Chapter 23: He's really back.

53 3 1
                                    

(Jean's POV)

One month after. 

Kasama ko ngayon si Abigail, buti nandito yung bestfriend ko. Bakit ganon, nagawa ko na yung plano ko e, to make someone fall for me then break his heart, pero bakit ganon parang ako pa mas nasaktan sa ginawa ko. Naalala ko dati sabi nila, mas masakit daw kapag nasasaktan tayo dahil may nasaktan tayo, mas doble daw yung sakit.  Yung sakin nga ngayon di ko mabilang e. :(

"Okay ka lang ba best?"

"Oo, ako pa. Si Jean ata to, strong ako diba?"

"Best naman. Alam ko hindi ka okay."

"Kilala mo talaga ako best."

"Siempre naman magbestfriend ata tayo."

"Salamat best ah."

"Oh wag na tayo magdramahan best, anu ba plano mo nyan?"

"Plano para saan?"

"Hindi nyo wari aayusin ni Michael tong problema nyo? Saka best bakit ka naman nakipagbreak swerte mo na nga kay Michael e."

"Alam ko yon,..."

"Yun naman pala. Makipagbati ka na kasi sa kanya, balikan mo na sya."

"Di ko pa kaya, saka best bukas na pala flight ko. Nakapagpabook nako magbabakasyon muna ko sa state."

"What? Bakit ang bilis naman best?"

"Para mabilis akong makalimot."

"Best di naman mabilis makalimot e, it takes time..."

"Siguro nga, pero hayaan mo muna ako."

"Basta nandito lang ako best pag kailangan moko, tawagan mo lang ako kahit nasan kapa, pupuntahan kita." 

"Salamat."

Oo, tama yung nakita nyo. Aalis na muna ako, magpakalayo layo.. Siguro nga di ko pa nakikita yung lalaking para sa akin... O baka nakarma lang ako dahil sa ginawa ko, si Michael, mahal ko siya. Mahal ko na siya, yung talagang tunay na pagmamahal na nararamadam ko sakanya pero bakit ganon di nya ko pinaglaban. Hinayaan nya lang ako umalis non. :( Wala na  nga kaming communication e. Miss ko na siya pero siguro its the right time for me to let him go. Siguro tatanda nakong single and alone forever.

"Best okay ka lang?"

"OO naman."

Bigla namang may nagdoor bell, sino kaya siya?

"Ako na magbubukas, best."

"Sige.."

"Gab!" Biglang sigaw ni Abigail. Si Gabriel, bumalik? Kailan pa? 

"Best, si Gabriel!"

"Gab......................"

"Jean, i miss you..." Sabi nya tapos bigla nya kong niyakap. Pakiramdam ko dahil sa yakap nya magiging okay lahat. Pero bakit parang pakiramdam ko lang talaga. :(

"Uyy muling ibalik... " Bigla namang sabi ni Abigail.

"Sorry Jean, nacarried away lang ako."

"Okay lang."

"Maiwan ko muna kayo Jean and Gab. " Sabi ni Abigail tapos bigla na siyang umalis.

"Kamusta kana Jean? Gumaganda ka lalo."

"Salamat ganun siguro talaga kaming mga babae after break up."

"You mean kakabreak mo lang dun sa boyfriend mo? Parang ang bilis."

"Tss. ex boyfriend."

"Okay, ex boyfriend parang ako lang siya.."

"Maupo ka."

"Salamat."

"Ano bang kailangan mo sakin?"

"Ah?"

"Bakit ka pumunta rito?"

"Dahil gusto ko makipagbalikan sayo..."

"Wag kang magjoke."

"Di naman ako nagjo-joke e, Jean mahal parin kita hanggang ngayon..."

"Kung mahal mo pa ako, bakit bumalik kapa?"

Bigla naman siyang natahimik dun sa tanong ko. Ewan ko, pakiramdam ko weird na masyado utak ko pagdating sa pag-ibig. Dati nung nawala sakin si Gab, lagi kong sinasabi sa sarili ko kung mahal nya ko, babalik siya pero bakit ngayon ganun yung natanong ko sa kanya, siguro kasi di na sya yung taong mahal ko. Siguro kasi wala talaga permanente sa mundo, siguro kasi si Michael siya parin siguro talaga.

"Bumalik ako para sayo..." Sabi nya tapos di ko namalayan nakaluhod na pala siya.  

"Wala ka nang babalikan sakin...." 

"Pwede naman tayong magsimula ulit diba Jean? Tutal wala na kayo nung boyfriend mo, ako nalang ulit mahalin mo jean, please ako nalang."  

Tss. Yung sinabing nya yon, ano yon? Nung ako pinipilit kong wag nya kong iwan, anong ginawa nya? iniwan nya parin ako. Tapos ngayon sasabihin nya sakin siya na lang ulit yung mahalin ko? Aba ang kapal ng mukha mo 'tol. Sana naisip mo yung sakit na naramdaman ko nung nawala ka.

"Hindi na pwede, hindi na rin pwedeng mababalik yung pagmamahal ko sayo dahil ikaw mismo yung gumawa ng paraan para mawala yon."

"Kaya nga bumalik ako para mabalik ulit." Sabi nya tapos hinawakan nya yung kamay ko, pinilit ko namang alisin pero ang higpit ng hawak nya sa kamay ko. 

"Jean, alam mo nung bumalik ako dito, akala ko sasampalin moko, akala ko sasaktan moko pero tinanggap mo pa din ako. Kanina nung niyakap kita, pakiramdam ko parang wala man nangyari na parang kahapon lang tayo nagkita...."

"Anong pinagsasabi mo?" 

Biglang naman niyang dinikit yung isang daliri nya sa labi ko, naalala ko ginagawa nya lagi yon para tumahimik muna ako. 

" Jean pakinggan mo muna ako... Di naman ako umalis e, lagi lang akong nakabantay sayo kasi lagi ka lang nandito sa puso ko akala ko nga noong iplano akong i-engage ni Mama dun anak ng business partner  namin, akala ko makakalimutan kita pero hindi. Alam mo ba siya pa yung gumawa ng paraan para di matuloy yung engagement namin, si Chloe, sabi nya mahal na daw nya ko kaya ilelet go na nya ko,  pero literal na iniwan na nya talaga ako, wala na siya. Wala na yung babaeng akala ko non papalit sayo, pero hindi pala kasi ikaw lang talaga jean, ikaw lang.. Di ko alam kung paano moko mapapatawad, pero hayaan mo muna kong mahalin ka kahit may mahal ka nang iba." Pagkatapos inalis na nya yung daliri nya sa labi ko. Nilapit nya yung mukha nya sakin, we're an inch apart. Tapos hinalikan nya ko sa noo.

"Jean, let me love you more this time even you love someone else now. .." Pagsakabi nya non, umalis na siya...

Dun sa sinabi nya yon, parang nawala lahat ng galit ko sakanya. 

Heart Breaker.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon