[TBYD.SS] Playing Casanova ~ON HOLD!!~

Dedicated to
aril_daine
spinner.gif

Prologue


Cassanova?

Ano nga ba ang meaning non?

Isang lalaking madaming babae.

Totoo ba yon?

Paano nga ba nagkakaron ng ganito sa mundo?

Ayon sa mga love story na nababasa natin sa kung saan-saan..

Ang mga karaniwang dahilan kaya sila nagiging playboy ay dahil..


Una. Naranasan nila na mapaglaruan ng unang pag-ibig nila kaya naman gumaganti sila sa mga babae.

Reason o Excuse? Tss!

Pangalawa. Para sa atensyon na nakukuha nila.

Try nyo mag-artista!

Pangatlo. Dahil sa impluwensya ng mga kaibigan. 

Okay. No comment.

Pero totoo nga ba ito?

Ito ba ang mga dahilan kung bakit sila nakikipagrelasyon sa maraming babae?

Sino naman ang nagsabi?

Ang mga nabasa ba natin?

Pero pano kung perspective lang yon ng mga writers na gustong gumawa ng isang CHEESY ROMANTIC STORY?

Yung unang dahilan? I bet mahal parin ng guy ung first love nya tapos after ilang years magkikita sila nung babae at KABOOM!!

Nakikita nyo na ba kaagad ang plot?

Ano pa ba? Eh di papaibigin ni playboy si heartbreaker at maghihiganti.

Pero sa huli? Magsisisi sya dahil mahal parin nya yung babae.

There goes the drama!

Eh yung ikalawang dahilan?

Ang plot ng story na mabubuo dyan ay.. 

Mr. Attention Seeker meets Ms. Nobody

Uhuh. Sounds like we read this kind of story a lot, eh?

Eh yung ikatlo? Paano naman yon?

Isang bet. Of course. 

Barkada ng mga playboys na magpupustahan dahil walang kwenta ang buhay nila kaya naman gusto nilang maramdaman na makapangyarihan sila sa lahat.

Bitter? Right.

Actually, ito ang pinakamalala sa lahat!

Naranasan ito ng kaibigan ko.

Hwag na natin sabihin ang pangalan, baka mapatay nya ako.

Pero nagbabasa sya ngayon so.... HI MIRA!! ^^

Where were we?

Pustahan.

Tama. Alam nyo na siguro ang plot ng isang ito, tama?

Pero...

Paano kung ang pinakakilalang Cassanova ay may ibang dahilan?

May naiisip pa ba kayong dahilan bukod sa sinabi ko?

 

Subukan nga natin isa-isahin ulit.

Uno. Heartbroken?

Nah. Hindi naman sya na-inlove eh.

Dos. Attention Seeker?

Hindi na kailangan magpapansin dahil nasa kanya naman talaga ang atensyon ng lahat at hindi nya yon sinasadya.

Tres. Naimpluwensyahan.

Bestfriend nya ang isang snob at walang pakialam sa mga babae.

Wala sa tatlo ang dahilan.

Papaano nga ba sya naging hari at idolo ng lahat ng mga Cassanova?

Teka.

Sino nga ba 'SYA'?

Ang kaisa isang lalaki na biniyayaan ng napakagandang pisikal na katangian.

Mula sa kanyang mala-anghel na ngiti.

Nakakatunaw na mga tingin.

Mapanuksong katawan.

Mga kakaibang abilidad.

At isama ang kanyang mga matatamis na salita.

Sinong babae ang hindi sya papangarapin bilang boyfriend?

Isang God's Gift to Women.

Isang Adan sa mundo ng mga Eba.

Isang buhay na Greek God.

Isang Limited Edition na kailangan makuha.

Isang One In A Million.

Sinong babae ang hindi nanaisin na maangkin ang lalaking ito?

Sawing palad ang karamihan.

Kahit isa syang matinik na Cassanova, sya naman ang pinaka-mailap sa lahat.

Hindi sya nakikipagrelasyon sa iisa lang.

Kaya naman kung gusto nyo sya?

Kailangan nyong intindihin na hindi sya kailanman magiging pag-aari nyo lamang.

Palaging may kahati.

Palaging may mga nakapila.

Palaging pinapaligiran ng iba.

Palaging gustong makuha.

Ang nag-iisa sa lahat.

Ang pangalan na kinikilala.

Red Dela Cruz.

Ang ating Cassanova.

 

 

***Author's Note


So... I hope you like the Prologue.

This is another SIDE STORY of TALK BACK AND YOU'RE DEAD!

This will be the longest SS of TBYD I think.

I got the plot. Its still foggy but.. I want to start this story already so I did.

I have another SS for Amarie and JG. To My Cool Oppa, Saranghae!

This is dedicated to my Cyber Daughter Aril Daine.

IM SOOO EXCITED to see you and the whole gang! Love! Love! Love!

PASALUBONG KO GUYS!!!

Ang hindi mag-bigay may sapak! MOUHAHAHAHA!!

Joke lang. XD

This story may contain some scenes not suitable for kids. Parental Guidance is Advised.

Yeah. 

Alam ko walang makikinig sa warning ko.

Baka nga mas lalong tumaas ang reads ko eh. Mga ECHUSERA!

Iba ito sa TBYD.

Conservative ang lead doon.

So... Thats it. ^________^v

Twitter - Alesana_Marie

Hindi na ako masyadong tambay sa Fb. Sa Twitter na.


XOXO
Alesana Marie

Comments & Reviews (363)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Cast

Kim JaeJoongas Red Dela Cruz
Moon Geun Youngas April Beatrice Barasque

Who's Reading

Recommended