Previous Page of 4Next Page

SECRETLY MARRIED .ƒĢ. (Published in Print)

spinner.gif

Secretly Married is already published in Print

195php | English | Summit Media Books

Just because some people said I need to make a memo (though I dunno why there's such a need) This material you're about to the read is the raw Secretly Married. Not proofread nor copy-edited and of course, NOT COMPLETE because I don't own this anymore. Summit media has already obtain the rights to publish it.

If you want the complete version, you can buy it at all major bookstores nationwide. (NBS, Powerbooks, Bestsellers, Fully Booked, Pandayan Bookshop, Expressions, Mio) No coercion please. I'm just saying. If you still want to read the crappy, unfinished version, well then the stage is yours. Read. 

 

P.S. This is 3rd person POV (Narrator) Wag noobs =) Most books are in 3rd person. lmao

__________________________

Chapter 1

 

May asawa na si Phoebe. Actually, 4 years na siyang kasal kahit 17 years old pa lang siya ngayon. Paano nangyari yun?

 

Simple! Arranged marriage ang nangyari sa kanila ni Kent. Bestfriend kasi ang mothers nila. At matagal na nilang pinaplano yun nung mga buhay pa ang mga ito. Oo, namatay ang mga nanay nila sa isang car-accident 10 years ago. At dahil doon, pinagpasyahang ituloy ng mga tatay nila ang napagkasunduan ng dalawang magkaibigan. Dinala pa sila noon sa New Hampshire 4 years ago para lang maipakasal. 14 si Kent, 13 naman siya. Syempre wala naman silang nagawa nun. Marriageable age na kasi doon ang mga ganung edad. Kaya ngayon Mrs. Phoebe Isabelle Bernal-Fuentabella na siya.

 

“Alis na ako!”

 

Palaging nauuna si Kent sa kanya kapag umaalis ng bahay. Nagsasama na kasi sila,, pero magkahiwalay naman ng kwarto. Bata pa rin naman daw sila kahit papaano.

 

“Sige.”

 

Ang tipid ng sagot niya. Naiinis kasi siya. Ayaw niya rin naman na ikasal na lang basta basta sa kababata niya. Pero naasar pa din siya dahil hanggang ngayon, sikreto pa rin na mag-asawa sila. Ang mga pamipamilya lang nila ang nakakaalam. Si Jhone lang, bestfriend niya, at si manang Lourdes, yaya ni Kent, ang mga tanging nakakaalam na hindi nila kapamilya.

 

“Tska hwag mo na ulit akong kakausapin sa school. Kung may sasabihin ka, itext mo na lang.” Humabol pa ng sabi.

 

Azzar! Sungit!

“Opo!”

 

Walang nakakaalam, at wala talagang pinagsasabihan dahil artista si Kent, sikat. Ayaw nilang masira ang career nito, kaya sikreto pa rin na may asawa na siya. Syempre naman sino ba naman ang hahanga sa batang iniidolo ng lahat tapos may-asawa na.

 

After two minutes sumunod na siya sa school. Nakita niya si Jhone kumakaway sa kanya.

 

“Sis! Problema mo, nakamangot ka na naman dyan! Asawa mo na naman noh? tara sapakin na natin!”

 

“Hooy! Hwag kang maingay nga. Peste to!”

 

Medyo napalakas kasi ang sabi ni Jhone.

“Okay lang yan. Uso na naman ang tawagang asawa ngayon kahit magjowa pa lang. Dabah? Pero ano bang problem kay Mr Sungit, magdivorce na nga kasi kayo?

 

Bading na bading talaga magsalita yung bestfriend niya. Parang bading na babae.

 

“Divorce ka dyan!” muntik na siyang mapasigaw

 

“Uyyyyy!! Ayaw niya, labs mo na si Kensungit nuhhh??

 

“Hindi ah. Nakakaoffend lang talaga minsan. Alam mo yun bawal pa siya kausapin, itext na lang daw siya, samantalang kapag yung magagandang classmate niya ok lang?”

 

May mga flings kasi si Kent. Bwan bwan na lang iba-iba ang nakikitang kasama. Playboy nga ang tawag sa kanya kahit 18 years old pa lang siya eh. Ewan niya ba bakit parang nakalakas pa yata ng karisma nito yung tatak na playboy. Dumami pa ang girls na nagkagusto. Bandwagon yata.

 

“Hay naku love mo na yata talaga siya sis. Dati-rati di ka naman naiinis eh. D’bale ikaw naman ang legal wife!”

 

“Che! Tara na nga!”

 

Dumerecho na sila sa klase. Syempre, nasa iisang floor lang ang classroom nila ni Kent. Di naman nagkakalayo ang edad nila at nasa iisang level lang sila. Ang problema, hindi niya naman classmate si Kent. Matalino kasi talaga ito, eh siya Bonacles ng bayan, bubu. Ang utak niya ga-munggo, kalahati bulok.

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (4733)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Chapter 1

Cast

cast undisclosedas cast undisclosed

Who's Reading

Recommended