Previous Page of 6Next Page

My Mysterious Soulmate (ON GOING)

Dedicated to
Dis_is_Me
spinner.gif

A.N. Ito na po ang chapter 14 anyway.. fragile heart by: Shiroangel is still on going xD parang school lang ahh haha :)) I hope youll like it :D

Angelie's POV

Hayy ang sarap naman sa pakiramdam na bumalik na rin sa dati ang lahat. Hindi na masyadong mabigat ang trabaho ko pero subsob pa rin nama dahil nga sa kaliwa't kanang appointments ni Stanly sa ibang bansa. Hayyy malaya na rin akong mag ingay sa loob ng office ngayon haha parang gusto ko mag wala sa sobrang sarap ng feeling na parang nakalaya na ko sa kulungan. Lantaran ko na rin tawaging Spoon si Stanly pero ang pinagkaiba na nga lang ngayon ayy hot coffee na ang binibili ko sa kanya hahayyy mahirap na baka sumpungin nanaman to at awayin ako. Grabe no? Isang araw lang ang lagnat ko... sa buong buhay ko ngayon lang nangyari yun dahil pag nilalagnat ako umaabot ng one week. Siguro sadyang magaling lang talaga mag alaga si Stanly... bakit kaya di siya nag nurse? Hay ewan hindi muna niya ako pinapasok noong kinabukasang may sakit ako pero hindi niya ako napigilan nagulat nalang siya na nasa office na ako.

 

Lumabas ako sandali at nagkita kami ni Slate pero masama ang tingin niya sakin.. hala ano nanaman kaya yun? Panibagong problema nanaman kaya? Habang papalapit siya ng papalapit, papalakas ng papalakas ang kabog ng dibdib ko. Hanggang sa dumeretso lang siya at dinaanan lang ako, pero parang sinasabi ng mga mata niya na sundan ko siya... hmmm marunong pala to mag eye contact ahh. Sinundan ko siya at habang nag lalakad ako napapa isip ako. Ano kayang nagawa kong kasalanan dito? Siya nga ang dapat kong tanungin dahil hindi siya pumasok last day ehh.. hala napapaisip talaga ako ng bonggang-bongga kaloka... hanggang sa bigla kong naalala.. OH MY GOSH. Last night pala dapat mag di-dinner kami pero iniwan ko siya! Hala nakakakonsyensya naman... pinag hintay ko siya tapos iniwan ko lang pala.. pero bakit? Kilala ko to si Slate at di yun big deal sa kanya? Hmm siguro may iba pang dahilan sundan ko na nga lang siya.

 

Huminto siya sa lobby... grabe ahh sa fire exit pa kami dumaan haist.. may elevator naman.

 

"Slate may problema ba?" Tinitigan niya lang ako ng masama.. hala.. sabay kaladkad sakin papunta sa parking area...

 

"Slate ano ba? San tayo pupunta??" Sinakay niya ko sa sasakyan at pinaharurot ito sa daan...

 

"Slate ano ka ba? Di pa break time saan mo ko dadalhin?" Hala bakit ayaw niya ako sagutin?? Kinakabahan nako..

 

Hanggang sa ayun. Dinala niya ako sa isang seaside hayyy sa baywalk...

 

"Anong ginagawa natin dito?"

 

"Saan ka galing noong isang araw?"

 

"Huh? anong pinag sasabi mo?"

 

"Angelie pinag alala mo ko! Hindi ko akalaing papasok ka noong araw na yun dahil sa ginawa ni kuya sayo! Pumasok ka pa rin pala at ano nanaman ang nangyari?? Tell me ano nanaman ang ginawa ni kuya sayo?"

 

"Wala siyang ginawa." Hala ano mga pinag sasabi neto??

 

"So paano mo mai-eexplain sakin kung bakit nawalan ka daw ng malay at dinala ka sa ospital?! Sige ipaliwanag mo nga? Paano?"

 

"That time kasi napagod ako ng sobra tapos naulanan pako kaya nilagnat ako tapos bigla nalang akong nahimatay... teka paano mo ba yun nalaman?? Edi ba di ka pumasok nnoong araw na yun? Sino ba nagsabi sayo??"

 

"Huh? Eh ano nanaman bang pagpapahirap ang ginawa sayo ni kuya? Angelie pag nakita ko siya hindi mo na ako mapipigilan paduduguin ko na pagmumukha niya!"

 

"Slate ano ba? Bakit ka ba nag kakaganyan?? Walang ginawa ang kuya mo sa katunayan nga siya pa ang nag alaga sakin noong gabing yun!"

 

"Pumunta ako sa ospital noon pero di na kita naabutan. Saan ka dinala ni kuya?"

 

"Sa condo niya."

 

"Sa condo niya!? Angelie anong ginawa niyo doon!? huh!?" pasigaw niyang tanong sakin.

 

"Slate ano ba?? Kanina ka pa ahh kung ano man ang iniisip mo hindi yan totoo! Buong araw ako tulog at ng magising ako pinakain niya lang ako ng noodles tapos nag kwentuhan lang kami ganun lang yun! Ewan ko sayo diyan ka na nga!" Lumabas ako ng sasakyan at naglakad nako papunta sa sakayan babalik nalang ako sa office nakaka irita mga iniisip niya!

 

"Angelie!!!!" Sinigaw niya pangalan ko at hinabol ako waaaaaah nakaka hiya umeksena pa kami dito sa baywalk.

Previous Page of 6Next Page

Comments & Reviews (13)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended