War Zone

157 6 3
                                    

I can't believe my neighbor is a fuck boy. Dumaan ang isang buwan na sinadya kong hindi lumabas ng bahay dahil sa kaniya. Ayaw kong makita ang pagmumukha niyang mas matigas pa sa poste ng meralco. Hindi man lang ako nagpunta sa mall or kahit sa bahay ni Ree dahil laging nasa balkonahe niya ang pakboi na 'yon every time na tatangkain kong lumabas ng bahay.

Ingat na ingat din ako tuwing sisilip sa bintana ng salas ko dahil pakiramdam ko ay minamanmanan niya ako. Call me paranoid or what, I just can't stand him. Para siyang tubol na hindi ma-flush sa toilet.

Maingat kong hinawi ko ang binders ng kwarto ko at sinilip ang pakboi. Araw araw ay ganito na ang set-up ko, I would always peek through my windows and check if nakatambay siya sa balcony niya. Nang makita kong nasa sa labas na naman siya naiinis akong nagpagulong gulong sa kama ko. 

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa ilalim ng mga unan ko at tinawagan si Ree. Matapos ang pambabastos sakin ng lalaking iyon ay tumawag agad ako sa kaniya at nilabas lahat ng galit ko. I'm thankful dahil Ree always listens to me, even when Kirby and I broke up and majority of my friends turned their backs on me she didn't left me. 

Matapos ang ilang ring sa kabilang linya ay sinagot na niya ito. 

'Hey? What's up?', sagot niya. I can hear noises from a hair blower and I immediately assumed na nasa salon siya.

"Let me guess, you're at the salon again."

'Yep! And if it wasn't for your kaartehan kasama sana kita ngayon.', naiiritang sagot niya sa akin. She knows that I can't leave my house dahil parang body guard na laging nakamatyag ang pakboi kong kapitbahay sa balcony niya. I don't want to have an exchange with him so I tried my best to really stay inside my house.

"I'm sorry Ree.", malambing kong sabi sa kaniya. Even without seeing her I can imagine her rolling her eyes. Umubo siya sa kabilang linya, 'What do you want from me?", tanong niya. 

I laughed sheepishly. She knew me too well. I asked her, "Can you go to my house? Please?"

I was hopeful. Tamad si Ree, she hates walking too much and commuting because she hates people. She's my exact opposite and I can't blame her. She's an introvert before she became my bestfriend.

'I don't want to. You're disturbing me.', she coldly responded. Napasimangot ako, typical Ree answers. 

"Sabreena! I need you!", pagmamakaawa ko sa kaniya. Hindi talaga nakakatuwa minsan ang pagkamaldita ni Ree.

'You're just frustrated dahil naiinis ka na naman sa kapitbahay mong gwapo.'

Kulang na lang ay tumarak ang mata ko sa pag-irap dahil sa sinabi ni Ree. Noong kinuwento ko sa kaniya ang pakboi kong kapitbahay ay agad niya akong pinuntahan sa bahay. Buong hapon kaming nakabantay sa kaniya habang inaayos niya ang mga boxes niyang may mga gamit niya mula siguro sa luma niyang residence. 

I even choked noong sinabi ni Ree na may itsura daw ang kapitbahay ko kahit saksakan ng kamanyakan.

"Yes and no Ree. Yes, naiinis ako sa kaniya and no hindi siya gwapo.", I told her. Hindi naman malabo ang mata ni Ree, at alam kong kung ano ang nakikita niya ay nakikita ko rin naman. Hindi ko lang talaga maintindihan kung saang parte ng pagmumukha niyang pakboi na yan makikita ang kagwapuhan!

I heard Ree laughed sa kabilang linya. "Gwapo naman talaga siya sis. Bitter ka lang." I rolled my eyes, walang kwenta talagang kausap si Ree.

"Whatever! Ayoko ng kausapin ka. Chat na lang ako later.", napipikon kong sabi. 

'The feeling's mutual. I'll visit you soon. Mwah!'

Binaba ko na ang linya.

Wala ka talagang kwenta Ree. 

Muli akong sumilip sa bintana ng kuwarto ko at tinanaw ang pakboi. Hindi pupuwedeng ganito na lang ako buong bakasyon. I already have so many plans, gusto ko pa namang magtravel. Mag-picnic. Mag-swimming!

Hindi ko ito magagawa kong magpapadaig ako sa kapitbahay kong iyon. Huminga ako ng malalim. Hindi dapat ikaw ang nag-aadjust para sa lalaking 'yan.

Siya ang mag-aadjust sayo. With that, I marched downstairs and opened my window's curtains. Ilang araw itong sara dahil sa lalaking iyon. I felt like Ana in frozen.

For the first time in forever, I'm opening up the gates.

The Only Valid ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon