Previous Page of 2Next Page

It Started with Gummy Worms

Dedicated to
InfinityStrawberry
spinner.gif

Ranz Kyle’s POV

 

Ano?! Ba’t di siya makahinga?!

 

“May asthma ka ba?!” I panicked. Tangina, di pwede ‘to. Di siya nakasagot kasi hirap na hirap pa rin siyang huminga. Tinanggal ko ‘yung jacket niya. Teka, ba’t ganito suot niya? Ang init-init nito for Pete’s sake!

 

 

All eyes on us, pero wala akong paki-alam. Binuhat ko siya at dinala sa clinic. “Nurse! May inhaler ba kayo dito?!” sabi ko ta’s tumango ‘yung nurse at dali-daling kinuha ‘yung inhaler na nasa cabinet at binigay sa’kin.

 

 

Binigay ko ‘yun kay Hannah at ginamit niya ‘yun para makahinga siya. Unti-unti na siyang nakakahinga ng maluwag. Nahihiya siyang humarap sa’kin.

 

 

“R-ranz, s-salamat t-tsaka s-sorry kasi naabala pa k-kita. Inatake ako ng asthma ko eh, pasen—”

 

 

 

“Tangina naman! Why didn’t you tell me?!?!” sigaw ko. Hindi ko alam, pero nag-aalala ako.

 

 

 

“K-kelangan pa ba ‘yun? ‘Wag kang mag-alala, di naman ‘yun mahalaga e—”

 

 

“Hindi mahalaga?! Seriously?! Kung wala ako dun, sino na lang ang mag-aasikaso sa’yo dun?! At alam mo namang bawal kang magpagod, pero ginawa mo pa rin! Buti at may inhaler dito!” Nag-aalala pa rin ako kaya ganun na lang ako makapag-react. Tangina naman kasi! Alam niyang bawal siyang magpagod, pero ginawa niya pa rin.

 

 

“Ranz, ayos na ako. ‘Wag kang mag-alala at pwede ba, ‘wag mo na akong alalahanin..” sabi niya ta’s tumayo at kinuha ‘yung jacket na sinuot niya kanina at sinuot na yung bag niya. “Baka kasi umasa na naman ako at masaktan ako.”

 

 

“What?” Di ko siya narinig. May binulong siya, pero di ko narinig ng maayos. “Wala.” Nagsimula na siyang maglakad papalabas ng clinic.

 

 

“Ranz, ayos na ako. ‘Wag kang mag-alala at pwede ba, ‘wag mo na akong alalahanin.”

 

 

Tangina. She’s right. Di dapat ako mabahala sa kanya. It’s not like she is that important to me. Why would I worry that much? How stupid.

 

 

“I just want you to know that you’re a very special part of my life now. I don’t know how or when it started, but it’s true.”

 

 

Bigla ko na lang yung naalala. I told her that through letter. The words that are written in the card were all true. And I can’t lie to myself now. Hannah really is a part of my life.

 

 

Isa lang ang tumatakbo sa isip ko at yun ay ang protektahan siya. She needs me.

 

 

“Hannah, wait!!” sigaw ko habang hinahabol siya. Huminto siya, pero di niya ‘ko nilingon. “Ice cream tayo.” Hinawakan ko yung kamay niya at hinila siya.

 

 

//

 

Hannah’s POV

 

“Ice cream tayo..” Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Di ako nakapalag kasi hinila niya na ako papalabas ng school.

 

 

Ang lakas-lakas na naman ng kabog ni Mr. Heart. “T-teka, ayokong sumama.” Sabi ko na biglang napatigil at dahilan na rin kung bakit napatigil rin si Ranz. “Sumbong kita sa nanay mo. Inasthma ka dahil sa kalokohan mo.” Ta’s nag smirk siya.

 

 

 

O___O

 

=___=

 

 

Siya kaya dahilan kung bakit ako inatake ng asthma ko! >_< Pero pakshet, kung wala sana akong naisip na ‘Hannah in Disguise’, di ako mapapahamak.

 

 

Oh no. Wala akong magagawa kundi.. “Ayshus! Sasamahan lang naman pala eh! Tara na!! Mag-ice cream tayo!!” ta’s binitawan ko yung pagkahawak niya sa kamay ko and this time, hinawakan ko yung wrist niya at siya na naman ang hinila ko.

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (9)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Hannah Sastreas herself
Ranz Kyle Ongseeas himself

Who's Reading

Recommended