Previous Page of 5Next Page

My Runaway Secretary [Ashrald Fanfic]

spinner.gif

"Hey..." nagulat si Sarah ng maramdaman niyang may biglang yumakap mula sa kanyang likuran. Nang lingunin niya kung sino iyon ay hindi na siya nagtaka. It was Leo.

"Nagmumukmok ka na naman hon.. May problema ba?" malambing na tanong nito sa kanya.

"Wala.. nagpapahangin lang ako, ang init kasi sa loob ng bahay eh." tugon ni Sarah. Hinayaan lamang niyang nakayakap sa kanya ang binata habang siya naman ay nakatanaw lamang sa malayo.

"Gusto mo bang mamasyal? Gusto mong magpalamig sa mall?'

"Naku.. huwag na.. busy ka na nga eh. makakaistorbo lang ako sayo." tanggi ng dalaga.

"Hon.."marahan siyang pinaharap ni Leo, hinawakan siya nito sa baba. "Alam mong ikaw ang first priority ko, ikaw muna bago ang kung ano pa man." sinserong saad nito.

"I know.. i know.." napangiting ani Sarah. "Pero ok lang naman ako eh.. mamaya lang bababa na ako at tutulong na ako sa pag-cut ng mga flyers ni Dad."

"Oh about that... may good news ako sayo. Dalawa sa pinakamalaking Sitio dito sa Cabanatuan ay nakuha na ng Daddy mo, so abante na ulit tayo. Kailangan lang talaga tutukan ng mabuti ang kampanyahan."

"Good news nga yan.. thankyou.. alam ko naman ikaw may kagagawan niyan eh." tumatawang saad ni Sarah. Bagamat ngumingiti at tumatawa siya, alam niyang hindi iyon umaabot sa kanyang mga mata.

"Anything for you and your family sweetheart..." nakangiting tugon ni Leo sabay yakap sa kanya.

Nasa ganoon silang posisyon nang dumating ang isa sa mga kasambahay nila.

 

"Ate may sulat po kayo.." iniabot nito kay Sarah ang kulay pink na envelope.

 

"Kanino galing Hon?" tanong ni Leo habang pinagmamasdan ang nobya na binabasa ang imbitasyon.

 

"Kay Hannah.. remember? yung bestfriend ko noong college? tinawagan niya ako noong isang araw, kinuha niya akong mag-abay sa kasal niya." sagot ng dalaga.

"I thought she migrated to Canada na?"

"Oo nga.. pero bumalik na siya. Napagkasunduan daw nila nung magiging asawa niya na magtatayo na lang sila ng business dito sa Pilipinas."

"Ah ok.. so kelan ang kasal?"

"Three weeks pa naman, but she wants me to come to her bridal shower, i dont know kung pupunta ba ako." ibinalik ni Sarah ang imbitasyon sa loob ng sobre at naglakad na papasok sa bahay.

"At bakit ka naman hindi pupunta? Abay ka pa naman.." sinundan siya ni Leo at naramdaman niya ang mga palad nito sa kanyang balikat. Bahagya nitong pinipisil pisil ang kanyang balikat na tila ba siya binibigyan ng massage.

Sa ilang linggo nilang pagiging magkasinatahan ni Leo ay napansin niyang may pagkamalambing ang binata. Mabait kung sa mabait, very affectionate at hindi controlling. Bagay na nakakatulong kay Sarah upang makumbinsi niya ang kanyang sarili na hindi naman ganun kasama ang kanyang naging desisyon.

 

"Eh kasi ang layo layo naman.. Saka mas kailangan ako dito. Lalo na at malapit na ang botohan."

"Hon.. hindi naman ikaw ang kandidato.. so i think its ok if you go." natatawang saad ni Leo.

"Ah ganon?" kinurot ni Sarah sa tagiliran ang nobyo. "Gustong gusto mo yata akong umalis ha." nangingiting irap niya dito.

"What? Of course not!" tatawa tawang yumakap sa kanya ang binata. "Im just thinking that it might be good for you.. mukha ka kasing stressed eh.. i dont know, but you look so sad or something. May problema ba hon? You know you can always talk to me." sumeryosong anang binata.

 

"Wala nga... ang kulit ha." tumatawang tinapik ni Sarah ang pisngi nito ngunit sa likod ng kanyang isip ay sang-ayon siya sa sinabi ng kausap. Ramdam niya ang pagod ng kanyang isip at puso.

"Sige na Hon, i think you need it para marefresh ka naman kahit kaunti. I know this whole campaign thing is too overwhelming for you.. gusto ko nga sanang sumama kaso wala namang nag-iinvite sa akin." nakangising parinig nito.

"Asus nagparinig pa! Eh pwede ka namang sumama kung gusto mo noh." natawang sagot ni Sarah.

"I would love to... pero bonding time niyo yun ng bestfriend mo.. Maa-out of place lang ako doon."

"Nandoon naman ako ah.. saka si Toffee nandoon din yun panigurado, magkakilala naman kayo diba?" sa pagkaalala sa kaibigan ay bigla ding naalala ni Sarah si Gerald. Panigurado, kapag nagkita silang magkaibigan ay hindi maaaring hindi nila maitopic ang binata sa kanilang usapan.

"As i've said i would love to, but i want you to take that time for yourself.. Enjoy yourself with your friends, pagkatapos ng eleksiyon saka tayo maga-out of town. Tayong dalawa lang para mas makapagbonding tayo."

Previous Page of 5Next Page

Comments & Reviews (39)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended