4/28/2013 G-DRAGON OOAK IN DOME (JAPAN)

160 6 7
                                    

Hello ladies and gentlemen.. It's your girl DJ <- Just joking.

Oo na seryoso na okay. Hahaha~ ganto kase yan..

10:40pm

Sumakay ako ng bus this time papuntang Osaka. For the reason na si papa hindi ako maihatid kase they were going to Hiroshima.. Anyways, Ang sakit ng katawan ko. Diyos Ko! Langyang Bus yun. So mga 6 ng umaga nasa Umeda nako. Naligaw ligaw pa ko kase di ko alam kung asaan yung toilet at nasan yung bilihan ng ticket papuntang Dome.

Nag ikot ikot ako, nakababa ako ng hagdanan, hanggang sa makakita ko ng toilet na ginawa ko na ding bihisan. Nag-make up nako and I was wearing a Shirt na may VIP print and a coral pink high waisted short, with my pink headband and my kitson bag. Rumampa nako papuntang dome. Sinundan ko pa yung ateng di din pala alam kung san ang bilihan ng ticket.

Ako lang kase magisa. As in All Alone. Ang sakit grabe hahaha xD

7:30~8:00am

Bumili muna ko ng kakainin ko bago ko pumila para bumili ng goods, as usual, hindi na ko inosente, pinaghandaan ko talaga yung susuotin ko, kaya ayun di ako pinagtinginan ng tao. At dahil umaga nga at malamig, Sinuot ko yung leather jacket ko.

Habang nakapila ko, lumalamon ako ng cupcake habang pinakikinggan ko yung kanta ni Ji. Tapos naiirita pako sa nasa likod ko kase sobrang ingay. Shemerlu.

10:00pm

Nakabili na din ako ng goods. OOAK parker, GD towel, GD shirt, Crayon choco, GD cotton bag. Yun lang kase yung gusto ko. Tapos.. Pumunta ko ng mcdo at kumaen ako ng early lunch. Yung leather jacket ko, pinalitan ko ng OOAK parker. Ayun. nagmuka kong presentado.

1:30pm

Pumasok nako sa loob kahit 3 pa magsisimula yung concert, ayoko kase ng nakikipagsiksikan. Tas ayun.. Dahil ako nga lang magisa, Nagmuka kong loner. Yung seat ko, sa center.. Yung lower box medyo taas, kaya nung umikot si GD gamit yung truck niya, I was in awe. Nganga to the max

3:30pm

Nagsimula na yung concert.. Michigo yung first song.. Nakasakay siya dun sa plastic niyang kotse kotsehan.. And since we all know that he broke his leg, I was too worried kung makakatayo siya.. Kung pwede nga lang sumugod ako sa stage at pigilan siyang tumayo ginawa ko na. As in grabe yung iyak ko nung tumayo siya gamit yung crane niya. Uuka uka siya ng onti kung maglakad ayy nako sabe ko sainyo.. I hated myself kase wala kong magawa.

Sunod sunod na yung kanta.. Minsan sumasakay siya sa segway tapos umiikot siya sa stage gamit yun.. Nagpapacute siya sa camera habang kumakanta. Nagpa-pout, nag kikiss, Nilalabas yung dila niya. Ilang beses akong tumili~

Ilang beses akong pinagtinginan. Pero wala naman akong pake kase binayaran ko naman yun. He's such a tease. Siya na cute.

Nagbreak para ipakilala niya yung sarili niya. Sabe niya "The main character today, G-Dragon at your service" Tapos "Is everybody having fun? Are you all Fine?" Tapos sigawan naman yung crowd. then "I'm not fine but i promise to show you my best." naiyak na naman ako..

Tas naglaro kame. Sabe niya "Let's play a game, i'll part you in two groups, Right side and Left side, The RS, hmmm... I'll call you baby. LS..... Honey" "Baby, Honey, Honey, Baby"

Tilian naman kame hahaha. I was at the Baby side kase nasa Center RS ako.

Tapos pinasunod niya kame, Sabe niya "Say, Oh Oh" yun lang tapos, Nanalo ang Honey side pero dahil inulit niya sa Baby side, Naging draw <3

Then another video.. Tapos nagplay yung missing you then without you, that xx, a boy, 1 year station hanggang sa lumabas na si Tae.

Dahil hindi nga makasayaw si Ji, sabe ni Tae bago siya kumanta na "Cause GD can't dance, I'll dance for you."

Alam niyo yung feeling na, I'm Proud VIP ako. Yun yung nafeel ko ehh. Walang iwanan.

Tas kumanta si Tae ng where you at at yung isa pa niyang kanta.. Ang ganda ng boses.. Ang galing pang sumayaw <3 Shemerluuu :)

Tapos lumabas na si GD kinanta niya yung.. She's gone tsaka Obsession. Pati High notes talaga kinanta niya..

Tapos Crayon&FB remix na. Tilian na yung mga tao.. Ang saket sa puso hahaha :)) Ang gwapo niya kase nakakainis.

Tapos sabe niya "This is the last song, Goodbye everyone!"

Tas umalis na siya.. Ehh siyempre Encore! "GD *clap clap* GD *clap clap*" then lumabas siya gamit yung Truck, dun na siya umikot. Breathe~

Nung malapit na siya samin, Kala ko babae siya.. Alam niyo yung face niya? Super kinis as in to the max! Ang kinis kinis~ Wala kang makikitang pimples hahaha xD

Habang nakasakay siya sa truck, Pinakita sa screen si Dae~ he's playing the keyboard. Tapos.. *Tears* lumabas din si Tae.. Ay shemay.

Nung nakarating si GD sa stage, Tinulungan siya ni Dae.. The cover of this story says it all. Oo nag akbayan sila papuntang center..

Tae : Dae came all the way from Tokyo.

Dae : Yes, I heard Hyung broke his leg. I was worried so I rushed. I cannot sleep last night and I even teared up.

Tae : Did you have a runny nose?

Dae : It's not runny nose! It's TEARS!

GD : *Looks at Dae* I love you *Hugs Dae*

super iyak. this is why i'm a VIP. Grabe.. Di ko kinaya yun.

Tas kumanta silang tatlo ng FB.

Pero bago sila kumanta, GD said,

"I really love my members."

Then Dae and Tae said bye. Natira si GD. He introduced his band, dancers, sponsors and YG <3

Before he went backstage. Inikot niya muna yung bawat corner ng stage. 90° bow and Flying kisses to everyone.

Then after the concert, nag-LINE siya. Sabe niya

"Since I broke my leg, I didn't have the chance to show you my performance so I did my best to sing. Did you guys like it? Thank you for coming today"

*END*

PS.

The convo parts are translated by yours truly. Trinanslate ko na para isahan na lang. Ahohoho~ Thank you :)

Pati yung LINE message.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

4/28/2013 G-DRAGON OOAK IN DOME (JAPAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon