Flyers (One Shot)

5.3K 222 35
                                    

Flyers (One Shot)

All Rights Reserved © 2013
_____________________________________________________________________________
“Miss.” Hindi ko lang pinansin yung lalaking nagaabot sakin ng Flyers, Late na kasi ako sa klase ko.

“Miss! Miss!” Tawag pa rin niya pero hindi ko na pinansin.

Pagdating ko sa Classroom, Wala pa yung Professor namin kaya hindi pa ako late. Umupo na ako sa upuan ko at hinalungkat ang bag ko ng mapansin kong bukas yun. Wala namang nawalang importanteng bagay maliban na lang sa Diary ko. Pero sana naiwan ko lang yun sa bahay o di naman kaya nalaglag ko lang dito sa Campus at may magsauli sakin nun.

Maaga natapos ang klase namin. Kaya sabay kami ng bestfriend ko na umuwi. Habang naglalakad kami sa 7-Eleven, May narinig akong tumawag sa pangalan ko.

“Natasha!” Hindi ko na lang nilingon kasi baka ibang Natasha ang tinutukoy nung taong yun pero nagulat na lang ako ng sinigaw nun ang buong pangalan ko “Natasha Perez!”

“Tasha! Ikaw ang tinatawag” Sabi ni Abby. Napalingon naman ako sa tumawag sakin at yun yung lalaking laging nagbibigay sakin ng Flyers sa tuwing dumadaan ako dito.

“Natasha, Nalaglag mo nga pala yung Diary mo.” Sabi niya sabay abot ng Diary.

“Siya naman pala ang nakapulot ng Diary mo eh! Kaya pala nalaman niya yung pangalan mo” Sabi ni Abby.

“Ah, Salamat!” Sabi ko sabay hila kay Abby.  Feeling Close naman kasi masyado kung makatawag sa pangalan ko.

***

“Hi Natasha!” Bati sakin nung lalaking nakapulot ng Diary ko. Di ko na lang siya pinansin. “Flyers oh!” Sabi niya sabay abot niya sakin ng Flyers. Tinanggap ko naman yun pero hindi ko na binasa at tinapon ko agad ng may nakita akong basurahan.

Maya maya lang din natapos ang mahaba habang klase kaya eto na naman kami ni Abby, Dadaan na naman sa lugar na yun.

“Natasha andyan na naman siya oh!” Sabi ni Abby sabay turo dun sa lalaki na kasalukuyang nagbibigay ng Flyers.

“Tara na bilis” Sabi ko sabay hila kay Abby.

“Bakit ka ba nagmamadali, Tsaka, Para mo siyang iniiwasan ah!”

“Abby, Hindi natin kilala yan! Baka may masamang balak satin yan!”

“Sa gwapo nyang yan?”

“Wag kang magpapaloko sa itsura niyan!”

“Mukha namang mabait eh!”

“Mabait para sayo!” Sabi ko habang hinihila si Abby, Dadaan na kami sa harap niya ng tawagin niya ako.

“Natasha” Eto namang si Abby, Hinila ako pabalik.

“Hi! Ako nga pala si Abby! Bestfriend ni Natasha!” Siraulo na talaga siAbby! Bakit siya nagpakilala!

“Hello, Ako naman si Nathan!” Pagpapakilala naman nung Nathan.

“Wow! Natasha and Nathan! Malapit ha! Meant to be yata kayo!” Pangaasar naman ni Abby. Sasakalin ko tong babaeng to eh!

“Abby! Umuwi na tayo!” Sabi ko sabay hila kay Abby.

Flyers (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon