Watty HQ: The Event

167 4 1
                                    

Watty HQ:  The Event

Entry 17

Sa mga admins nung event sa FB, si idol Seeyara lang ang nabasa ko na ang works. PLUS! Nakita ko sa list ng attendees si Lara Melissa, otor ng Black Butterfly! Bukod sa freebies (akala ko tote bags!  >o<), signs nila at pictures ang ipinunta ko. Syempre pati yung playlist ng stories nila. Sabi ko kukunin ko yung hindi ko pa nababasa like A and D / Realize / The Bet. Eh readers lang pala nun ang makakasali kaya waley din  >o<

Anyways, ANG GAGANDA ng organizers! Hoho

Since wala pa si idol Seeyara, masid-masid muna at chika-chika. Syempre, meeting co-wattpaders. Widening horizons. Tas nakita ko ang isang pamilyar na mukha!

Si Sharina. Sya yung makulit na fangirl nung last MOA meet-up. Share lungz.  :3

Tas dumating na si Seeyara! Eh hindi ako makalapit kasi busy convo with the other organizers.

Since sponsored ni Wattpad-fresh-from-Canada ang Mnla Meet-up, pavenue at pakain kami ni Wattpad sa McDo!  xD  hoho, nakadalawang B1 ata ako. Daming sobra eh  :3

Syempre sumali ako sa games na kaya kong salihan.

Q ‘n A

“Saan nakatira si Fallenbabybubu?”

Ako:  err…

Game ka na ba?! For the playlists

Seeyara

“Sino ang ‘blue-eyed devil’?”

Ako: Luke!

Pero hindi ako nanalo eh. Mas expert yung mga kalaban ko. LALO NA SI SHARINA! Wala na yatang ginawa yun sa buhay kundi magbasa sa Wattpad.  ^0^v  pis!

Animal sounds: for the pins

Hindi ko kilala yung groupmates ko, basta apat kami. KOKAK ang sound namin! Mga echoserang frogs lang ang peg  xD

Nung nagsimula, hala! Hindi ko malaman kung asan ang mga kalahi ko! Basta na lang ako lumakad. Eh since may takip ang mata namin, hindi namin alam na kumpleto na pala kami. At KAMI ANG NAGWAGI!! Hoho! May pin ako from idol Seeyara. Tales of the Cradle Snatcher.

Entry 18:

Hot seat na! magtanong daw ang gustong magtanong sa tatlong otors na sina Seeyara, Fallenbabybubu, at ilurvbooks. Tatlo lang kami na halos nagtatanong. Anyways, nalaman ko ng onti ang chika kina Baby Boy at E (saying di ko nakita yung pics!), behind Manila LadyKillers & Practicing My First Real Kiss, writing tips, at sari-saring chika na hindi ko na babanggitin pa! exclusive na yung sa ‘min noh!  :p

P.S. hanapin nyo na lang FB ko, may video ako ng hot seat. Yung part ng MLK.  ;)

The Diary: Pinoy Wattpad Meet-upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon