Season 1 |34|>>#PlayingWithHisPopsicle

109K 1.3K 125
                                    

Author's Note: PLEASE READ THIS IS IMPORTANT!

If you want to read the Rated R version (full chapter+ rated r) of this Chapter do the following:

1) Just go to my works

2)Hanapin ang RESTRICTED CHAPTERS OF BAD GIRL FOR A GIRLFRIEND

3) I-click at i-add sa library.

Note: gagana lamang po ito kung naka-follow po kayo. Naka private kasi dala ng Mature nitong content.

Lahat na ng Rated R sa BGFAG doon ko na inilagay. (Including Chapter 15 and 22 and future mature chapters of Season 2).

Music: Glad You Came- The Wanted

Picture: Belle Silva.

Happy Reading :)

>>>>

Belle's POV

"Mom! Listen to me! Glorie is lying!"

"Lying? How dare you say that Isabelle? She's your sister!"

Hindi niya ba nakikita na nagsisinungaling si Glorie? 'Yung mga usap-usapan na ipinakalat niya sa school.

Hindi... hindi lahat ng sinabi niya totoo!

Tumingin ako sa gilid ko. Hihingi dapat ako ng tulong sa best friend ko. Alam kong tutulungan ako ni Jesse para malusutan ang mama ko. Best friend ko siya at alam kong hindi siya naniniwala sa mga chismis na ikinalat ni Glorie sa school.

Hindi siya maniniwala na nabuntis ako ng kapatid niya. Hindi siya maniniwala na ako ang naglabas ng mga edited pictures niya kasama sa kama ang iba't ibang players ng varsity... hindi siya maniniwala na ako ang sumira sa buhay niya... hindi kasi...kasi kaibigan ko siya.

Pero mukhang nahuli na ako. Sa itsura ng mukha niya at sa mga mata niyang halatang nagbibintang...naniwala siya sa lahat ng sinabi ni Glorie. Ni hindi man lang niya ako hinintay na magpaliwanag.

Tumabi si Glorie sa kanya at binulungan. Hindi ko marinig dahil nasa labas sila pareho ng kwarto ko pero kung ano man ang sinabi ng magaling kong kapatid, sapat na 'yun para tingnan ako ng masama ni Jesse at iwan akong nag-iisa.

Tumingin ulit ako sa mama kong naniniwala din sa mga kasalanang ni isa man ay wala akong ginawa.

"She's not even my sister! She's adopted! Ampon nyo lang siya! Bakit-----"

Hindi niya man lang ako pinatapos na magsalita, sinampal niya lang agad ako.

Hindi ko alam ang gagawin.

Unang beses 'to.

Unang beses na sinampal niya ako.

Hindi ko na mapigilan na hindi pumatak ang mga luhang kanina ko pa binabalewala.

Mas pinili pa ng sarili kong ina na paniwalaan ang ampon niya kaysa sa akin...ako ang tunay niyang anak, pero bakit siya pa ang pinili niya?

"Don't you dare call your sister like that! God! Isabelle! Hindi ka ba nag-iisip? You are just 18 years old and you're already pregnant! At doon pa sa lalaking pinag lalaruan ka lang!"

Ayaw ko marinig ang mga sumbat niya. Nasaktan niya na ako ng sobra sa sampal at sa pagpapamukha niya sa akin na mas mahal niya pa ang ampon niya.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon