Kabanata 24

1M 29.9K 17.5K
                                    

Kabanata 24

Nakakapagpagulo Sa Isip

"Stay, Trisha." Sabi niya ulit.

Tinulak ko siya para makaupo na siya sa sahig. Hindi ako makatingin sa kanya. Hiyang-hiya ako sa sarili kong desisyon.

"Okay... Sa isang kondisyon-"

"Kahit ano." Sabi niya.

"Sa ibang kwarto ako matutulog. Hindi tayo pwedeng mag t-tabi..." Sabi ko.

"Whatever you like. Sa kwarto kita. Ako ang sa kabilang kwarto."

Napalunok ako sa sinabi niya pero tumango na rin.

"Thank you." At mabilis akong hinalikan sa cheeks tapos tumayo rin agad bago ko masapak.

"Troy! Tigilan mo nga yung paghahalik mo sakin! Kainis ka!" Sigaw ko.

Tumawa na lang siya at naglakad na pa ekis-ekis. Then I realized, may dalawang hakbang na stairs pala bago dumating sa living room nitong suite niya. Napatayo ako para sana alalayan siya pero bago ko pa naalalayan, humilata na ulit siya sa sahig. Malutong na pagmumura ang inabot ng sahig.

"BULLSH1T! FVCK!" Sinapa niya pa yung stairs.

"Ayos ka lang ba, Troy? Ano ba kasing ininom mo? Hindi ka naman ganito pag nag babar ka!" Dinaluhan ko ulit at ngayon, nakita kong dumugo na talaga yung noo niya.

Konting galos lang naman sa perpektong mukha niya. Siguro nainis yung tadhana sa kagwapuhan ng mokong kaya ayun at ginalusan niya ng konti.

"Ouch! Sh1t!" Napapikit siya sa sakit.

"Uhm... gagamutin ko 'to. Humiga ka na nga lang muna sa kwarto mo... este sa kabilang kwarto kung saan mo balak matulog. Uhm... Gagawa siguro ako ng soup or ipagtitimpla kita ng hot chocolate or kape... May pagkain ka ba sa ref? Para malutuan kita."

Ngumisi siya.

"Ang sarap palang malasing ng ganito..."

Sinapak ko na ulit, "Tumigil ka ha? Nanghahalik ka ng kung sinu-sino kung lasing ka. Hindi ako masaya kung lasing ka kaya buti pa tigilan mo ang pag inom."

"Yun lang ba inaalala mo kaya mo ako sinampal kanina nung hinalikan kita?" Ngumisi siya at kinagat ang labi habang tinitignan ako.

"Mag to-toothbrush na lang ako para makalimutan mo, okay!?" Tumayo ulit siya.

Kahit may konting dugo sa noo niya ang gwapo niya parin. Makisig parin siya kahit lasing. Naiinis nga ako sa t-shirt niyang soot... palaging mukhang gustong magpahubad. Laging pinapakita yung upper muscles niya.

Naglakad na naman siya ng pa ekis-ekis patungong kitchen.

Training To Love (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon