''Lakas ng lahing Pilipino''

spinner.gif

Wikang Filipino natatanging lakas

Sa'ting talastasan ipakitang likas

Kahit sa banyaga tayo'y magpamalas

Laging isapuso't mahalin ng wagas.

Ating patatagin , pagkakakilanlan

Ng ating lahi't salamin ng lipunan

Sa bawat araw iyong pahalagahan

Ang lingguwahe ng bayang sinilangan.

Sa panahon ngayon 'wag sanang mawaglit

Sariling atin sa ipagpapalit ?

Simula pagkabata ito ang gamit

Na isang kaloob nagmula sa langit.

Di ko inilalayo wikang banyaga

Ang sa'kin lang sa'yong utak itaga!

Ito ay sa atin huwag ipigang piga

Bagkus tuunan pa ng pangangalaga.

Nawa'y iyong isipin at 'wag talikdan

Ikaw'y binigyang buhay sa Inang Bayan

Saanman mapunta iyong panindigan

Pagka-Pilipino magpakailanman!

Comments & Reviews

Login or Facebook Sign in with Twitter
library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended