Chapter 21: Kupal

3.5M 76.3K 35K
                                    


"Si Jeydon ba 'yon?"

Susundan ko na sana siya kaso nag-beep naman 'yong phone ko. Sino naman kaya 'to?

From: Troy
Nasaan ka na? Male-late ka na.

Shocks! Ayoko na ng dalawang detention slips. Dalawang oras din 'yon. Bahala ka na nga riyan, Jeydon. Ayokong ma-late, buti na lang, nag-text si Troy.

Tumakbo na ako papunta sa room. Buti na lang, naka-flat shoes na ako. Bakit kasi papalit-palit pa ako ng room at section? Pero okay na rin 'yon kesa palagi akong nasa Section One. Mas marami pa yatang nang-aasar sa 'kin do'n, e. Isa pa, kahit magulo 'yong last section, mas masaya silang kasama.

Pawis na pawis na ako nang makarating ako sa room namin. Naiwan ko pa sa locker ko 'yong towel, hays.

"Whoa..."

Lahat ng classmates ko sa Section Eleven, pinagkumpulan ako. Patay kang bata ka. Hindi pa nila ako nakikitang ganoon ako.

"Hi, miss, bago ka ba rito?"

Sino nga ba 'to? Ginno yata ang name niya. Siya 'yong pang-limang member ng basketball team, e.

"Uhm, hindi."

"Ngayon ko lang kasi nakita 'yang ganyang kagandang mukha, e."

Seryoso ba siya? E, dati lang, siya 'yong malakas mang-asar sa 'kin. Ang pangit-pangit ng tingin niya sa 'kin dati. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang ako si Candice?

"Miss?"

"Classmate n'yo ako sa English."

"Ha? Pero wala namang babae sa 'min sa English."

Sure ba siyang walang babae sa kanila? E, ano kayang tawag niya sa 'kin?

"Ako 'to, si..."

"Candice!"

Tumabi silang lahat para makadaan papunta sa 'kin si Troy. Mas nagtaka sila noong tinawag ako ni Troy.
"Candice? 'Yong nerd na pangit?" Hindi makapaniwala si Ginno.

"Siya ba talaga 'yan?"

"Bakit nag-iba 'yong hitsura niya?"

Paglapit sa 'kin ni Troy, inakbayan niya ako. Ang angas pa ng tingin niya sa classmates namin.

"Oo, siya nga si Candice. Ganda, 'no?"

"Grabe ang laki ng ginanda mo, Candice," sabi naman ni Six, 'yong isa pang member ng basketball team namin. Tumango lang silang lahat.

"Magsipasok na nga kayo sa loob!" sigaw ni Troy sa kanila.

"Yes, boss," sabi ni Ginno. Boss na boss talaga silang dalawa ni Jeydon. Sunod sila agad sa sinabi ng dalawang 'yon, e.

Bago sila pumasok, nginitian muna nila ako. Nakakapanibago tuloy. Ang laki ng pinagbago nila, ah. Hindi lang pala ako 'yong improved, pati sila!

"Saan ka galing, ha? Pawis na pawis ka pa."

Tiningnan ko 'yong uniform ko, pawis na pawis nga. Ang masama pa kasi naiwan ko 'yong towel ko.

"Ha? Wala, doon lang sa locker ko."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Wala rin akong towel, ihahanap kita mamaya. Sa locker ka lang galing? Kaya pala hindi ka pumasok sa math?"

"Paano mo nalaman?" Sinabi kaya ni Marky o ni Jeydon? May inabot na papel sa 'kin si Troy.

"Detention slip mo."

"Ay, bad trip talaga!"

Ang sama ng tingin niya sa 'kin. Sasabihin ko ba kay Troy na kaya ako nag-ditch sa math class kasi kasama ko si Marky? Pero hindi niya pa alam na may gusto ako kay Marky at mukha namang hindi pa sinasabi ni Jeydon. Mamaya, asarin pa niya ako kay Marky, e.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon