Chapter 2 ♥ Meet The Band

61.6K 844 68
                                    

Dedicated for her :) Hindi ko sya na-dedicate-an dun sa LTMS dahil wala ng sapat na spot kaya d2 na lang ako magdededicate! Hihi Godbless always dear and enjoy reading! 

VOTE.COMMENT.VOTE.COMMENT!

ENJOY!

♥♥♥

Chapter 2

Sa isang himala, isang minuto na lang bago matapos ang dalawampung minuto at nakaabot ako sa inip na inip nang mga kabanda ko. Napangiwi ako ng makita si Julian na masama ang tingin sa akin habang nakatupi ang mga brasong naghihintay sa pinto na pinasukan ko. Itinatapik tapik pa nya ang isang paa at tinitingnan ako ng masinsinan. Pero nung bigla nya akong tinaasan ng kilay at nagthumbs-up, nakahinga ako agad ng maluwag. Binigyan nya ako ng napakalaking ngiti na para bang nagsasabing 'nakaabot-ako-look' bago inakbayan at ipinasok sa loob. Ang lokong yun. Pinagtritripan na naman ako. 

"Right on time Serene!" Yakap sa akin Reece bago pinagmadaling pinagpalit ng damit. Nagreklamo pa nga ako eh kaso ng simulan akong sermonan tungkol sa pagiging out of fashion ko at pagkahuli sa 21st century bling bling eklavush fashion sense ay nagmadali na akong pumasok sa dressing room at isinara ang pinto. Wooh! Ang saya sound proof sa dressing room! 

Ang daming poster ang nakasabit sa loob ng dressing room. Poster na halos karamihan sa kanila ay naglalaman ng balita tungkol sa banda na nagngangalang 'Intricate Band.'

Ang 'Intricate Band' na syang banda namin ay may pito na orihinal na myembro. Si Julian at kuya Zen na tumutugtog ng gitara, kuya Paul at Pietr sa bass, si Sharie sa keyboard, Reece sa harp at ako bilang isang vocalist. Si Evan naman sa ikalawang banda, na kasakasama namin sa band ay nagkusang magvolunteer na pumalit kay Pietr noong bigla syang nawala sa banda. Hindi sya opisyal na myembro ng banda pero malaki ang utang na loob namin sa kanya dahil sa pagsalo sa pwesto ng dati naming kasama. Sa totoo lang magiging myembro sana sya noon kaso hindi sa pagbabanda ang laman ng puso nya dahil may iba syang pangarap. Hinayaan na lang namin sya at sinabi na anytime maaari syang bumalik sa amin kung kailan nya man gustuhin.

Hindi lang panay kantahan ang ginagawa ng banda namin dahil mahilig din kaming tumugtog ng instrumental music. Kaya nga sa banda namin hindi lang gitara, bass at keyboard ang ginagamit. Minsan gumagamit din kami ng harp, cello at violin depende sa mood namin. Mahilig kasi kaming mag-experiment ng kung anu-anong tunog at kapag napagtripan namin, pinaghahalu-halo namin lahat ng instrument na pwedeng patugtugin. Minsan nga parang hindi lang kami isang banda kundi isang mini orchestra.

Muling nagflash ang cellphone ko at nakita na may natanggap akong isang message mula kay Niel. 'Ingat jan and enjoy!' Text na nakapagpa-iling sa akin. Isa rin yun, dapat kasama sya dito eh ang kaso pagkahatid na pagkahatid sa akin dito sa building umalis na sya agad. May gagawin daw ang mokong eh kaya hayaan na.

Dahil sa nakakalungkot na kadahilanan ay nawala si kuya Zen at Sharie. Samantalang si Pietr naman ay kusang umalis sa banda two years ago. Naiwan kaming apat nila Julian kaya ang pumalit sa kanila ay ang dalawang magkapatid na si Kelly at Nyree. Ngayon sa kasalukuyan ang opisyal na myembro ng banda ay si Julian, ako, Reece, kuya Paul at si Nyree at Kelly. Wala si kuya Paul ngayon dahil kasalukuyan syang nasa Canada para asikasuhin ang mga importanteng bagay. Si Evan naman ay umuwi na rin sa Canada dahil kailangan pa nyang ipagpatuloy ang pag-aaral nya. Sabi ni kuya Paul one of this week or next month ay baka makabisita sya dito sa Pilipinas kaya excited na ako!

"Ate ready ka na?" Tanong ni Nyree sa akin.

"Ang ganda talaga ni master!" binigyan ko ng tingin si Kelly na tumabi sa akin "este ni ate! haha! Sabi ko na eh may pinagmanahan kami! Halina kayo!" 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon