Chapter 04 - The secret (July 8, 2011)

1.2M 17.1K 1.3K
                                    

DATE POSTED: July 8, 2011

Chapter 04

"HOMAYGHAD!"

"Totoo ba ito?"

Hindi magkamayaw ang mga kababaihan. Kerengkeng nga naman daw ang mga tao sa eskuwela. Lalo na sa mga gwapo.

Si Harley Villaluz nga. Ang kaunaunahang artistang pumasok sa classroom nila.  

"Yes! Mr. Villaluz? What can I do for you?!"

Si ma'am Cagula mukha pang nagpa-cute? Kahit ang laking tanda niya naman kay Harley, tumayo pa siya at sa kaunaunahang pagkakataon yata, ngumiti na. Pero maisim pa rin. Kung kanina lang ay parang wrestler yung mukha nya, ngayon di maintindihan kung nakainom ba ito ng suka na nagkaroon ng constipation? Matandang dalaga kasi.

"I'm looking for Mrs. Fuenta... I'm sorry I'm looking for Ms. Bernal. Ibabalik ko lang sana yung project niya na tinignan ko kanina." habang sinasabi yun ni Harley, tumatanaw-tanaw siya sa kabuuan ng classroom hanggang makita na nga niya ang kinauupuan ni Phoebe.

Mrs. Fuenta...? OH LORD! Hindi ako maaring magkamali, sasabihin niya talaga kanina, MISIS FUENTABELLA! Pero teka, anong sinasabi niyang isasauli niya daw yung project ko? Nasira kaya niya!

"I see, kaya pala hindi niya dala. Hindi mo naman agad sinabi Bernal." pati si Phoebe ay nginingitian na rin ni ma'am Cagula. "Ano pang hinihintay mo. Kindly get your project from Mr. Villaluz, mukhang nabibigatan na siya."

Pakyut pa rin si ma'am ampupu.

Pumunta na siya sa may pinto, inabot sa kanya yung project ng may makapa siya sa ilalim.

"May naiwan kang envelope."

"What?!" namutla siya. 

"Easy, honey."

"Okay. Sige ganito. Let's talk later." sabi niya. Gusto niya kasing magpaliwanag. Patay na talaga siya kay Kent. Karibal pa nito sa showbiz ang naka-alam ng lahat.

"Sure! After class!" bulong nito!

"Thank you Miss Janet." tinawag pa nito sa first name si ma'am Cagula. In fairness alam nito ang pangalan ng guro kahit parang unang araw lang nito sa klase.

Umalis na ito, bumalik na naman sa pagiging seryoso si ma'am Cagula.

"Project mo Bernal?"

"Ah ito na po!" dali-dali namang ipinasa ni Phoebe ang proyekto na ngayon ay buong-buo na rin pala. Buo na rin ang araw niya. Nakalagtas siya sa malaking dagok ng buhay / Miss Janet Cagula. Hindi niya na namalayan yung mga susunod na oras. Pero kahgit inip na inip na rin kasi siya na magtapos yung klase, kinakabahan din siya sa di malamang dahilan. Dahil siguro sa nalalaman ni Harley tungkol sa kaniya. Sa kanila ni Kent.

Sinabi niya rin kay Jhone ang lahat. Pinakita niya lang ang envelope at nalaman na nito ang gusto niyang sabihin. Alam naman nito na nandun lahat ng patunay eh. 

Bwisit kasi yung mga babaeng yun, kung hindi dahil sa kanila, hindi sana nagkandahulog-hulog yung mga laman ng bag ko!

Bwisit kasi yung mga babaeng yun, kung hindi dahil sa kanila, hindi sana nagkandahulog-hulog yung mga laman ng bag ko!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Last period na. Titig na titig siya sa oras! 4:59 na. Isang ikot ng minute second-hand na lang tatakbo na siya sa Section A.

*Brrrriiiiiiing!!!!*

Bago pa mag-ring, nakatayo na si Phoebe at alam na inabangan niya talaga ang oras! Naglalabasan pa lang yung Section A ng makarating siya doon. Tumingin-tingin at nagantay siya sa paligid. Hindi mahagilap ng mata niya si Harley.

"Ano na naman?" may bumulong sa kanya.

Paglingon niya, si Kent pala. Nakatayo ito sa gilid locker, kunwari nag-aayos ng gamit habang nagsasalita ng mahina pero sapat na para marinig niya.

"Bakit?" medyo iritableng sagot niya.

"Ano na namang ginagawa mo dito? Hindi ba pwedeng sa bahay mo n--"

"Ha? Wala akong pakialam sa'yo, sungit!"

"H-ha? Bakit ka nga nandito?"

Bago pa siya makasagot, nakita niya ng papalabas na si Harley. Tumango ito na parang sinasabing mauna na siya. Dumaan siya sa harap nito at naglakad.

"Susundan kita." narinig niyang bulong nito.

"Uhm, okay." Naisip niyang para rin pala itong si Kent. Ayaw sigurong ma-issue na may kasamang silang walang kwentang tao. Pero nawala naman agad ang bitterness niya dahil alam niya naman ang hirap ng isang artista. Ayaw niya rin namang may masabi kay Harley.

Ang hindi alam ng dalawa, kitang kita ni Kent ang mga social cues na ginawa nila. Kahit mukhang hindi sila halata ng buong eskwela, obvious ito para sa asawa ni Phoebe.

Hindi maintindihan ni Kent ang nararamdaman. Sa tingin niya ba ay nanakawan siya ng laruan. Karibal niya si Harley. Ang bansag nga dito ay Kent ng kabilang channel. Magkasabay ng timeslot ang mga teleserye nila. Kadalasan ay magkalabang produkto ang ine-endorse nila. Minsan pa nga ay kahit sa pelikula, pinagtatapat sila. Akala ni Kent hanggang trabaho lang. Hindi niya alam kung bakit ang sikretong asaw niya, nakakasama pa nito. 

Baka naman alam niya na asawa ko si Phoebe? Oh What's the matter with you Kent? Nagkataon lang. Pero bakit sila magkasama? Unang araw niya pa lang dito? Parang napakaimposibleng si engot na Phoebe ang magugustuhan niya!?

Madaming naiiisip si Kent. 

*later*

*later*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon