Previous Page of 3Next Page

KOTULKA (Maikling Kwento)

spinner.gif

KOTULKA

©YhinYagdulas (yheenyah)

 

 

Maikling kwento. Unang Bahagi.

Cover by: prodigy1597

©April 2013

 

***

 

Matapos ang isang libo at dalawapu’t tatlong taon mula ng planuhin ang pagkakaisa ng lahat ng bansa sa mundo, nabuo ang isang samahang naglalayong makamit ang kapayapaan dito. Maging ang pagmamahalan ng lahat ng tao. Isinangguni sa lahat ng pangulo ng bansa. Maayos na pinlano at lahat ng gawain ay pinag-isipan at purong kabutihan lamang ang taglay. Sa isang kisapmata, nahati ang planetang tanging may buhay sa apat na bahagi.

Mopahiyon, ang mga bansang ang prayoridad ay modernisasyon, pamilya at relihiyon. Yakartek, ang mga bansang may pagmamahal sa yaman, karunungan at teknolohiya. Ang may layuning maipalaganap ang pag-ibig, makina at talino naman ang bumubuo sa Pagkino. At ang huli’y kinabibilangan ng mga mamamayang kalikasan, sensiya at tagumpay ang pangunahing inaasam. Ang Kasegum.

Apat na mga grupo ng bansang bumubuo sa mundo. Apat na organisasyong tanging layunin ay kapayapaan dito. Apat na samahang nagkasundong lahat na ang di pagkakaunawaan at mga problema’y malulutas hindi ng gulo’t giyera kundi ng pakikinig at pagtanggap sa ideya ng bawat isa.

At silang lahat ay pinag-iisa ng KOTULKA.

 

“Hindi ko akalaing darating din ang panahon na maisasakatuparan natin ang kapayapaang matagal ng inaasam ng mundo.” Sambit ni Leran, ang tumatayong punong abala sa lahat ng plano ng Kotulka.

Sinagot naman siya ng isang lalaking mas matangkad ng ilang pulgada sa kanya. “Akala ko rin ay mananatili na lamang isang panaginip ito.” Turan ni Heraldi.

 

Lulan ng isang lumulutang na kwarto ang apatnapung kinatawan ng apat na grupo. Kasalukuyang nagaganap ang lingguhang pagpupulong na dinaraos tuwing ika-apat ng Pebrero, ang araw ng pagkakabuo ng Kotulka.

Sa mahigit isang libong taong nagdaan, wala ng hindi modernisado sa mundo. Makikita na lamang sa paligid ang mga lumilipad na sasakyan sa himpapawid. Tabi-tabi rin ang mga nagtataasang gusali na nagsisilbing dahilan ng pagyaman ng bawat bansa. Pinaghihiwalay pa rin ang pitong kontinente ng mga karagatan na pinaglalayagan ng higanteng mga barkong naging mas kaaya-aya na ang mga pisikal na istruktura dahil sa naiibang katalinuhan ng mga nagdisenyo nito. Naglalakihang puno’t halaman naman ang matatagpuan sa mga kagubatang minsan ng inakalang hindi na magtatagal.

Sa madaling salita, naging makulay ang tahanan ng mga tao.  Sa kabila ng teknolohiyang tuluyang sumakop dito ay nanatili ang mga likas na yaman na unang nagpaganda sa mundo. At ang mga ito’y dahil sa iba’t-ibang lahi na nagka-isa at nagtulungan upang ang pare-parehong pangarap ay maging reyalidad.

 

“Sino bang mag-aakala na ang isang tulad mo, Leran, ang makakaisip nito. Nakakatuwa, ano. Isang kagaya mo pa.” Hindi pangungutya ang nais iparating ni Heraldi kundi isang pagpapasalamat at paghanga.

 

Si Leran, tulad ng sinabi ni Heraldi ang siyang may kagagawan ng pagkakaisang ito. Sa murang edad na pito, isa na siyang mayamang negosyante na siya pang pinili ng buong mundo upang sila’y pamunuan. Siya at hindi ang mas matanda sa kanya ang pinagkatiwalaan dahil siya’y may angking na karunungang hindi tinataglay ng iba.

“Ginoo, abot langit na pagpapasalamat pa rin ang lagi kong ipararating sa inyong lahat. Kagaya ng lagi kong sinasabi, kayo rin ho ang dahilan kung bakit ko naisip ang ganitong bagay.”

“Pero alam naming may mas malalim ka pang dahilan, Leran, ang pitong taong gulang na may utak ng pitumpo.” Napangiti ang lahat sa sinambit ni Martini, isang mayuming binibini na bagama’t kasama I Leran sa pagbuo ng Kotulka ay marami pang hindi alam sa may pasimuno nito.

“Pareho lang tayo Martini, nauna lang ng tatlong taon ang pagkapanganak mo.” Sinagot siya ni Leran sa normal na tono ng boses nito. Sa murang edad ng mga kasapi sa nagaganap na pagpupulong, pormal at naaayon sa kinalalagyan nila ang paraan ng kanilang pananalita.

Oo, hindi basta basta ang mga namumuno sa Kotulka. Sila’y binubuo ng mga kabataang nasa gulang na pito, bilang si Leran ang pinakabata, hanggang labing siyam, si Heraldi naman ang pinakamatanda. Sino nga bang magaakala na ang mga sakit ng ulo ng mga magulang, isang libong taon na ang nakakaraan, ang sila pang magigin magdudulot ng kaayusan sa mundo na matagal na sinubukang kamtin ng mga taong mas matanda pa sa kanila?

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (24)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended