Previous Page of 5Next Page

Secretly Married .ƒĢ. (Published & Soon to be a Major Motion Picture)

spinner.gif

Secretly Married is already published in Print.
195php | English | Pop Fiction - Summit Media Books
You can also purchase via buqo app (Available in Appstore and Google Play) for $3.99

Chapter 1

17 Years old pero may asawa na. Yan si Phoebe /feebi/. Sa murang edad, di mo aakalaing 4 years na siyang kasal kahit na hindi pa nga siya umaabot ng wastong gulang.

Paano nangyari? 

Simple! Predictably, si Phoebe ay naitakda para sa isang arranged marriage kasama ang kababatang si Kent. Matagal at malalim na naging matalik na magkaibigan kanilang mga ina. Matagal na talagang pinlano ang pagiging isa ng pamilya nila sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kanilang mga anak. Nagsimula sa biruan pero di kinalaunan, naging seryoso na ang mga ito sa mga kantyaw at totoong naging isang plano. Lalo pang nagpatimbang sa mga planong ito isang insidenteng nangyari ilang taon na ang nakararaan. Last nail in the coffin ika nga.

10 years ago, isang aksidente ang bumawi ng buhay ng dalawa. Eventually, the accident sealed the deal. Pinagpasyahang ituloy ng mga nabalong mga ama nila ang napagkasunduan. Hindi rin nila alam ni Kent noon kung anong sanhi ng pagmamadali ng mga ito, pero dahil na rin sa bata pa sila, hindi na sila nagtanong ng dalhin sila sa New Hampshire kung saan nagtatrabaho ang ama niya para ipakasal. 14 si Kent, 13 naman siya. Dahil marriageable age na doon ang mga edad na yun. Kaya ngayon Mrs. Phoebe Isabelle Bernal-Fuentabella na siya.

“Hoy, alis na ako!” hindi gaano kalakas pero may diing sabi ni Kent mula sa labas ng pinto, sapat na para marinig niya.

Palaging itong nauuna sa kanya kapag umaalis ng bahay. Nagsasama na kasi sila, sa iisang bubong pero magkahiwalay naman ng kwarto. 

“Sige.” tipid na sagot niya.

Mga mga oras na ganitong naiinis siya. Kapag naiisip niyang hindi naman talaga gusto na ikasal sa kababata niya. Pero kung kakapaain sa damdamin niya, hindi rin naman sa ayaw na ayaw niya. Ang totoong sanhi ng inis niya ay yung wala talaga siyang partikular na interes para dito, at ayaw niya ng ganun, na hindi niya alam kung anong nararamdaman niya. Pero ngayon, sigurado siya na naasar siya. Naasar dahil hanggang ngayon, bukod sa mga malalapit na kapamilya, sikreto pa rin na mag-asawa sila.  At mas masahol pa, dahil tago rin ang kahit anong relasyon na namamagitan sa kanila.

“Tska 'nga pala... hwag mo na ulit akong kakausapin sa school. Kung may sasabihin ka... ano... itext mo na lang.” Habol pa nito. Dahil mag-asawa man sila sa papel, sa labas naman ay pawang schoolmates lamang ang relasyon nila.

Hmp Sungit!

“Opo!” 

Walang nakakaalam ng weird nilang set-up. Sino pa ba naman ang napapasama sa arranged marriage sa panahon ngayon? Bukod pa doon, wala na talagang dapat pang pagsabihan bukod sa mga piling mga kakilala dahil artista si Kent. Hindi lang basta extra sa showbiz pero sikat at masasabing nasa prime ng kanyang career. At the top of his game ika nga. Ayaw nilang masira ang career nito, kaya sikreto pa rin na may asawa na siya, maging sa kanyang manager. Ang katwiran, sino ba naman nga ang hahanga sa isang matinee idol na bata pa lang ay may asawa na?

Nagayos lang si Phoebe ng kanyang sarili pero matapos ang ilang minuto, sumunod na siya sa school.

Pagkadating, Nakita niya si Jhone /jown/ kumakaway sa kanya. Punong-puno ng energy katulad pa rin ng palagi. Sobrang animated ng kaibigan na akala mo ay lumabas lang mula sa isang manga. Ginantihan niya pa rin ng tango.

“Sis! Problema mo, nakamangot ka na naman dyan! Asawa mo na naman noh? Tara sapakin na natin!”

“Hoy!" gusto niyang takpan ang bibig nito. Napa-loud talaga ng kanyang bestfriend. Idagdag pa ang suot nitong malaking headband na kulay orange. Para itong naglalakad na warning sign. Kapag nagsalita, para talagang isang announcement na nandiyan na ang living megaphone na si Calissa Jhone de Leon "Hwag kang maingay nga diyan. Peste to!” tumingin-tingin siya sa paligid dahil baka may makarinig.

“Aysus! Wala naman akong sinabing pangalan. Imposible namang mai-connect nila."

"Kahit na! Binanggit mo pa rin yung word na asawa."

"Okay lang yan ano ba! Uso na naman ang tawagang asawa ngayon kahit magjowa pa lang. Dabah? Tska kahit ano namang isip nila, hindi nila maiisip, pagbali-bliktarin man nila ang mundo na ikaw ay asawa ni--" tumigil si Jhone ng titigan siya ng masama ni Phoebe. "Sinasabi ko lang ang katotohanan friend. Try mo kasing mag-ayos para maging magkalebel kayo ni fafa mo.

Previous Page of 5Next Page

Comments & Reviews (5044)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Chapter 1- We Are Married

Cast

cast undisclosedas cast undisclosed

Who's Reading

Recommended