HPD 9

341K 4.3K 150
                                    

[ 9 ]

Sherlyn's POV

Nasa higaan ko na ako. Hindi pa rin ako inaantok. Hindi pa ako makatulog sa napag-usapan namin kanina ni Manang Pilar.

Flashback...

Lumabas ako papunta sa garden ng bahay. Gusto ko munang magpahangin.

"Oh, Sherlyn. Hindi ka pa ba matutulog?"

Napalingon ako sa nagsalita. Si Manang Pilar pala. Lumapit na rin siya sa akin at umupo sa tabi ko. May nakapatong na balabal sa likod niya. Mahangin kasi rito sa labas.

"Hindi pa po siguro. Nagpapahangin lang po saglit."

"May problema ka ba, hija?"

"Wala naman po." Sabay nginitian ko si Manang.

Ilang saglit pa ang katahimikan. Hindi na masyado pang nagsasalita si Manang Pilar. Hindi ko alam kung bakit hindi ko napigilan ang hindi magtanong.

"Siyanga po pala Manang, okay lang po bang magtanong ako?"

"Sus. Ano ka ba naman, hija, siyempre naman. Parang lola mo na rin ako rito sa bahay na ito."

"Iyong nabanggit niyo po kaninang Ma'am Nichole, sino po siya?"

Napangiti naman si Manang Pilar.

"Ah iyon ba. Si Nichole ang kasintahan ni Paul."

Hindi ko maintindihan pero bakit parang may kumurot sa puso ko nang marinig kong may girlfriend na si Sir Masungit.

"Talaga po? Bakit hindi ko pa po yata nakikitang kasama siya ni Sir Paul?"

"Wala kasi rito si Nichole. Modela siya sa Amerika. Pero paminsan, lumiliban sa opisina si Paul para bisitahin sila roon sa Amerika. Napakaganda ng batang iyon at napakabait din."

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon