan of your works! Ibang klase. Halimaw ang utak mo. I hope ma-meet kita in the future.

15 DAYS (FANFICTION), 2013
By: dolletienne

"Pang ilang araw na 'yun?"

"P-pang fou-14th day.."

"Ah..ako kasi..pang 16th day na."

Hindi ako mapakali pagkabasa ko ng salitang "End". Kababasa ko lang ng 15 DAYS ni pilosopotasya. Ang galing talaga nya! Kilig na kilig ako. I want more!

Ang hirap kasi pigil na pigil ang nararamdaman ko. Nasa Library kasi kami at nakiki-wifi lang. Hindi ko pa naman nakakalimutan ang GMRC noong kinder no!

Oo na, ang OA ko na. Nahiya na si Justine sakin dahil mas kinikilig pa yata ako sa kanya. Ganyan talaga ako eh, may pagka hopeless romantic.

"Janeska, tara na. Malapit na magtime." si Jasmine, bestfriend ko

"Ang bilis naman!"

Kahit ano namang gawin kong reklamo ay wala naman akong magagawa. Shinut down ko na ang laptop ko at inayos ang mga gamit.

Medyo nagmamadali na rin ako nang makita ko ang oras. Hindi pa naman kami male-late pero ayaw naman naming maghikahos. Nakakawala ng ganda.

Kinakabahan ako kasi madadaanan namin ang classroom ng crush ko, si Alex.

Hindi ko alam kung ano bang pinatutunayan nya kasi ang gwapo na nga nya, maganda pa ang boses nya. Vocalist sya ng banda ng school namin. Sikat rin sya kahit sa mga taga kabilang school. Pero kahit na ganoon, hindi sya maangas o mayabang.

Hindi talaga mahirap na magustuhan sya. Marami akong kaagaw at aware naman ako dun. Pero syempre dahil hopeless romantic ako, hopya pa rin ako. Cute naman daw ako sabi ni Mama.

Ang pinakagusto ko sa lahat, wala akong nababalitaang may girlfriend sya. Feeling ko nga ako na lang inaantay niya eh. Malay nyo may hidden desire din sya sakin. Hihi.

Sa may bintana ng classroom nila ay kitang kita ko sya. Nakangiti sya sa kung anumang sinasabi ng mga tropa nya.

Napakapit ako ng mahigpit kay Jasmine dahil hindi ko na yata kinakaya ang lahat. Ang gwapo nya talaga! Mukha pang mabango.

"Ang landi mo." sabi niya

Sinimangutan ko sya pero ang laki naman ng ngisi nya. Nagulat ako nang bigla nyang kinatok ang bintana kung nasaan malapit lang sila. Lumingon sila sa kanya at hiyang hiya naman ako kahit wala pang sinasabi si Jasmine.

"Alex, hi daw sabi ng friend ko."

Kaming dalawa lang naman ang nasa labas ng classroom nila kaya nalipat sa akin ang atensyon nila. Inulan siya ng kantyaw ng mga kaklase. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang ang awkward naman kung bigla akong tatakbo o kung ano. Hindi ako mapakali sa kagagahan nya.

Ngumiti sya sa akin na nagpakalma na lang bigla sa nararamdaman ko. Ang gaan kasi. Parang sinasabi nyang "okay lang".

More reason to like him!

Napatanga na lang akong nakaharap sa kanya. Nakatulala at naninigas na lang. Nakakahiya naman!

"Tumigil nga kayo." suway niya sa mga kaibigan niya "At Jasmine, loko ka."

"Naku, hindi, kinikilig yan. Nga pala add mo sya sa Facebook kasi nahihiya sya eh. Janeska Cruzem. Pag nakalimutan mo, tingnan mo na lang sa profile ko naka-tag sya sa mga posts ko. Uy ha, baka hindi makatulog to—"

15 DAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon