Chapter 3 : Trap with the Stranger

3.7K 88 23
                                    

CHAPTER THREE

\m/ Kathryn POV \m/

Naalimpungatan ako na mabigat ang aking pakiramdam. Tila ba may, mabigat na bagay na nakadagan sa'kin. Pag-baling ko may naamoy ako na mabango. Hmm!? Ang bango naman ng unan ko! Dahil don, di ko napigilan ang sarili ko na yakapin ito ng mahigpit. Sininghot-singhot ko ito! Ano kaya inilagay ni Yaya na fabric conditioner dito? Napakabango talaga! Hanggang sa maramdaman na gumalaw ito. At may mainit na hangin na nagmumula sa kung saan. Ang siyang dumampi sa aking pisngi. Natakot ako kaya naman kaagad kong iminulat ang aking mga mata. Laking gulat ko ng makitang may nakayakap na lalaki sa 'kin. Habang ang aking ulo ay nakaunan sa braso nito. Nang iangat ko ang mukha ko. Napansin ko ang mukha nito ay malapit na malapit na sa mukha ko, na siyang ikinalaki ng mata ko. O_O

Kaya naman pala ramdam na ramdam ko ang hininga nito. Sapagkat ilang pulgada na lamang ang layo ng mukha namin. Matagal akong natigilan sa sitwasyong kinasangkutan ko. Hanggang sa marealize ko kung sino siya. Mabilis kung hinila ang comforter at itinakip sa buo kong katawan. Paano nangyaring, kasama ko siya sa lugar na ito? This is ridiculous! This is insane!

Paanong hindi ka magugulat? Kung sa pag-gising mo ang tanging bubungad sayo, ay ang mukha ng lalaking... Unang pagkikita nyo pa lang alam mong mainit na ang dugo mo dito. Siya lang naman ang new transferee, na classmate ko si Daniel Jasper Padilla. Paanong nangyaring alam niya ang lugar na ito? Ang alam ko mag-isa lang ako dito, bago ako natulog. Dahil sa pagkataranta, ayaw mag-function ng utak ko. Hindi ko alam ang nararapat na gawin.

"Oh! My! What to do? Mom...Dad... Help me!" mahinang bulong ko hanggang sa maisipan kung....

Alisin ang kamay nito na nakayakap sa 'kin. Mabilis akong bumangon at tila napapasong lumayo ako sa kanya. Lumabas ako sa tent! Tumingin ako sa paligid at napansin ko, na tumila na ang kanina ay malakas na ulan. Paule-ule akong nag-lakad sa terrace. Habang kagat-kagat ko ang nail ko. Gawain ko ito lalo na pag tense ako. In-hale, ex-hale yon lang ang tanging nagawa ko. Upang kumalma... Paanong!? Hindi, imposible talaga eh!? Baka naman imagination ko lang lahat yun.

Pagkatapos ma-relax ang sarili. Bumalik ako sa loob ng tent at pinagmasdan ang lalaking mahimbing na natutulog. Dahil hindi pa rin ako ganoong naniniwala. Dahan-dahan kung hinawakan ang matangos nitong ilong. Sa pamamagitan ng aking pointed finger. Pero totoo ang lahat dahil nararamdaman ko siya. Hindi imagination, hallucination or dream ang lahat. Saka rinig na rinig ko ang hilik nito. Anong ginawa nito sa akin? Bakit mag-kayakap kami!? Madaming tanong na gusto kung bigyan ng sagot. Ngunit ang Daniel na ito, mukhang enjoy na enjoy sa pag-tulog.

"Hoy.....Gising."wika ko

Habang tinatapik ito sa balikat. Ngunit mas lalo lamang lumakas ang hilik nito! Ang sarap nitong buhusan ng nagyeyelong tubig. Sa inis ko, kinurot ko siya sa tagiliran. Napakahirap gisingin ng lalaking ito! Tulog mantika! Nakakainis!

"Aray! Ano ba!?" Galit na singhal nito ngunit, nakapikit pa rin ang mga mata na bumalik sa pagtulog at nagawa pang yakapin ang unan.

Siya pa ang galit! Dapat ako ang magalit hindi siya! Patuloy ko pa rin siyang ginising. Niyugyog ko naman ito sa balikat.

"Anak ng tokwa! Napakakulet naman nakikita ng natutulog pa an------"

Nakasimangot itong bumangon. Habang nakahawak sa tagiliran niya kung saan ko siya kinurot. Tumingin siya sa 'kin at napahinto sa sasabihin. Wala siyang nagawa kundi ang titigan ako sa mukha. Sandaling katahimikan! Hanggang sa hindi ko na napigilang hindi magtanong.

"Ano...Paano....Bakit...." mga salitang tanging namutawi sa aking labi.

Hindi ako sanay makipag-usap sa kahit na kaninong tao. Lalo na sa taong ngayon ko pa lang nakasama. Lalo pa at lalaki siya.

MY ULTIMATE SAVIOR (KathNiel♡Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon