23~*

140 6 9
                                    

ZAN’S P.O.V

Napatayo si Ate Saturn sa narinig niya.

 

“Te… teka lang po, Mommy. Bakit?” tanong niya pero tiningnan lang kami ni Mommy with a serious face.

Hindi ako makapaniwala na ililipat kami ng school ni Mommy.

“Mommy, bakit?” tanong ni Ate Luna.

“*sigh* I think it’s for the better. Ibabalik ko na lang kayo sa Celestial High. At least doon wala kayong masyadong issue na nasasangkutan. You’re safer there. Malayo sa press at sa gulo.” Nakayukong paliwanag ni Mommy.

“Pero that’s not enough. Hindi ba pwede na next school year na lang kami lumipat? Ang hirap pag ngayon pa.” tanong ko kasi parang may mali eh.

“I’m sorry pero nakausap ko na si Mr. King and lilipat kayo within a month.”

“Pero kalagitnaan na ng school year. Mahihirapan kaming humabol sa lessons kung ngayon kami lilipat.” Paliwanag ni Pem.

“How about you choose, lilipat kayo o homestudy?”

“Whoa! Homestudy? Seryoso?” –Moon

“Pero Mommy … “ –Gem

“I’m really sorry.” Sabi na lang ni Mommy at lumabas para makaiwas sa iba pa naming tanong.

 

“Ayokong umalis.” Mahinang sabi ni Ate Mars. Teka, umalis??

 Niyakap na lang siya ni Alexa habang lahat kami ay tahimik lang.

Next month, alanganin na talaga yun di ba? Tingin ko mas mabuti kung magho-homestduy na lang kami kesa mangarag sa lessons namin. At hindi ganun kadali mag-adjust tulad ng paga-adjust namin sa K.A. nasanay na rin kami na puro walang hiyang lalaki ang nasa paligid namin kesa sa maarte at insecure na mga babae.

We used to study at Celsetial High. All girls school naman yun at karamihan sa mga students doon ay mga anak ng mayayaman at kilalang pamilya. Marami ding models at artista na nag-aaral dun kaya naman sobrang strict ng mga policy nila. Last year, nagkaroon ng issue na may Phsyco Paparazzi daw na nag-apply as teacher sa Celestial High at maraming students ang natakot. Pero false alarm lang daw iyon sabi ng management.

Wala kaming kasundo sa school na yun. Ang dami naming nakakaaway at maraming galit sa amin sa school na yun pero we don’t care. They just want to take attention kaya minsan hindi na alng namin pinapansin. Pero syempre minsan lang yun, kasi kadalasan nasa detention ang dalawa o tatlo saming magkakapatid. One time pa nga eh dose kaming nandun, hindi pa kasama dun yung kaaway namin. Hayyyyy. ( _ _)

Tahimik lang kaming dose. Walang umiimik. Siguro kasi alam namin na wala na talaga kaming magagawa sa desisyon ni Mommy. Kaya lang ang hirap tanggapin eh.

STAR SYSTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon