[6B] Iba talaga ang kamandag ng isang Bryle Ortega. <3

494K 3.6K 803
                                    

Hope's POV

Tinawag kami ni Venice

Ganda! Crush na crush ko talaga ito! 

Lumapit siya sa akin at tinanong kung okay ba ako sabi ko okay naman. Sinabi na rin namin na hinahanap ko phone ko. 

"Really? Want me to help? I'll go there sa field. Patapos na game." Sabi niya. Ang bait bait talaga niya. Ang gaan ng loob ko sa kanya. 

"Ven why are you here?" tanong ni Enzo.

"You don't want me here? *pout*" AWWW. Ang cute! 

"No silly. You cut class?"

"Nope. I'm excused."

"Why?"

"Cheerleading Practice."

"Aren't you needed there?"

"Trish is going to assist them naman eh. Anyway, Hope! Let's go look for your phone?"

Tapos nagsmile siya. *O* Ganda. Sumunod lang ako sa dalawa. Para akong P.A nakakaloka. >__<"

Hinanap namin sa field at.. Ayun! Nasa gilid ng goal! 

"WAAAH! Phoneee! ^___^ Salamat!"

Pagtingin ko sa phone ko puro text ni Miks na gwapo kapag naglalaro ng football! 

Nireplyan ko muna lahat ng text niya. Sabi niya okay naman din daw si Chelsea.

Matapos ko magkwento kay Miks at Chelsea gamit ang text.. 

Napatingin ako kay Enzo at Venice. Si Venice sinusuklayan yung buhok ni Enzo. Si Enzo naman poker face pero parang sanay na sanay na sa ginagawa ni Venice.

Biglang hinawakan ni Venice yung chin ni Enzo tapos tinurn sa left at right at sinabing..

"Ang pogi namang ng Enzo ko." Tapos nagsmile si Enzo. 

Gusto ko mainggit at magselos. Pero kasi.. Bagay sila. Kahit saang angle, perfect sila. VENZO Loveteam. </3 Alam ko meron silang fans eh. May fanpage sila sa FB eh. 

Maya maya lumapit na si Venice sa akin tapos umakbay.

"Hope sorry ah?"

"Saan?"

"Kay Mico. I don't know why he's like that sayo. Sobrang mean niya."

"Baka kasi ayaw niya talagang ikaibigan ko kayo."

"Well that's his problem. I like you and I want to be friends with you so.."

"Eh wala naman ako magagawa kung ayaw niya."

"Hope, bestfriends kami ni Mico. At hindi naghihiwalay ang Tres Gwapitos. Ever. Kaya kung saan ako doon sila! So he has to handle his being childish!"

Ganoon? So siya ang prinsesa ng Tres Gwapitos? :"> Wow naman! Pagkatapos noon sabay sabay kaming bumalik sa room namin. Hinatid nila ako. Yung mga classmates ko nakichismis naman. Si Miks at Chelsea nasasanay na sa pagiging 'friends' ko sa kanila. 

Maputla ako noon, ngayon lang nagsink in sa akin ang lahat. Yung pagkainis ni Mico tapos si Venice at Enzo.

Ewan ko ba. Parang.. Nakakadepress. 

Para akong pumapasok sa mundo nila. Pinipilit kong makibagay pero hindi naman kaya. Lahat naman tayo gusto maging popular, lalo na noong highschool. Pero ang hirap pala? :( 

4:00 PM Dismissal na. 

Chelsea: Hope, buong araw ka matamlay, okay ka lang? :(

Ako: Napagod lang ako. Pero ayos lang ako.

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon