22 ~*

145 5 9
                                    

LUNA’S P.O.V

Kinabukasan, lahat kami ay hindi pumasok. Ako at ang mga kapatid ko, pati na rin ang mga partners namin. Nagiging mainit na naman kami sa press at madaming kumalat na mga pictures sa internet. May mga pasimpleng umaaligid din sa mga bahay bahay naming lahat. Hay, disappointed at the same time ay galit si Ate El dahil sa pagsasabutahe na nangyari.

“Sana mawala na yung matandang epal na witch na yun. +____+” sabi ni Gem sabay subo ng ice cream na dinala ni Rhythym.

“Gem, ano bang ikinagagalit mo? Nasira ang show o hindi ka nakapagperform?” tanong naman ni Sonic.

“Pareho!! Kainis kasi eh! >___<”

Dapat kasi may special number si Gem pagkatapos ng Finale. Ang kaso hindi natapos ang Finale, kaya hindi siya nakapgperform. Hehe.

Oo nga pala. Nandito kaming lahat sa sala. Kasama yung mga lalaki kagabi kasi kakausapin daw sila ni Mommy. Siguro lilinawin niya yung mga bagay bagay. Besides, sino lang ba ang nakaka-alam ng totoo, si Sonic, si Dylan at si Louis lang naman. Si Calix nadamay lang kaya ganun, pero the rest walang idea. I think.

“Goodmorning.” Bati sa amin ni Mommy na kababa lang mula sa taas. Tumayo naman yung mga lalaki at bumati.

“Goodmorning din po.” Bati nila.

“So dun na tayo sa office. ^___^” sumunod naman kaming lahat papunta sa loob ng office at naghanap ng magandang pwesto.

Lahat kami ng mga kapatid ko bukod kay Ate Mars ay nakaupo sa long coach. Yung mga lalaki nakatayo sa gilid at likod namin habang si Ate Mars nakatayo malapit kay Mommy.

“First, gusto kong magsorry dahil sa mga nangyari kagabi. That was unexpected so I can’t blame anyone for that.”

“But Mom si…” sabi ni Ate El pero pinigilan siya ni Mommy.

“Yes, sa tingin ko rin El pero kailangan natin ng patunay kung sakali man at wala tayo nun. So we need to wait.”

Nagtaas naman ng kamay si Rythym kaya napatingin kami sa kanya.

“Ano po ba talagang nangyayari?” inosenteng tanong niya.

Mom cleared her throat at umyaos ng upo. Nagready naman yung iba sa kung ano man ang kailangan nilang marinig.

 

“Matinik sa media ang mga anak ko, kasama na rin si Louis kaya nangyari yung kagabi. Ilang beses na naming sinubukan magtago at mabuhay ng normal pero hindi pa rin sila makaiwas. I guess that’s a part of it and we could never really change that.” Medyo mahabang paliwanag ni Mommy.

“Wala po akong maintindihan.” Sabi naman ni Eclipse.

“Eclipse, anong gagawin mo pag nalaman mong model pala ang girlfriend mo?” nagsalita si Sonic.

STAR SYSTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon