Chapter 49

1M 19K 4.3K
                                    

Chapter 49

"Kamusta buhay single?"

Binatukan ko nga siya. "Ayan, naramdaman mo? Masakit," sabi ko kay Tripp. Aba, one week na din simula nung nagbreak kami ni Drake! Mahirap? Oo naman. Pero tuwing naaalala ko yung mga ginawa niyang pangkakalimot sa akin, mas naiisip ko na okay na siguro na ganito kami, na break na kami. Di ba, at least pag ganito, walang expectations, walang disappointments.

Tinignan ko si Tripp. Nandito kasi kami sa open field. Free cut kasi namin pareho kaya naisipan naming tumambay dito. Nasabi ko ba sa inyo na frustrated photographer si Tripp? Sabi niya sa akin dati, mas gusto niya daw magtake up ng Fine Arts or anything na arts related kaya lang ayaw daw pumayag ni Tito Tristan dahil siya lang ang nag iisang anak kaya siya ang magmamana ng company nila. Wala din siyang choice. Eh ako naman, may choice. Aba, bahala si Dane sa pamamalakad na yan noh! Sa kanya binigay ang talino, gamitin niya!

"Tripp, bakit wala kang girlfriend?" tanong ko sa kanya. Kasi ang imposible naman, di ba? Oo kaya, ang gwapo ni Tripp, aaminin ko naman yan! Kaya nga inaaway ako ng mga babae dito sa Brent eh! Lakas lang ng charms ng kumag na 'to.

Nagshrug siya. "Aba, ewan ko. Gwapo naman ako pero ewan ko ba," sagot niya habang kinukuhanan ng picture yung mga naglalaro ng soccer kahit kalagitnaan ng tanghali! Ang init init eh! Hindi kaya sila ma heat stroke niyan?

"Tss. Yabang mo talaga," sabi ko sa kanya.

Nagsmirk siya. "Eh gwapo ako eh, magagawa ko?"

Umiling iling na lang ako. "Sabi mo eh. Alam mo namang boss kita," sabi ko sa kanya. Alam niyo na, simula ng magbreak kami ni Drake, si Tripp talaga yung tumutulong sa akin. Kaya parang boss ko siya. Siya nagsasabi pag masama na yung ginagawa ko. Nung first day kasi na magbreak kami ni Drake, pumasok ako ng nakashades. Kakahiya naman kasi! Namamaga yung mata ko! Ang ginawa ni Tripp, ayun hinatak ako sa rooftop pagkatapos niyang bumili ng isang kilong yelo mula sa ministop sa labas ng school. Ay, grabe! Sobrang namaga sa lamig yung mata ko nun, ha! Biruin mo isalpak sa mukha ko yung buong plastik?!

Nginitian niya ako at patuloy siya sa pagpipicture niya. "Hindi pa ako nagkakagirlfriend kasi hindi pa ako sigurado. Pero pag nagkagirlfriend ako, siguradong magiging masaya siya. Kasi katulad ng camera ko, sa kanya lang nakatutok ang lens ko," paliwanag niya sa akin tapos itinapat niya yung camera niya sa akin at pinicture-an ako.

Ngumiti na lang ako sa camera niya. "Ganda ko no?" sabi ko sa kanya.

"Oo na, mamaya maiyak ka pa jan eh," sabi niya tapos binaba niya sa sabitan sa leeg niya yung camera at tumayo. Pinagpagan niya muna yung sarili niya mula sa mga kumapit na dahon bago niya ako inalalayang tumayo.

"San tayo?" tanong ko sa kanya. May natitira pa kasi kaming two hours sa free cut.

Nagshrug siya. "Ikaw? San ba? Punta tayong SCA?" sabi niya ng may mukhang pang asar. Binatukan ko nga siya!

"Akala ko ba gagawin mo lahat para hindi na ako bumalik kay Drake? Eh para namang tinutulak mo ako pabalik niyan eh!" sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya tapos inakbayan ako. "Joke lang, 'to naman. Ice cream tayo?"

So, ayun nga, naglakad kami papunta sa ice cream parlor sa labas ng school. Ang dami kasing tindahan sa labas ng school. Basta may pera ka, hindi ka magugutom! Pero sa kaso ni Tripp, kapag kasama mo siya at wala kang pera, mamamatay ka sa gutom. =____=

Habang naglalakad kami, patingin tingin ako sa gilid. Baka kasi makita ko si Drake, aba, mahirap na! Effort na effort pa naman akong magpalit ng number, iblock siya sa fb at twitter tapos baka bigla na lang akong magcollapse pag nakita ko siya in person! Aba, one week pa lang kaming break. Feeling niya naman naka move on na agad ako! Hindi pa noh! The wounds are still fresh and ouch!

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon