Kabanata 35

897K 24.2K 8.9K
                                    

Kabanata 35

Nabasag Na Salamin

Lumabas ako sa taxi nang nanginginig sa galit. Maraming estudyante ang nakatingin sakin... Siguro ay nagtataka kung bakit ganito ang soot ko. Ang iba sa kanila, hindi pamilyar sa internship uniform ng Le Marcelle. May ibang tumawag sakin - mga classmate ko noon.

"Trisha!? Anong ginagawa mo dito?" Sigaw nung isang kaklase ko.

Hindi ko sinagot. Dumiretso lang ako sa paglalakad. Hindi ko ininda ang sakit ng takong ko habang mabilis na tinatahak ang school grounds. Malayo pa ang cafeteria kaya mataas pa ang isasakripisyo ko bago makarating kay Troy.

Liliko na sana ako nang nakita kong naka park sa gitna ng parking lot ang sasakyan ni Troy.

Nagdilim ang paningin ko. Sobrang dilim, halos wala na akong makita.

Ang tingin ko na lang sa sasakyan niya ay siya.

Kumuha ako ng malaki-laking bato at luminga-linga sa paligid. Wala akong nakitang malapit sa sasakyan. Kumuha ako ng ballpen at tissue sa bulsa ko.

Pinulupot ko ang tissue sa bato at nagsimulang magsulat. Nanginginig ang kamay ko habang isinulat ko ang bawat letra:

'I hate you so much. Sana umalis ka na sa buhay ko. Pinagsisihan ko ang araw na nakilala pa kita.'

Hindi ko na linagyan ng pangalan... I bet, by now, inaasahan niya na 'to galing sakin. Kilala niya ako at alam niyang hindi ako titigil nang di siya binibigyan ng magandang laban.

Buong lakas kong tinapon ang bato sa salamin ng driver's seat. Tumunog agad ang alarm. Yumuko ako at tumakbo palayo sa sasakyang wasak ang salamin. Tanging Troy!

Agad nagpuntahan sa sasakyan niya ang mga tao. Ineksamin nila ito at pinagkaguluhan. Nagsipuntahan halos lahat ng estudyante doon. Inayos ko ang sarili ko.

Humugot ako ng malalim na hininga.

"I feel much better." Sabi ko sa sarili ko kahit na masakit ang puso ko.

Syempre... sa lahat ng nagawa niya... sa galit ko... hindi ko parin matangging may feelings pa ako sa kanya. Ang sasakyan niyang iyon ang nagdadala sakin sa mga lugar na siya lang ang kasama ko. Parang panaginip ang lahat. Yung mga gabing magkasama kami, mga bituin sa langit, mga mata niya, ngiti niya, ang Troy na kilala ko... panaginip. Hindi... Bangungot. Bangungot na iyon sa ngayon.

Nilagpasan ko ang mga taong nagsipuntahan sa sasakyan niya. Iniwasan ko rin ang mga shortcut.

Pupuntahan ko ba siya o hindi?

Sinubukan kong ngumiti. Magaan sa mukha ang pagngiti ko ngayon pero mabigat sa dibdib. Di bale na. Nasaktan niya na ako, hindi pwedeng makita niyang mahal ko parin siya sa ginawa niya sakin.

Training To Love (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon