A Vampire Kiss (EDITING ALL)

spinner.gif

Chapter 17: Funny Xyriel

Sidney's POV

"Mahal na mahal kita, Sidney" sabi nya sabay halik sa forehead ko..

"Mahal na mahal din kita Zack" sabi ko sabay yakap

"Pero Zack, di tayo pwede, Tao ka Bampira ka" sabi ko sa kanya habang yakap-yakap ko sya

"Napag-isip isip ko na yan matagal na at meron ng sagot jan" sabi nya sabay kalas sa yakap

"A-ano?" kinakabahan kong tanong

"Maging Bampira ka din" sabi nya sabay abot sa akin ng basong may dugo nya

----------

 

"Hoyy!!" may tumapik-tapik sa akin

 

"Punyeta, gising" sabi nung boses at binato ako ng napakapalakas

 

"Sheeet!!" sabi ko sabay tayo

Si Xyriel pala na ka tingin sa akin ng sobrang sama

"Papasok ka ba? =_=" tanong nya habang nakatingin sa akin ng masama

"O-oo" nauutal kong sagot dahil feeling ko matutunaw ako sa titig nya

"Maligo ka na -_-" sabi nya sabay tulak sa banyo at hinagis sa akin ang bathrobe ko..

"Yes, young lady" sabi ko at naligo na

Habang naliligo ako, napa-isip ako......panaginip lang pala lahat ng yun .pero paano nga pag dumating ang araw na mahalin ko sya, sigurado naman akong mangyayari yun kasi napaka-gwapo at sungit, gusto ko kasi yung masungit pero malambing, so balik na tayo sa panaginip ko,....handa ba akong maging bampira? iniisip ko palang tumatayo na lahat ng buhok sa katawan ko, pero kung para sa mahal ko, gagawin ko kahit ano makasama lang sya habang buhay..

"Ang tagal" rinig kong may-nagsalita sa labas at sigurado akong si Xy. yun..

.

Xyriel's POV

"Ang tagal" sabi ko sabay upo sa kama nya..

 

*Kriiinngg

*Kriiiinnngg

 

nag ri-ring yung telepono nya kaya sinagot ko..

"Low"

"WAAAAAAH!!! XYRIEL!!! IKAW BA YAN?!?! ASAN NA SI SID.?!? MISS NA KITA!! MISS KO NA PAG-IRAP MO SA AKIN----"

*toot* *toot*

 

binabaan ko na si Shaira at ang sakit nya sa tenga, akala mo torotot na walang hinto sa pag-ihip yung may-ari

 

*Kriiinnnggg

*Krriiinnnggg

*Krrriiinnngg

*Krrriiinnngg

Pinabayaan ko lang mag-ring tong telepono, paki ko ba?

"Xy. pasagot" sabi ni Sid. na nasa banyo pa

 

"Tss" sabi ko at pinutol ang linya ng telepono =_= ingay ingay..

 

Maya-maya ay lumabas na si Sid.

"Labas, mag-bibihis ako" sabi nya

"Para namang di ko na nakita yan" sabi ko at dumive sa kama nya sabay kuha ng Iphone at laro ng temple Run 2

Hirap naman nito =_= mas gusto ko pa 1

"Tapos na, tara na" sabi ni Sid. saby kuha ng bag nya

.

 

Sidney's POV

Nandito na kami ngayon sa tapat ng School namin..

"Ohh, andito na pala ang mga slut" haaaay!! pag-nakikita ko to si Katniss nag-iinit ulo ko

(A/N: Remeber Katniss? Yung kaaway nila?)

"Yeah right, Slut kami, so?" na-mimiss ko tuloy si Shaira, dapat sya sumasagot dito di ako.. :/

"Hah, so you know na slut kayo, and you too are so landi because kasama nyo yung mga bagong wafu here sa School" grabe na-tatawa ako sa English nito..

"Conyo" bulong ni Xy. pero rinig sapat naming lahat

"Sinong Conyo?!?" namumulang sabi ni Katniss

"Kayo =_=" sabi nya sabay lakad kaya sumod na din ako

 

"Fuck" hinila ni Margaret ang buhok nya kaya napahinto ako..

Tinignan ko sya habang sinasabunutan sya.. 'lalabanan-mo-ba-look' tanong ko sa kanya 'Oo-naman-look' ~_~ ang sagot nya tapos biglang nyang inapakan yung paa ni Margaret at sinuntok ... owwww!! upper cut..

Biglang maya-maya ay nay humila sa buhok ko

"Shheeet!!" si Katniss kinaladkad ako papuntang gym..si Xyriel naman tumingin sa akin 'Gumanti-ka-loook' sabi nya..sumagot naman ako ng 'Di-ko-kaya-look' sagot ko dahil sobrang sakit

Hanggang nakapunta na kami sa gym at hawak hawak nya pa rin ang buhok ko..si Xyriel naman nakatingin lang sa amin..binigyan ko sya ng 'Tulungan-mo-ako-look' sabi ko sa kanya at sumagot namab sya ng 'Mamaya-na-look'

.

Xyriel's POV

 

'Mamaya-na-look' ..

Alam kong mamaya dadating na si Kuya at mag-aala Batman yan sa pag-ligtas kay Sid. Oh diba? Dagdag pogi points yun ~_~

.

Zack's POV

 

Pumasok na kami ng School at laht sila nag-tatakbuhan papuntang gym..tsss.. Paki ko?

 

"Anong meron?" tanong ni Jack sa isang babae, yung babae naman akala mo maiihi sa sa palda nya..Psssh..lande =_____=

"Ahh, si Katniss kasi at Sidney nag-aaway nanaman" para naman akong si tanga na lumapit sa kanya

"Sidney Merrir?" tanong ko

"O-oo" sabi nya at tumango

"Tara" sabi ko sabay lakad..ayoko tumakbo..nakakapagod -_-"

Kasabay ko mag-lakad si Rian at ng dalawa tumatakbo

"Tol, si Sidney nahimatay!!!!" sigaw ni Alex at agad naman akong napa-takbo ng wala sa oras..

 

Nakita ko si Sidney nakahiga sa sahig..walang malay at may babaeng nakapak sa tyan nya..

"SIDNEY!!" sigaw ko at tumakbo palapit sa kanya

--------------------------------------------

Author's Note:

 

Inspired mag-update dahil sa 'Seducing Drake Palma'

Huhu, bakit ganun si Drake? Di nya maintindihan si Alys na pagod na nga at eto naman talaga si Drake, eh sumuko agad =_= tengene -_- anyare na sa lablayp nila? Ayoko si Alys para kay Tripp kasi.....AKIN SI TRIPP!! :))

Comments & Reviews (7)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended