Chapter 32: Nerd

5.8K 135 28
                                    

Yenn's POV


Saan na ba ako pupunta? Peste. Puro kasamaan naman yata ang itinuturo rito. May mga classroom pa kaya? Pft! Meron naman kayang pumapasok sa klase? Mukha pa namang barumbado mga estudyante rito. Ewan ko ba. Bakit pa sila magtuturo kung alam naman nilang kayang kaya magcut ng mga students?

Kinuha ko ang isa sa mga papel na binigay sa akin ng Hadessy kanina at tinignan ang schedule ko.

11 - Invisible ang section ko. 8:00 AM pa ang start ng klase at sa room 469. Tsk. Gumising pa ako ng 5 AM! 7:18 pa lang oh, naknangteteng naman. Ano namang gagawin ko rito?

Nilibot ko na lang ang school at hinanap ang magiging classroom ko. Nasa 4th floor ito at tatlo lang ang classrooms sa palapag na 'yon ngunit halatang malalaki. Itim ang pintuan at puti't pula naman ang mga pader.

Dahil maaga pa, bumaba na lang ulit ako sa ground floor at umupo sa nakita kong black bench. Ang isa pang nakakainis, kanina pa ako pinagtitinginan! Nilibot ko ang mga mata ko. May nagbubugbugan, nagsasabunutan, naghahalikan, nangtitrip, at may mga seryosong nakaupo lang din.

Wala ni isa ang nag-aaral!

Napahinto ako nang mapadpad ang mga mata ko sa isang pamilyar na babae na tahimik na nagbabasa ng librong Percy Jackson and the Sea of Monsters sa isang sulok. Tss. Akalain mong dito pala nag-aaral 'to? Wala sa itsura niyang maamo.

I wore my earphones and just listened to some music until the bell echoed throughout the entire school.

Devils, it's time to spread evilness! Bwahahaha!

On second thought, should I really call that a bell?

***

"Evil morning, Devils!" bati ng instructor sa harap.

My classmates seemed indifferent. Mukha silang bored at wala ni isang bumati sa teacher. Pero akalain mo 'yon? Ang daming pumasok sa klase. Hindi naman pala nagcucut ang mga tao rito. Was Hades that scary?

"I see, we have a new devil here." Nagsitinginan naman ang mga kaklase ko sa akin.

"My gosh!"

"Ow em super gee! Of all sections, why here?"

"C'mon! I don't wanna have a nerd classmate."

"My morning is ruined."

Tss. Ang aarte niyo.

"Obviously, we don't want to know your name, but for the sake of ordinary schools' tradition, mind if you tell us something about yourself?" the instructor rolled her eyes. "I'm Yongyut Praphasirirat, the head fury of this class. Just call me Fury Prapha."

Oh, I remember reading about that from the cards earlier. Ang tawag sa teachers nila ay fury, ang malulupit na tigaparusa ng underworld ayon sa kwento.

Sa pangalan palang ay halata nang Thai ang guro. Duh. Ang hirap-hirap bigkasin ng surname niya. Nakalimutan ko na nga yata kaagad, eh.

"Yenn Denise Cerventez, 17," I said without even standing. Bastusan naman, 'di ba?

Subject ng fury na ito ang History of The Underworld. Puro tungkol kay Hades at nakakatamad kaya hindi ko na ikekwento. Makakatulog lang kayo. Natapos ang klase na walang nakikinig sa kanya. Boring, eh. 3 hours din kaya ang klase niya!

Lumabas na ako para kumain kaso shunga lang dahil hindi ko pala alam kung saan. Psh. Wala naman ako nakitang canteen kanina noong naglibo—

"Hey!" tawag na may kasamang kalabit sa akin. Nilingon ko kung sino. Ano namang kailangan sa akin nito?

A Gangster's ReignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon