Chapter 39

152K 2.4K 342
                                    

Chapter 39

(THIRD PERSON)

Akala nila papaalisin na sila ni Sophia pero hindi pala. Kasalukuyan sila ngayon nakasakay sa isang elevator. Well, a Golden elevator.

”Sebastian?” Tawag ni Tim.

”Ano po yun?” Tanong naman ni Sebastian.

”Uhmm.. Totoong gold ba ’tong lahat?” Tanong ni Timothy. Napatawa si Sebastian.

 “Opo. Gold po itong elevator na ‘to pati ang iba pa. Pinasadya po talaga yan ng great great grandfather ni Young Mistress Sophia. Dahil naniniwala siya na ang lahat na ipapanganak sa Montereal Clan deserves the best in life.” Bumukas na ang elevator at ang bumungad sa kanila ay isang malagintong corridor. Balot na balot ng ginto ang lahat. Balot ng red carpet naman ang floor. Napalunok sila..

”Sabihin niyo sa akin na nananaginip lang ako.. This place in so unreal..” Sabi ni Alexa..

“Nasa 10th floor po tayo sa west wing ng Montereal Palace. Ito pong buong west wing na ito ay para sa mga bisita. Andito na din po lahat ng kakailangan niyo.” Inihatid sila ni Sebastian sa kani-kanilang kwarto.

”Kung may kailangan po kayo, paki-pindot lang po yung itim na button sa may gilid ng inyong kama. Dadating po ako o ang mga iba pang maid dito. Free po kayong libutin ang buong lugar..”

(DANIEL)

Matapos kaming ihatid sa kwarto namin. Inilibot ko ang tingin sa buong kwarto.. Triple ang laki nito sa sarili kong kwarto. Kumpleto na rin ang gamit. Para na ngang bahay ito.

Umupo ako sa kama at nag-isip.

“Pero kung gusto mo talagang mabawi si Lia, do what you need to do..” Ano bang gusto ni Sophia na gawin ko o kung may ipagagawa siya sa akin? Wala akong clue.Mahina pa naman ako sa mga logic na ganyan. Masakit sa ulo!

”Psst...” Tumingin ako sa paligid ko. Wala namang tao..

”Psst...” Nawala ang malalim kong pag-iisip. Dahil may sumisitsit sa akin. Pero wala naman akong kasama.Don’t tell me may multo sa kwarto na ’to?!

Nagpanic ako, lalabas na dapat ako ng jwarto ng makarinig ako ng tawanan..

“HAHAHAHAHAHAHAHA” Hinanap ko yung pinanggagalingan, dun sa may mini living room.Hanggang sa dalhin ako ng tunog sa isang maliit na monitor. At nakita ko dun si Justine, Tim, at Acel. Tawa ng tawa..

“Mga ugok kayo! Akala ko may multo na!!” Sigaw ko sa 3. Wala pa rin silang tigil sa pagtawa.

 “Kasi naman ang lalim ng iniisip mo! Parang pasan-pasan mo na problema ng mundo!” Asar ni Justine. Nagsalita ang hindi.

 “Sus! Parang siya hindi.. mas matindi ka pa nga mag-emote sa akin e.. Hanggang pagtulog puro si Sophia lumalabas sa bibig mo!! Asar ko pabalik..

”Walang basagan ng trip!” Tapos biglang sumeryoso ulit ako..

”Ano ng gagawin mo Daniel?” Tanong ni Acel. Napabuntong hininga ako..

”Ewan ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Sophia. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin o kung may ipapagawa siya sa akin. Alam niyo naman na ayoko ng mga ganyang logic!” Inis kong sabi at natawa si Timothy..

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon