Chapter 14 (under construction)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Slate ano ba? Bakit ka ba nag kakaganyan?? Walang ginawa ang kuya mo sa katunayan nga siya pa ang nag alaga sakin noong gabing yun!"

"Pumunta ako sa ospital noon pero di na kita naabutan. Saan ka dinala ni kuya?"

"Sa condo niya."

"Sa condo niya!? Angelie anong ginawa niyo doon!? huh!?" pasigaw niyang tanong sakin.

"Slate ano ba?? Kanina ka pa ahh kung ano man ang iniisip mo hindi yan totoo! Buong araw ako tulog at ng magising ako pinakain niya lang ako ng noodles tapos nag kwentuhan lang kami ganun lang yun! Ewan ko sayo diyan ka na nga!" Lumabas ako ng sasakyan at naglakad nako papunta sa sakayan babalik nalang ako sa office nakaka irita mga iniisip niya!

"Angelie!!!!" Sinigaw niya pangalan ko at hinabol ako waaaaaah nakaka hiya umeksena pa kami dito sa baywalk.

Huminto nako kesa naman pagtinginan kami ng mga tao dito nakakahiya kaya.

"Ano nanaman bang maduming isip ang sasabihin mo sakin?"

"Sorry na!"

"Hindi ako satisfied sa sorry mo." Tumalikod ako...

Hinawakan niya ang kamay ko at bigla niya akong hinarap sa kanya sabay yakap sakin. "Angelie sorry na. Please oo na nagpadalos-dalos ako sa mga tinanong ko sayo kanina oo na sorry na di na mauulit."

"Hmmm o sige na bitawan mo nako nakakasakal na." Pumiglas na ako sa pagkakayakap niya sakin. Hayy well lunch break narin naman kaya sige na nga stay muna kami dito...

Naglalakad-lakad kami doon at nag kwentuhan na rin... May tuhog-tuhog akong kwek-kwek hmmm ngayon ko lang natikman to masarap pala haha.

"So parang alam ko na kung saan galing ang pasa ng kuya mo ahh."

"He deserves that Angelie."

Kinutusan ko siya.. "Loko ka bakit mo sinapak kuya mo? Kapatid mo pa rin yun no."

"Hindi naman ako papayag na palagi ka niyang sinasaktan... that night when I saw you crying nag dilim talaga ang paningin ko at kumulo ang dugo ko. Nakakalalaki eh.."

"Pinang sampal ko sa bunganga niya ang natira kong kwek-kwek. "Umm tigilan mo na yan ah.. hindi nasusukat sa pananapak ng kapatid ang pagiging isang lalake no.. ok na kami ni Stanly di na niya ako pinapahirapan at bestfriends na uli kami."

"He'd better be."

"Ikaw talaga.." Pinalo ko ang braso niya. "Mag sorry ka sa kanya mamaya ahh basta pagbalik natin sa office ahh."

"Ayoko nga."

"Hay nako ka Slater Ramirez sa ayaw at sa gusto mo mag sosorry ka. Yan diyan mo patunayang lalaki ka talaga... ikaw din kung ayaw mo bahala ka.... ikaw naman ang di ko papansinin.."

"Angelie ano ba?" Tinitigan niya ako ng masama... tinitigan ko din siya haha titigan kami ngayon.. tingnan ko lang kung sino manalo.

"Ok fine basta in one condition.."

"O sige ano yun?"

Niyaya niya akong lumabas bukas may pupuntahan daw kami... ayaw sabihin hmmm pero pumayag na rin ako. Ok na yun lalabas lang naman pala eh.

Ok pumayag na ako sa gusto niya, siya naman haha. Hinihila ko siya sa loob ng opisina at pinag titinginan kami ng mga tao... waaaaah kulang nalang takpan ko ang pagmumukha ko sa dami ng atensyong nakukuha ko ngayon grabe nakakahiya.... pero wala akong magagawa pahirap tong Slate na to eh.. the heck ka talagang lalaki ka! Haha hanggang sa finally nadala ko na rin siya sa loob ng opisina ni Stanly..

Mysterious SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon