Chapter 01 - We are married (July 8, 2011)

5.8M 60K 10.9K
                                    

DATE POSTED: July 8, 2011

Hi, bago ka dito?

If yes, welcome! I wrote this July 2011 - Dec 2011, and since then, hindi ko pa siya nae-edit. I'm trying but I cringe every single time. I'd rather write a new story than spend hours editing this. At sinusulat ko ito ngayon Aug 2018 na. Sobrang dami ng nagbago sa'kin. This is not my favorite work, pero masasabi ko na 'yung panahon na sinusulat ko ang SM ang pinakamasaya. Such bliss. Sana magustuhan niyo!

Not an excuse for a crappy work, pero hindi ko na i-eedit para malaman niyo na rin 'yung growth ko as a writer (kung meron man haha) at para hindi mawala 'yung raw feelings ko noong panahong hindi pa pressured of publishing deals and other contracts ang mga tao. Yes, this was written before the advent of all those.

Oo. Alam ko na ang civil at family code at walang logic ang mga nangyari, pero kung iaayos ko ito, the whole plot will be scrapped so hindi ko na ito gagalawin. Sana isipin niyo na artistic license na lang ang arranged marriage plot na ito para matawid natin ang kwento sa ngayon.

But, even though it's not edited in here, the published book was professionally copy-edited. So I just laugh at the previous harsh comments asking why a crappy unedited work is published. Oo na. I know this may not be the best work, but back then when I was a baby, this was the best that I could produce as someone who has no background in writing. But believe me, the book is entirely scoured by Pop Fiction. It's even in english. I'm just retaining this raw version here so I could remember all those fond memories while I'm writing without pressure and restraint almost a decade ago.

But anyway, enjoy. This is written in the 3rd person omniscient POV. Meaning, may narrator po. Katulad po ng Harry Potter, The Mortal Instruments, even Pride and Prejudice. I didn't mean to line Secretly Married in there, pero just saying that you're reading something in this voice. Huwag po kayong maghanap ng "I" at "me" sa narration kasi ang weird po ng tanong niyo at paghahanap ng POV dito.

Love,

Glimmer

Chapter 1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 1

17 Years old pero may asawa na. Yan si Phoebe /feebi/. Sa murang edad, di mo aakalaing 4 years na siyang kasal kahit na hindi pa nga siya umaabot ng wastong gulang.

Paano nangyari? 

Simple! Predictably, si Phoebe ay naitakda para sa isang arranged marriage kasama ang kababatang si Kent. Matagal at malalim na naging matalik na magkaibigan kanilang mga ina. Matagal na talagang pinlano ang pagiging isa ng pamilya nila sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kanilang mga anak. Nagsimula sa biruan pero di kinalaunan, naging seryoso na ang mga ito sa mga kantyaw at totoong naging isang plano. Lalo pang nagpatimbang sa mga planong ito isang insidenteng nangyari ilang taon na ang nakararaan. Last nail in the coffin ika nga.

10 years ago, isang aksidente ang bumawi ng buhay ng dalawa. Eventually, the accident sealed the deal. Pinagpasyahang ituloy ng mga nabalong mga ama nila ang napagkasunduan. Hindi rin nila alam ni Kent noon kung anong sanhi ng pagmamadali ng mga ito, pero dahil na rin sa bata pa sila, hindi na sila nagtanong ng dalhin sila sa New Hampshire kung saan nagtatrabaho ang ama niya para ipakasal. 14 si Kent, 13 naman siya. Dahil marriageable age na doon ang mga edad na yun. Kaya ngayon Mrs. Phoebe Isabelle Bernal-Fuentabella na siya.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon