Chapter 23

998K 13.2K 5.4K
                                    

Chapter 23

 

Mikay’s POV

 

“Ano mikay? Okay ka na ba?”

Inihatid kasi ako ni Gino dito sa bahay.

Andito kami ngayon sa loob ng kotse niya.

“Ewan ko…” Bulong ko.

Simula kasi kanina, di na ko naging maayos.

Ayokong magsalita.

Ayokong makita si Jerome.

“Gusto mo samahan kita sa bahay niyo? Dito lang naman yung bahay ko sa tapat”

Tumingin ako kay Gino.

Buti nandyan siya.

Kasi kanina, iyak ako ng iyak.

Lahat ginagawa niya para umayos yung pakiramdam ko.

Siguro naaawa na siya sakin.

 

“Gino, bakit sila ganun?”

Ayokong mag-break down na naman sa harapan niya pero di ko matiis.

Para bang gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko.

“Ssh...magiging okay din yan…”

Humagulgol na ulit ako.

“P-paano? P-paano magiging o-okay?”

Di nagsalita si Gino.

Para naman kasi akong timang.

Bakit siya yung tinatanong ko?

Kung tutuusin, di niya rin naman alam ang gagawin.

 

“Sorry” Sabi ko ng mahina sabay punas sa mga luha ko.

“Mikay, kausapin mo muna sila”

 

“Gino, ayoko! Ayokong kausapin sila kasi tingin ko, puros kasinungalingan na lang yung sasabihin nila! Malinaw naman yung picture ah! Kitang-kita kong naghahalikan si Joyce at si Jerome! Kaya nga siguro ako iyak ng iyak! Kasi sarili kong kapatid, inaahas ang boyfriend ko! Oo, di kami magkadugo pero sana man lang, nirespeto niya ko!”

I'm his TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon