Previous Page of 3Next Page

Kalarong Multo (True Story)

spinner.gif

Sabi ng Mama ko, araw-araw daw, kung anu-anong pangalan ang binabanggit ko sa kanya, ito daw ay mga kalaro ko.

Sabi niya din ay palagi din akong nawawala at kapag dumating na, ang lagi kong sagot sa kanya kapag nagtatanong siya ng "Saan ka nanaman nagpunta?" ay "Diyan lang, nakipaglaro lang kay ________" magbabangit ako ng pangalan na hindi niya kilala samantalang nasa gitna kami ng hekta-hektariyang palayan at may dalawa lamang na kapit-bahay. "Pwede bang magkaroon ka ng mga kalaro na hindi ko kilala?" ang palagi niyang tanong ulit sa akin, ang sagot ko na lang daw lagi ay "Ewan?".

Kaya si Mama ay nangangamba sa aking kalagayan, hindi niya alam kong may sakit ba ako sa pag-iisip o ganyan talaga ako dahil bata pa.

Ngunit isang araw nakumpirma na niya ang tunay kong kalagayan

"Anak saan kana naman nagpunta?" ang walang sawa niyang tanong sa akin

"Diyan lang po, nakipaglaro lang kay Malou" ang sagot ko

"Sino ba yang Malou na yan?, ipakilala mo na naman siya sakin" ang tanong ni Mama sakin

"Ma? Hindi mo ba siya kilala? ang sabi niya sakin kapatid mo daw siya?" sagot ko na may pagkasarkastiko

Nagulat si Mama sa sinabi ko dahil may naaalala siyang Malou din ang pangalan.

Malou ang pangalan ng kapatid niyang matagal ng patay.

Namatay si Malou noong bata pa lang siya dahil sa malubhang sakit.

"Talaga?" ang tanong ulit niya

"Opo Ma? yun ang sabi niya sakin, hindi naman ako nagtataka dahil magkamukha kayo eh" ang sagot ko na mas ikinagulat niya.

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (629)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended