Chapter 7: Home and Secrets

327K 8.2K 1.4K
                                    

XYRA

Sabado. Naglalakad ako palabas ng Academy. Maraming estudyante ang nagsisiuwian sa kani-kanilang bahay. Hinahanap ko si Clauss pero hindi ko siya makita. Pumunta ako sa puno na tinatambayan niya pero wala siya roon. Gusto kong magpaalam sa kanya bago umalis. Nakasalubong ko si Bryan. Tinanong ko sa kanya kung nakita niya si Clauss.

"Ah. Uuwi rin yata siya ngayon. Kanina pa nakaalis," sagot niya.

Napakunot-noo ako. Akala ko walang uuwian si Clauss? Siguro may bahay siya?

"Saan pala nakatira si Clauss?" tanong ko.

"Hindi ko alam pero nasa student profile niya ang address. But when we checked the place, he's not living there. Wala akong masyadong alam tungkol kay Clauss dahil hindi naman siya palakwentong tao. Iniwan nga niya sa akin ang baby dragon niya," paliwanag niya.

Si Baby Clauss? Bakit hindi niya isinama? Kawawa naman ang baby dragon. Tumango ako kay Bryan at nagpaalam para umuwi. Saan kaya nakatira si Clauss? Bakit ba napakamisteryoso niyang tao?

Sinundo ako ng driver namin. Mabilis ang pagpapatakbo ng driver kaya nagulat ako nang may biglang tumawid sa kalsada. Nanlaki ang mga mata ko dahil malapit na siya sa 'min. Sinubukang magpreno ng driver pero nabangga na niya ang lalaki. Gumulong pa sa unahan ng kotse ang lalaki, tumama sa unahang salamin bago tumalsik sa kalsada.

Napahawak ako nang mahigpit sa kinauupuan. Nanginginig ang driver nang mapalingon ako sa kanya. Tumingin ako sa nabangga namin. Nakatalikod siya sa 'min at nakahiga sa kalsada. Kinakabahan ako. Wala akong nagawa kundi ang bumaba dahil hindi pa rin nakakahuma ang driver sa nangyari.

Natatakot akong lumapit sa lalaki. Patay na ba siya? Ano'ng gagawin ko kung sakaling patay na siya? Makukulong ba kami? Magulo ang isip ko. Nagulat ako dahil biglang umupo ang lalaki at nagkamot ng ulo. Nakatalikod siya sa 'kin kaya hindi ko malaman kung duguan nga ba siya. Wala akong nakikitang patak ng dugo sa kalsada. Nagpasya na akong magsalita.

"A-ayos ka lang b-ba?" nauutal na tanong ko.

Ano ba naman ang tanong ko? Stupid question. Malamang na hindi siya maayos dahil nabangga nga. Ang lakas pa ng impact dahil mabilis ang pagpapatakbo ni Manong. Ang tanga ko talaga. Humarap ang lalaki at nagtatakang tumingin sa 'kin. Nakapagtataka na wala man lang siyang galos sa katawan.

"Oh, sorry. I think I hit your car," apologetic niyang wika. Nagulat ako sa sinabi niya.

What? He hit our car? Kami nga ang nakabangga sa kanya. What the hell? Tumayo na siya at pinagpag pa ang dumi sa pantalon at damit na parang hindi nabangga. Natulala ako.

"Hindi ka ba nasaktan? I mean, kami ang nakabangga sa iyo." takang tanong ko.

Napangiti ang lalaki at umiling. "I'm okay. Just worry about your car. I really did hit it."

He pointed to the car's direction. Napatingin ako sa sasakyan namin. Nanlaki ang mga mata ko dahil halos masira na ang unahan ng kotse at unti-unting nagkaroon ng crack sa unahang salamin hanggang sa mabasag ito. It's insane. Napalingon ako sa kanya na gulat na gulat. Speechless ako. Napakamot siya sa ulo at tinalikuran ako. Naglakad siya palayo.

"Hey, wait! Ayos ka lang ba talaga? Dadalhin kita sa ospital!" sigaw ko.

"No need. Ayos na ayos lang ako. Saka ko na lang babayaran ang damages sa kotse mo kapag nagkita ulit tayo. Nagmamadali kasi ako ngayon," paalam ng lalaki.

Wonderland Magical Academy: Touch of Fire (Cloak PopFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon