24~*

134 6 6
                                    

PEM’S P.O.V

Mabilis na lumipas ang mga araw. Sa bawat paglabas ng bahay, mga camera agad ang bubungad sa umaga namin. Marami at iba’t-ibang pictures din ang nagkalat sa internet. Karamihan hindi totoo. Hayyy.

Tuluyang nabago ang mga nangyayari ang araw-araw naming ginagawa. Kung dati naglalakad lang kami, ngayon hatid-sundo para makaiwas sa media. Ang hirap tuloy gumala. -___- Pero tiis-tiis din. Wala naman kaming magagawa eh. Ngayon, ang highlight at center of attraction namin ay ang Fun Fair.

Fun Fair: 3 days to go.

Pagkatapos nito, Goodbye Kingston Academy.

“Pauline, kunin mo nga yung tape kay Lance, kanina pa niya pinaglalaruan yun eh.”

“Sige, wait.”

Pinuntahan ko naman si Lance na busy makipagharutan kay Joshua. Hindi sila tagilid ah. Sadyang close lang. ^__^

“Lance, yung tape daw.”

“Here, pasensya sa abala.”

Busy na lahat. 3 days na lang kasi Fun Fair na. wala ng klase ngyaon kasi ibinigay na ng school ang buong last week at 3 days para sa mga estudyante.

“May gagawin pa ba ako, Migs?” tanong ko naman kasi wala na akong magawa.

“Mamaya na lang ulit, Pem. Pahinga ka na muna.”

“Okay!” sabi ko naman tsaka lumabas ng room.

“Pem Pem!! Libre mo ko!” biglang umakbay naman sa akin si Phoenix.

“Tanggalin mo nga yang kamay mo.”

“Eto naman ang sungit. Libre na lang kita.”

“Tara!”

Kinaladkad ko na siya papuntang canteen at pumili na ako ng bibilhin niya. Wala pa masyadong tao kaya mabilis lang.

“Yun oh!” tinuro ko yung slice ng chocolate cake.

“Dalawa nga po nun, Miss. Tsaka po dalawa ding Cream-O, yung chocolate.”

Umorder pa siya ng iced tea tsaka kami umupo para kainin na yung inorder niya.

“Teka lang.” sabi niya at dinurog yung isang Cream-O tsaka ito inilagay sa ibabaw ng chocolate cake ko.

“Anong ginagawa mo?” tanong ko sa kanya.

“Basta, masarap ‘to. ^__^”

Ganun din yung ginawa niya sa cake niya habang ako naman ay pnapanuod lang siya. Kumuha naman siya ng kaunti sa cake niya at itinapat ito sa mukha ko.

STAR SYSTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon