Previous Page of 3Next Page

Panagutan Mo 'Ko! (On-going)

spinner.gif

Panagutan Mo Ko! *6*

"Honey, wait.. Honey!" tawag niya habang nakasunod sa'kin.. Kahit saan ako magpunta nakasunod siya, sa cafeteria, sa library, at paulit-ulit niyang sinasabi na panagutan ko siya. Pinagtinginan tuloy kami sa cafeteria at napalabas kami ng librarian. Hindi ko na alam kung san ako pupunta. Hanggang sa makasalubong ko si Cherry.

"Che--" tatawagin ko yung pangalan ni Cherry pero nasapawan ako nitong baklang 'to.

"Bestfriend!!" patili niyang tawag kay Cherry.. Ano daw, bestfriend?! Kilala niya si Cherry?!

Mukhang gulat na gulat naman si Cherry lalo na nang nakipagbeso-beso sa kanya si bakla. "Ah, eh.. Hi?" yun lang ang nasabi ni Cherry na may kasamang pagkunot pa ng noo.

"Che, magkakilala kayo nito?" nagtatakang tanong ko kay Cherry, habang tinuturo ko si bakla sa kanya.

"Huh? Hindi.. Tsaka ikaw ang kasama niya diba? Bakit ako ang tinatanong mo." sagot ni Cherry sa'kin, tapos naglipat ng tingin kay Brando. "Teka sino ka nga ba? At bakit bestfriend ang tawag mo sa'kin?"

"Hi! I'm Brenda and bestfriend ka ng Alex honey ko, kaya bestfriend na rin kita!" inabot pa niya yung kamay niya kay Cherry, hinawakan naman ni Cherry yung kamay niya at nakipag shake hands siya habang nakatingin sa'kin at bumulong ng "Honey?" kitang-kita sa mukha ni Cherry ang isang malaking question mark. Takang-taka siguro bakit tinatawag akong honey nitong baklang 'to.

Tinanggal ko naman yung pagkakahawak ng kamay nila at pumagitna sa kanila, at humarap ako kay Brenda, este, Brando pala, ay hindi Brandon, Aish! Bakla na nga lang!

"Paano mo nalaman na bestfriend ko si Cherry? Ha?" tinaasan ko pa siya ng dalawang kilay.

"Honey, you left your phone kasi.. Then I make browse-browse, kaya I saw your pics with your bestie! Ah..Wait!" may kinuha siya sa bulsa niya, yung phone ko pala. May pinindot-pindot siya tapos pinakita sa'kin. "Here oh.." picture namin ni Cherry. "And because of your phone din kaya nalaman ko kung san ka nag-aaral. May pictures ka kasi wearing your school's P.E. Uniform." explain ni bakla na mukhang proud pa sa ginawa niyang pakikialam sa phone ko. Hablutin ko nga!

"Akin na nga yang phone ko!" kinuha ko yung phone ko at nilagay ko kaagad sa bulsa ko. Baka pati password sa email ko, at pin number ng atm ko makita pa niya dito sa phone ko!

"Teka Alex.. Naiwan mo yung phone mo sa party diba? Don't tell me siya yung--" tinakpan ko kagad yung bibig ni Cherry. Pero kahit di makapagsalita, yung mga mata naman niya ang nagsasalita. Mukhang nagniningning sa tuwa.

"Kung ano man yung balak mong sabihin Che, huwag mo ng ituloy. Alam ko namang alam mo na ang sagot sa kung ano mang tumatakbo diyan sa isip mo."

Pilit tinanggal ni Cherry yung kamay ko na nakatakip sa bibig niya. "Sige na, hindi na ko magsasalita." tapos tinignan niya si bakla, inikut-ikutan pa niya. "Oh my ikaw talaga yun? Ikaw talaga yun? Shiyeet.. Ang gwapo mo namang bakla.." pinisil-pisil pa ni Cherry yung muscle ni bakla na tinapik naman nito.

"Girl ah, kahit bestfriend ka ng honey ko, masasapok kita. Hindi ako gwapo, maganda ako!" masungit na sabi ni bakla.

"Ay ang taray! Like kita! Super like kita! Sige pumapayag na ko, bestfriends na rin tayo!"

"Really?! Eeeehhh!!" at naghawak pa po sila ng kamay saka nagtatatalon.

Nga-nga ako.. Cherry? Seryoso?

"Hay.. Bahala kayong dalawa diyan.." tinalikuran ko sila saka nilayasan. Sila na lang magsama kung gusto nila.

"Alex! Sandali!" sigaw ni Cherry..

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (165)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Yoon Eun-Hyeas Alex/Alexandra
Gong Yooas Brenda/Brandon

Who's Reading

Recommended