Previous Page of 3Next Page

Living Under The Same Roof (The Hottie and The Promdi)

spinner.gif

PLEASE VOTE AND COMMENT PO!!! XOXO JEN

 

Chapter 23: First Date…

 

Sabi ni Andre, maaga daw nya kong susunduin, 9AM.. Para if ever daw ma-traffic kami.. Di pa nga nya sinasabi kung saan kami pupunta, basta magsuot daw ako ng sweater…

 

Nag-jeans na lang ako para kumportable… White fitted top, tapos black and white striped cardigan, na may red sa manggas at sa laylayan.. Tapos flat shoes.. Medyo marunong na ko pumorma ngayon.. hehe.. Konting make-up at voila! Kagandahan na si Tina!

(check the external link.. para sa pic ng suot ni Tina sa date nila ni Andre..) ----->

 

“May lakad ka?” tanong ni Blake, habang nakaupo sa kama, nakasandal sa pader at nagbabasa ng libro.. Kung anong libro yung binabasa nya.. Hindi ko alam..

 

“Yep! Alis kami ni Andre..” nakangiti kong sagot sa kanya.. habang inaayos ko yung mga curls ng buhok ko, pinahiram kasi sa’kin ni Mia, yung plantsa nya sa hair, pati yung pang-curl.. Sabi kasi ni Mia, mas bagay daw sa’kin ang kulot..

 

“Date?” tanong nya ulit.. habang nakatingin pa din sa libro.. nagbabasa ba talaga sya??

 

“Uhmm.. Parang ganun na nga..”

 

“San kayo pupunta?” tanong na naman nya.. sa libro pa din nakatingin.. Ako ba talaga kausap nya o yung libro??

 

“Hindi ko pa alam..”

 

“Sasama ka, tapos di mo alam kung san kayo pupunta?!” ngayon nakatingin na sya.. yan ganyan dapat, titingin ka sa kausap mo!

 

“Surprise daw eh.. Sabi lang nya, magsuot ako ng sweater.. Malamig siguro sa pupuntahan namin.. hehehe..”

 

“Baka naman sa Baguio ka dalin nyang lalaking yan ah.. Ang layo nun.. Baka di ka iuwi nun.. Wag ka na sumama..” sa libro na naman sya nakatingin, habang sinasabi nya yan.. Pero..  Ano daw???? Wag ako sumama?? Bihis na bihis na ko, tapos wag akong sumama?? Ok lang sya?! Sino sya para diktahan ako.. Sya nga ‘to na-engaged.. May narinig ba sya sa’kin?? Wala diba?? At tsaka nag-text na kaya si Andre.. Malapit na daw sya..

 

Wala syang narinig na sagot mula sa’kin dahil narinig ko ng may kumakatok sa pinto.. Pagbukas ko, si Andre.. Naka- dark brown na polo shirt, at jeans sya.. Simple lang, pero ang gwapo! At ang bango pa… Nang makita nya ko, todo smile sya.. Ang cute nya… hehehe…

 

“Blake, alis na kami! Bye..” sabay labas ng pinto.. Di ko na sya hinantay pa makapagsalita, o makapagreklamo.. First date ko ‘to.. Wag nya sirain… Kailangan ko maka move-on.. Kailangan ko makalimutan yung sakit na sya mismo ang nagdulot sa’kin…

 

Nga pala, di ko nasabi, medyo bumabalik na kami ni Blake sa dati.. I mean.. Sya pala.. Kasi medyo nagsasalita na sya ulit… Paminsan-minsan inaasar na nya ko..

 

Ok balik tayo kay Andre.. Aba.. may dala syang car.. Pero di raw yun sa kanya.. Sa kaibigan daw nya, hiniram lang nya.. Keribels na kahit di kanya.. At least di kami magcocommute.. Kung san man kami pupunta..

 

Binuksan nya yung pinto sa may passenger’s seat.. Naman.. How gentleman.. Sinara na nya yung pinto, at sumakay na sa driver’s seat..

 

“Tina..”

 

“Bakit?”

 

“Ang ganda mo ngayon..”

 

Natuwa naman ako dun.. Nginitian ko sya, tapos nga-thank you ako..

 

“Andre.. San nga pala tayo pupunta? Di mo pa sinasabi sa’kin..” tanong ko sa kanya..

 

“Sa Tagagaytay..”

 

“Talaga?!” tuwang-tuwang tanong ko.. Ang saya naman! Di pa kaya ako nakakapunta ng Tagaytay… Pasensya na ah.. Mula ipanganak ako hanggang sa grumaduate ng high school sa Bicol lang ako.. Pagluwas ko ng Maynila.. Bahay, eskwela, trabaho lang ako… “Di pa ko nakakapunta ng Tagaytay!” dagdag ko pa..

 

“Talaga? Tama pala yung desisyon ko na dun kita dalhin para sa first date natin..” nakangiti nyang sagot…

 

Medyo natraffic kami.. Pero sakto namang lunch time na nung makarating kami.. Sikat daw ang Tagaytay sa masarap na Bulalo.. Tsaka yung crispy tawilis.. Kaya sa Mahogany Market nya ko dinala para kumain.. Opo sa Mahogany Market.. At kung maarteng babae ako, siguro nagreklamo na ko.. Pero hindi ako ganun, actually natuwa pa ko, kasi ang sarap kaya nung Bulalo tapos may sawsawang patis na may kalamansi at sili !! Ay the best! Promise ang dami kong nakain.. Inantok nga ako sa sobrang busog! Hahaha!!

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (114)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Cast

Maja Salvadoras Tina
Xian Limas Blake
Andre Endiqueas Andre

Who's Reading

Recommended