Chapter 12

9.6K 139 53
                                    

“DON’T say I didn’t warn you.”

 

 

 

 

 

Bahagya nang tinapunan ni Kiko ng tingin ang nagsalita sa tabi niya. It was her again, the ‘assistant’. Ang mga mata niya’y nanatiling nakasunod sa dalawang taong sakay ng paalis na sports car.

He couldn’t believe what happened. Sumama si Kath sa dating asawa nito. Siya ang kasama nito na nagpunta sa party at siya ang dapat na maghatid pauwi dito. Pinatunayan lang sa kanya ng ginawa nito na ginamit lang nito ang pagsama sa kanya doon sa party para pagselosin ang lalaking yon.

“Are you convinced now?” Muli ay narinig niyang nagsalita ang pandak na ‘assistant’.

Atsaka lang niya tinungo ito. Why don’t you keep your nose out of my fucking business?” Pagkatapos ay iniwan na niya ito at muling pumasok sa loob ng hotel.

Natatawang hinabol ni Bea ng tingin ang binata. Pikon na pikon sa kanya ito, at tuwang-tuwa naman siyang inisin ito. Why, the man was drop-dead gorgeous, at masyadong manhid ito. Bakit hindi na lang hayaan nito  sila DJ at Kath? Nakikisawsaw pa ito sa gulo ng dalawa.

Itinaas ng dalaga ang noo at sumunod na sa binata papasok. Masyadong mapapel ang Mr. La Pierre na yon at kung kailangan niyang maging kontrabida sa mata  nito ay gagawin niya, huwag lang itong maging hadlang sa kaligayahan ng mga kaibigan niya.

“Sinong niloko mo? Kunwari ka pa… eh may crush ka lang sa kanya. You want the man for yourself. Hahahaha…” said the inner voice inside her.

Napaingos siya. Of course not! Wala siyang hidden agenda. Gusto lang talaga niyang makatulong kila DJ at Kath. Period.

Until You... SWEETHEART 2 -- [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon