Eight

165K 1.5K 19
                                    


Nandito ako ngayon sa may isang coffee shop sa mall. May usapan kasi kami ngayon ni Nina na magkikita kami. Wala pa siya, kasi maaga ako ng 45 minutes sa pinagusapan namin.

Ang maganda lang sa trabaho ko bilang yaya, pwede akong mag day off once a week, except sunday. Kasi walang makakatulong si Sir Hanzen sa pag aalaga kay Reese.

Habang nagbabasa ako ng magazine na kakabili ko lang din, may umupo sa table ko.

"Mukhang maaga ka ata Nina--" Nagulat ako, kasi akala ko si Nina ang dumating. Hindi pala. Para kong tinakasan ng dugo sa mukha. Ngayon pa lang, gusto ko ng magtatatakbo.

"Still remember me?" Sabi ng kolokoy. Pano ko makakalimutan ang mukha nyan? Eh ang gwapo. Ganon pa man. Hindi ko siya pinili. Kasi iba talaga ang gusto kong gawin.

"How could I forget your face. Isa ka lang naman sa dahilan kung bakit kinailangan kong lumayas at mag tago."

"Buti naman naaalala mo pa ko, Ciara Elizalde."

"Mahirap kalimutan ang mukha ng isang tao, lalo na kung isa siya sa pinagtataguan mo."

He smirked. Gwapo sana talaga, yummy din. Halatang may abs. Pero mas gwapo at mas yummy si sir Hanzen.

"Alam mo Ciara, pumayag ka lang. Magpakasal ka lang sakin, simple as that. Wala ka ng po-problemahin."

"Nababaliw ka na ba Jorgen? Ayaw kong magpakasal. Wala pa kong planong magpakasal. Hindi sa'yo, at hindi pa sa ngayon."

"In fact, I can call your parents any time."

Huh, blackmail? Wag na uy!!

"Bago mo pa gawin yan, hindi nyo na ko makikita." Inilabas niya ang cellphone niya at nag dial. Oh no! Hindi pwede. Ayoko pang maging ulirang ina sa ngayon. Wag muna please? Kailangan kong gumawa ng paraan.

Nung may kausap na siya sa phone niya, pasimple kong hinawakan ang bag ko, dali dali akong tumayo at tumakbo. Napansin kong hinahabol niya ko. Kaya binilisan ko pa lalo ang pag takbo ko.

"CIARA!!" Narinig kong tinatawag niya ko.

Ayaw ko!! Mabuti pa talagang mamatay ako bago mag pakasal sa kanya.

Sa kakatakbo ko, di ko namalayan na nasa parking lot na pala ko ng mall. Tapus natanaw ko si Nina na pababa ng car niya kaya sinigawan ko siya.

"NINA!! Jorgen's following me. Get in the car." Pagkasigaw ko nun, napatingin sakin si Nina tapus sa likod ko, kaya dalidali siyang sumakay ulit sa kotse niya at binuksan ang kabilang pinto.

Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo ko, kaya nakasakay agad ako sa kotse ni Nina. Pagsarado ko, pinaandar agad ni Nina ang kotse niya. Nakita ko si Jorgen na pilit binubuksan ang pinto. Tapus kinakatok ang bintana. Hindi ko masyadong naririnig yung pag sigaw niya.

"Goodness gracious Nina, thank God! you're on time."

"Grabe, adrenaline rush. Gaga ka. Muntik ka na maabutan ni Jorgen."

"Nakapag usap pa kami. Buti na lang dinistract niya yung sarili niya, kaya nakatakas ako. Muntik na niya kong ipagkanulo sa magulang ko." Hingal na hingal ako shetty, para kong aso na halhal na sa sobrang uhaw. Kaya tinapat ko talaga sakin yung aircon ng kotse.

Nung naka-recover ako, kinuwento ko sa kanya yung pinagusapan namin ni Jorgen.

"Bakit kasi ayaw mo sa gwapong yun?"

"Di pa ko ready. Isa pa, nung graduation-slash-engagement party ko lang na-meet yun. True, gwapo siya. Pero diba, mas gwapo si Sir Hanzen." Tapus tumingin siya sakin, at ngumiti ng nakakaloko.

"Oh eh bakit naman nasama si Hanzen sa usapan?"

"W-wala no. Naiisip ko lang na mas may gwapo pa kay Jorgen. Ano naman ang iniisip mo? Ikaw ah. Wag ka nga mag isip ng kung anu ano."

"Bakit defensive ka? Nagtatanong lang naman ako."

"Hindi no, hindi ako defensive. Kung anu ano lang kasi naiiisip ng marumi mong utak."

"Umamin ka nga Ciara, gusto mo si Hanzen no??"

"Tumigil ka Nina. You're jumping into conclusions."

Buti na lang di na nag react si Nina, napansin ko na nag park siya sa isa pang mall. Tapus bumaba na kami.

"Basta friend, it's complicated, kaya if I were you, mag iingat ako sa mga pwede kong maramdaman." Anu naman kayang ibig sabihin nito? Isa pa, bakit niya sinasabi sakin.

"Gaano mo na ba kakilala si sir Hanzen?"

"Hmm, let say na, nung na-meet ko si Jake sa bar, kasama niya si Hanzen at yung pinsan nito. Kaya, naging friends ko na din sila, hanggang ngayon na kami pa din ni Jake." Kung ganun, ibig sabihin, matagal na din silang magkakilala ni Hanzen? Kasi three years na ang relation nila ni Jake. Meaning, alam niya din yung tungkol kay Reese and her mommy? Ayokong maging tsismosa, pero naku-curious lang naman ako.

"Ang dami mo pang explanation. Di mo na lang sinabing three years na kayong magkakilala."

"In-elaborate ko lang naman. Para di ka na magtanong kung paano ko siya nakilala."

"As if naman na I'm interested."

"Why not? He's single, you're single... yet it's complicated."

Bakit ba lagi na lang complicated? Pwede bang In a Relationship na lang? Ayaw kong matulad kay Maya and Sir chief. Gusto ko, wala ng segway.

Pero ayoko muna pala. Magkamatayan na, pero magta-trabaho ako sa company namin pagdating ng panahon kahit di ako kasal kay Jorgen, sa ayaw at sa gusto nila.

Nag shopping kami ni Nina, buti na lang, dinala ko yung credit card ko nung naglayas ako. Pero, ngayon ko lang siya nagamit, at di naisipan ng magulang ko na ipa-close yung credit card. Bumili din ako ng pasalubong kay Reese, kahit na three weeks ko pa lang siya nakakasama, masyado na siyang na attached sakin.

Kanina nga nung umalis ako nagpipilit sumama. Minsan nga feeling ko nag seselos na si Sir Hanzen, dahil wala sa kanya yung attention ko--este yung attention ni Reese.

"Ikaw friend, wala pa ba kayong balak na magpakasal ni Jake?" Nasamid ang bruha, nandito kasi kami ngayon sa Sbarro, nag memeryenda. Libre niya, pero ako ata dahilan ng pagkasamid ng bruha.

"Anu bang tanong yan Maria. Syempre wala. Gaya mo, ayaw ko muna din magpatali. Okay na sakin na ganito kami ngayon."

"So, ok lang talaga sa'yo yung pre-marital sex?" Tapus nasamid nanaman siya. Pati ako muntik ng masamid sa tanong ko. Naisip ko lang na parang medyo nag agree din ako diyan. Actually nagawa ko na.

"Ang sarap kaya, try mo!!" Kung alam mo lang Nina, tama ka, masarap nga!! Shett, anu ba tong topic namin.



AUTHOR'S NOTE:

Si Jorgen po, ay may special participation din sa isa kong story na MCS =]

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon