Chapter 9

370K 2.7K 106
                                    

~Chapter 9

**


Bryan's POV




"Uto-uto naman kasi yang bestfriend mo." 

Biglang nagpantig yung mga tenga 'ko sa narinig 'ko.

"Anong sabi mo?!?!" hindi 'ko na napigilan yung sarili 'ko at sinugod 'ko na agad siya ng suntok na agad namang nakapag patumba sa kaniya.

"Gago ka pala eh!" sigaw 'ko habang sinusuntok pa din siya.

Hindi lumalaban ang gago!

"Pare, pare! Tama na!" 

Hinigit na nina Ervin at Joshua yung braso 'ko para tigilan 'ko si Kevin. Yung mga barkada namin ni Kevin, nandun sa side niya.

Biglang ngumisi si Kevin. Tangina! Gusto pang masundan?!?!

"Nag-bibiro lang naman ako pare. Masyado mong sineryoso." nakangisi pa din niyang sabi.

Napakuyom na naman ang palad 'ko at susugudin na sana siya ng suntok nang biglang hinatak na naman ako nina Mike, Ervin at Joshua.

"Tangina mo pala eh! Tandaan mo yang sinabi 'ko sa'yo, mapapatay talaga kitang hayop ka!!!" sigaw 'ko sa kaniya habang nakaduro.

Nag-smirk lang siya. "Tara na mga pre." tapos tumalikod na silang lahat.

Inalis 'ko naman yung braso 'ko sa pagkakahawak nina Joshua. 

"Ano bang nangyari pare?" -Joshua.

"Bigla-bigla ka na lang sumusugod. Magagalit yun si Erika pag nalaman niya 'to. Alam mo namang ayaw niyang nakikipag away ka eh. Boyfriend pa niya tiniradahan mo." sabi naman ni Mike.

Bestfriend -Slash- Bedmate (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon