Chapter 6: We Meet Again

1K 24 3
                                    

FAN/FOLLOW ME and I'll dedicate a chapter to you ;)

Do you trust me? Are you enjoying this story? Kung OO, pwes, inaanyayahan kayong basahin ang mas romantiko at mas mahaba na puno ng twists kong Completed Novel "MY TIME WITH YOU" ;)

SULLI'S POV

Isang linggo na ang nakalilipas mula ng makilala ko si Allen. Nagtransfer na ako ng tirahan somewhere sa Northern Luzon, para maiwasan na rin na muling mag-krus ang mga landas namin.

Hindi ko man maiwasang makunsensya dahil sa pagtalikod ko sa agreement namin na ililibre ko sya after saving me, yet I believe I made the right decision na magpakalayo.

This is the life I chose to live. Walang pamilya, walang kaibigan, at walang kakilala.

Simple ang pamumuhay ng mga tao rito. Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay, samantalang ang iba ay pagtatanim ng kung anu-anong punong namumunga.

Papunta ako ngayon sa daungan ng mga maliliit na bangka, para magmuni-muni nang....

Ta-tama ba 'tong nakikita ko?! HOW COULD THIS BE?! Si Allen ba talaga 'yung lalaking nakatayo sa may daungan? Pano sya nakarating dito?

Agad kong sinampal-sampal ang pisngi ko para magising sa katotohan. Pumikit pa ako ng limang segundo para pagmulat ko, wala na ang ilusyon na nakikita ko. Pero...

Hindi sya nawawala sa pwestong kinatatayuan nya!

Haha! Baka naman kahawig lang nya 'yon? O baka sa malapitan e, hindi naman nya talaga kamukha 'yung lalaking nakatayo?

Yup! Ganun nga siguro.

Pero lumiko na rin ako at tumalikod. Babalik na lang ako sa bahay. Mas mabuti 'yun, dahil nakokonsensya pa din ako sa ginawa ko kay Allen.

Nakailang hakbang na ako palayo, ng may mga nakasalubong akong mga batang paslit na nagpapabilisan pagtakbo palapit sa daungan.

"KUYA ALLEN!" Sigaw nung isang batang lalaki habang nakangiti ng malapad.

Napatigil ako ng marinig 'yung pangalan na 'yun. Automatically, unti-unti akong humarap sa likuran ko, para masiguradong...hindi 'yung lalaki sa daungan ang tinatawag ng bata na Kuya Allen...kahit pa sya lang naman ang lalaking nakatayo doon!

"Kuya Allen! Eto na 'yung pamingwit namin! Tara na manghuli ng isda!!" excited na sigaw ng bata na biglang lumundag sa likuran ng tinatawag nyang Kuya Allen.

Ngumiti 'yung lalaki, nagpaikot-ikot habang karga ang batang lalaki at nakaukyabit ang ibang bata sa braso nya.

"Ilang isda ba ang gusto nyong hulihin ko?" Masaya nyang tanong na mas nagpasaya sa mga batang paslit.

"Ganito Kuya Allen." ipinakinata ng batang babae ang 10 nyang daliri.

"Ganyan lang karami? Hindi pa nyan mabubusog ang mga ahas mo sa tyan e!" biro nung lalaki habang ginugulo ang buhok nung bata.

Napatigil ako sa paghinga ng napansin nyang nanonood ako sa kanila.

Unti-unting nagf-form ng ngiti ang aking labi...Samantalang nawala bigla ang ngiti nya noong magtama ang aming mga mata.

"Kuya Allen, kilala mo ba sya?" Inosenteng tanong nung bata.

Natapos dahil doon ang pagtitigan namin, at halos maiyak ako ng sabihin nyang "Hindi ko sya kilala."

Sya nga si Allen. Ang nagligtas ng buhay ko. Ang mabait na lalaking tumulong sa akin. Ang unang lalaki na nakipag-usap at pinagsabihan ko ng aking tunay na pangalan after 2 years na pagiging malayo sa iba.

Diary of My Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon