Chapter 42: Tulungan mo ako. Babalik ako.

60.5K 1K 560
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

---------------------

CHAPTER 42 – TULUNGAN MO AKO BABALIK AKO

CHANDRIA'S POV

"Tahimik Unggoy Love Ulan Nurse Gubat Alam Ngayon May Ospital Akin Ka Okay. Baboy Ako Babay Alis Lang Ikaw Kaya Ang Kulang Only."

T-U-L-U-N-G-A-N-M-O-A-K-O. B-A-B-A-L-I-K-A-K-O.

Yan ang hidden message na iniwan ko kay Daniel, sana naintindihan niya. Mukhang walang sense yung mga salita ‘no? Pero hindi, may ibig sabihin ang bawat salita.

Tahimik. Wala akong ibang pwedeng gawin kundi manahimik.. sa ngayon. Hindi ko pwedeng sabihin ng diretsahan kay Daniel ang lahat.

Unggoy. Siya lang naman tinatawag kong unggoy diba? Ibig sabihin, para sa kanya yung gusto kong iparating.

Love. Mahal ko siya. Mahal ko na siya. Mahal na mahal..

Ulan. Kailangan ko pa bang ipaliwanag?  

Our most sweetest and saddest moment happened under the pouring rain. 

Habang bumubuhos ang ulan, nangyari ang aming huling sayaw. 

Habang bumubuhos ang ulan, umamin ako sa kanya. 

Habang bumubuhos ang ulan, hinalikan ko siya. 

At habang bumubuhos ang ulan.. iniwan ko siya.

 Iniwan ko siya...

 Iniwan ko siya sa oras na kailangang-kailangan niya ako..

Ang sama ko diba? Pareho lang naman kaming nasasaktan. Pero wala akong magagawa, kailangan ko munang lumayo...

Nurse. Merong isang epal, 'Miss Kaylee' ang clue.

Gubat. Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat.

Alam. Marami akong alam na hindi alam ni Daniel. Sasabihin ko 'to sa tamang panahon.

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon