2

165K 2.2K 249
                                    

*C2*

"Hindi ba pwedeng mag-backout? Iba na lang kunin mo. Hindi ako magaling sa mga ganyan eh."

Kanina pa kami nag-uusap na dalawa dito sa kwarto ko. Kanina pa ko nag-eexcuse ng kung anu-ano para lang 'di na matuloy ang kontrata.

Wala akong kaalam-alam na yung papel na pinirmahan ko raw kagabi ay kontrata na tutulong sa kanya para mabalik sa kanya ang girlfriend niya.

Sinabi ko na rin sa kanya na kapag nalalasing ako, 'yung unang tao na nakikita ko, siya ang pinagkakatiwalaan ko. Nagiging isip bata rin ako kapag nakainom kahit tikim lang. Kakaiba ako malasing kaya nga kapag pumupunta kaming bar juice lang ang inoorder ko. Hindi ko alam kung anong nangyari at nalasing ako ng ganun.

AT HINDI NAMAN VALID 'TONG CONTRACT NA 'TO. DUH.

"No. A deal is a deal. You need to follow me. You need to be my girlfriend until mabalik ko siya sa akin."

Bakit ko ba kasi pinirmahan 'to? Wala na kong maisip na dahilan. Kasalanan nina Mich ito eh. Lagot talaga sila sa akin mamaya. Mababatukan ko 'yung dalawa na iyon.

"Bakit ba siya nawala sa'yo?"bakit ko ba tinatanong? Wala naman akong pakielam.

"That's not your business." tumayo na siya sa kama at binuksan ang pinto.

Wow, how ignorant. Siya na nga ang humihingi ng tulong siya pa ang may ganang magsungit.

Bumaba na din ako ng hagdanan dahil kailangan ko pang puntahan yung dalawang babaeng may pakana nito.

"Ate, anong pinag-usapan niyo?" sumalubong sa amin sa baba ng hagdan si Jin. Bakit nandito rin 'to? Teka nga, naguguluhan na ko. Umagang-umaga ang daming ganap!

"Nonsense things. All I want is to have a quiet life!" Ayoko na talaga! Bakit kailangan ako? Wala naman akong experience sa mga bf-gf thingy na iyan eh.

Di ko naman siya gaanong kakilala. Baka mamaya rapist siya. Grrrr.

"Wala kang mapapala sa akin. Boyish ako, okay? At wala pa kong experience sa mga ganyan."

"That's what I'm looking for. A girl that will never fall inlove with me."Inubo ako bigla sa sinabi nya, natawa na din at the same time.

"That I can do dahil never talaga akong ma-iinlove sa katulad mo!"

"Then good. Aalis na kami. Susunduin kita bukas. We have a date."

A date? Nope. No way!

Umisip ka ng dahilan, Jan! Siguraduhin mong hindi matutuloy ang date na sinasabi niya!

"Ha? M-may pupuntahan ako bukas!" Pagdadahilan ko. Maniwala ka naman! Makaramdam ka na ayaw kong makipagdate sayo.

"Then, sasamahan na lang kita." Naniwala nga, hindi pa rin effective. Ang kulit naman ng lahi nito!

Alam ko na. May plano na ko para matapos na itong kalokohan na naiisip niya.

"Then okay. Exactly 1pm." tinulak ko na sila palabas ng bahay. Pagkasarado ng pinto, sinamaan ko ng tingin ang dalawang babae na nasa harap ko.

"S-Sissy, sorry! Di naman namin akalain na totoo pala talaga." May pahawak-hawak pa sa braso ko si Yhanna na parang iiyak pa. Grrr.

"Oo nga Jan! Sorry talaga!"sabi naman ni Mich na nagpapout pa.

"Okay na! Hindi rin naman matutuloy 'to eh." Halata sa mga mukha nila ang pagkataka sa mga sinasabi ko.

My Contract Boyfriend [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon